John Lapus returns to theater after 15 years via Kapitan Sino

John Lapus is cast as a mayor in the play Kapitan Sino, which will be staged from May 3-6 at the University of Santo Tomas.


Habang hindi pa nagiging busy sa bagong teleserye si John “Sweet” Lapus, balik muna ito sa kanyang pinagmulan na Teatro Tomasino ng University of Santo Tomas. Bahagi siya ng sa theater production na Kapitan Sino ng novelist na si Bob Ong.

Gaganap si Sweet bilang si Mayor Suico sa stage adaptation ng Kapitan Sino by Cyrene Mendoza at mula sa direksyon ni Franny Omampo.

Ang Kapitan Sino ay kuwento ni Rogelio na nagkaroon bigla ng kakaibang superpower para makatulong sa maraming tao. Pero sa kabila ng kanyang kakaibang lakas ay ang sakripisyo na kanyang gagawin para sa kanyang pamilya at ang mga nananamantala ng kanyang kapangyarihan.

Itatanghal ito on May 3 to 6, 2017 at the Albertus Magnus Auditorium, UST.

Happy si Sweet na muli siyang nakabalik sa pag-arte sa teatro pagkatapos ng 15 years.

"Ito ang second major production of Teatro Tomasino for our 39th year kaya dapat pasabog in time for our 40th year next school year.

"That’s why I decided to return to the UST stage after 15 years.

"Sa 40th naman namin, I will direk our stand-up comedy Darna, Dyesebel at Iba Pa na ginagawa namin every 10 years.

"Hopefully bumalik din sa Teatro Tomasino ang mga kapwa ko honorary members like Piolo Pascual, Arnold Clavio, Eagle Riggs at yung iba pa na mga directors na at mga executives sa mga TV networks.

"Siyempre lahat kami dito nagsimula kaya we owe Teatro Tomasino big time.

"Maski mga professionals na like teachers, lawyers at doctors na members ng Teatro Tomasino noong mga students pa sila will return on our 40th year. Exciting talaga,” kuwento ni Sweet nang makapanayam namin siya via Facebook private messaging.

Kasalukuyang napapanood si Sweet sa Wansapanataym Presents Anikka Pintasera sa ABS-CBN kunsaan bida si Julia Montes.

Huling nakasama ni Sweet si Julia ay sa teleserye na Doble Kara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m so thankful sa Wansapanatym na cast na naman ako.

"Suki ako ng Wansa. Favorite show ko ‘yan at sila ang unang show na ginawa akong bida sa isang episode.

"Two months din ako pahinga kaya I’m so happy and thakful na dumating itong show with Julia.

"Ginawa kong productive ang two months na wala akong work by joining doing theatre again. Alam mo naman I believe that utang na loob is a virtue.

"Malapit na kami matapos ng taping ng Wansapanataym so sana magkaroon na ulit ako ng regular show,” wish pa ni Sweet.

Pinaalala rin si Sweet na kasama siya sa The Grand Celebrity Bazaar Year 7 na tatakbo hanggang April 30 sa Megatrade Hall 1, 5th flr, Bldg. B, SM Megamall.

"Maraming stars ang magtitinda ng mga pre-loved stuff.

"At least, may konting kita ako tapos nakakabawas pa ng gamit sa bahay!” pagtapos pa ni Sweet Lapus.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN