Fil-Am singer Summer launches debut album Secret Love


Secret Love ang title ng debut album ni Summer, ang Filipina-American singer na umuwi ng Pilipinas para subukan ang kanyang kapalaran sa local music industry.
Ang award-winning musician na si Vehnee Saturno ang producer ng debut album ni Summer. Malaki ang pasasalamat ng Fil-Am singer sa pagtitiwala sa kanya ni Vehnee na siya ring composer ng mga hit songs ni Willie Revillame.

Nakakaintindi ng Filipino language si Summer pero hirap siya sa pagsasalita ng Tagalog dahil lumaki at nagkaisip siya sa Amerika.

Apat ang Tagalog songs debut album ni Summer at aminado siya na hindi naging madali sa kanya ang mag-record dahil hindi siya gaanong marunong magsalita ng Tagalog.

Ipinagtapat ni Summer na pinagbuhusan nito ng panahon ang kanyang album dahil stanza per stanza ang pag-record niya sa Tagalog songs. Natuwa si Summer sa resulta dahil nabigyan niya ng wastong emosyon at justice ang pagkanta sa Tagalog compositions ni Vehnee.

"Ang Huwag Mong Sabihin Lang" ang carrier single ng debut album ni Summer. Nagpapasalamat rin ang Fil-Am singer dahil ipinagkatiwala sa kanya ni Vehnee ang revival ng "Kung Para Sa ’Yo," isa sa mga popular songs ni Willie.

Naririto ngayon sa Pilipinas si Summer para i-promote ang album niya. Babalik siya sa Amerika pero buo na ang kanyang plano na manatili sa bansa para tuparin ang pangarap niya na maging singer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN