Gerald Anderson's Bukas Na Lang Kita Mamahalin to end after airing for 11 weeks on ABS-CBN



PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN, published as is:

Aminado si Gerald Anderson na naging mas palaban na siya sa buhay dahil sa karanasang pinagsaluhan nila ng kanyang karakter sa top-rating primetime teleserye ng ABS-CBN na Bukas Na Lang Kita Mamahalin na magwawakas na ngayong Biyernes (Nobyembre 15).

"Dahil sa mga pinagdaanan ni Miguel, mas na-realize kong kahit napakahirap ng sitwasyon at kahit marami kang kalaban, huwag na huwag kang susuko," pahayag ni Gerald kaugnay ng karakter niyang nakulong sa kasalanang hindi niya ginawa.

Ngayong nalantad na ang katotohanang si Marcus (Rayver Cruz) ang tunay na nanggahasa kay Carla (Diana Zubiri), makamit na kaya nina Miguel at Zenaida (Dawn Zulueta) ang inaasam na hustisya para sa kanilang pamilya? Anong 'pasabog' ang gugulat sa mga pamilya nina Zenaida at Victoria (Dina Bonnevie) na babago sa takbo ng buhay nila?

Huwag palampasin ang pagtatapos na hindi dapat pakawalan ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin, pagkatapos ng Maria Mercedes sa ABS-CBN Primetime Bida.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN