Sassa Dagdag, the next Sarah Geronimo?

IMAGE 0


Dream come true para sa dating The Voice Kids Season 2 finalist na si Sassa

Dagdag ang paglabas ng kanyang physical and digital solo debut album titled

Sassy Sassa under PolyEast Records.

“I’m very, very excited po,” bungad ng 14-year-old Pop Soul Princess at the

presscon for her new album.

Sassy Sassa consists of five tracks including her first single, “Kumakaba”

written by Arnie Mendaros, “Itatago Na Lang,” “Parang Pagibig” penned by

Jungee Marcelo, “D’yan Ka Lang” by Kiko Salazar at ang slow ballad na “Forever

Love.”

Gaano katagal niya ni-record ang mga kanta sa album?

“Not so long po, maybe about a week po.

“Actually po, yung iba hindi ko po siya alam that time. Pero nung recording ko

siya, with the help of the composers at yung mga tumutulong, nalaman ko agad

‘yung kanta while recording.

“So, itatago na lang for one day. Kasama na rin po siya ng ‘yung shooting ng

lyric-video ng “Kumakaba.”

“And ‘Kumakaba' yun po ang pinakamatagal na nagawa kasi at first it was good

but we have to repeat it kasi, para mas maganda daw po and polished.

“So, two days ginawa yung ‘Kumakaba’ including yung paggagwa ng lyric-video po.

‘Parang ‘Pagibig,’ one day lang din po, ‘yung kay Sir Jungee [Marcelo]. And

‘D’yan Ka Lang,’ one day lang din po, kay Sir Kiko.

“Maybe maximum of one week po,’ kwento ni Sassa.”

Based on her songs, klaro naman na mas lumilinya ang genre ng music niya sa
pop and R&B.

“Actually po, I’m not really sure with my genre kasi sabi nila I can do po. I

can also do rock, jazz, R&B though I’m not really sure yet.
“But personally po, depends po on my mood.”

Most of the time, what kind of songs you find yourself singing?
“I find myself singing Beyonce songs and Ariana Grande songs.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ON SHIFTING TO NEW MUSIC LABEL. Why did she sign up a recording contract with

PolyEast Records after MCA Universal?

“Umalis po ako sa kanila [MCA-Universal] kasi I want to experience new things
“Ah, it was really fun working with them but I want to experience new things

para naman po mas lumawak ang experience ko.

“Actually po, maraming kumukuha sa akin that time. Pero we ended up picking

PolyEast Records po kasi I’m very comfortable po here.

“Also, I chose PolyEast especially kasi nandito po si coach Bamboo. So, pareho

po kami ng recording label.

“And I’m really, really happy here kasi seryoso po. Parang family po ang turing

sa akin dito. Very welcoming.”

Hindi kaya si Bamboo angn nag-push para kunin siya ng PolyEast Records?

“Actually, matagal-tagal na rin po kaming hindi nagkikita ni Coach Bamboo.
“So, actually, I’m very excited po, nalaman po nya ‘yung album ko which is
‘Sassy Sassa,’ e, kasi ito po ‘yung, kinuha ko po yung mga tips niya.”

According to PolyEast Records, alam daw ni Bamboo na may album na si Sassa
sa kanila.

May “itinulong” ba si Bamboo sa content ng album niya?

“Matagal na po kaming hindi nagkakausao. Medyo busy po siya.

“But I think if we have something to ask po sa kanya, he will help us po. Very
kind po siya especially his manager, si sirt Pancho po.”

Ano ang mga natutunan niya kay Bamboo when he was still her coach sa The Voice

Kids?

“Marami po siyang tips that time and I’m very, very happy. Napakabait po niyang

coach. ‘Yung mga tips niya sa akin, whenever you’re on the stage- own the

stage, just enjoy. Huwag mo’ng isipin ang tingin ng mga tao sa ‘yo basta mag-

nejoy ka lang whenever you are on the stage kasi doon ka masaya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang artist, sa palagay niya malaki ang naitulong nang pagsali niya sa The

Voice Kids?

“Sobrang-sobrang laki ng tulong po ng The Voice sa akin kasi it’s my stepping

stone.

“First of all, kung hindi ako nag-The Voice hindi ako magi-improve sa pagkanta

ko. Hindi ako makikilala. I’ll be the same Sassa when I was younger, hihi.
I wouldn’t meet sir Bamboo and PolyEast Records, ayun po.”

Anong feeling na kahit hindi siya nanalo sa The Voice Kids may kumuha pa rin sa

kanya bilang recording artist?

“I’m really happy kasi from the start naman ng The Voice, ang point ko lang is

to enjoy. Kasi po, huwag iisipin na competiton, singing is my happiness, so,

enjoy lang when I’m on the stage.”

Wala siyang burning desire na manalo when she joined The Voice Kids?
“But of course, deep inside I want to win, though. Pero mas nangingibabaw ‘yung

enjoyment especially kasama kop o ‘yung ibang kids.”

Ano ang masasabi niya sa success ng grand champion nila sa The Voice Kids

Season 2 na si Elha Nympha sa showbiz?
“I’m so, so proud of her. Napaka-happy ko po sa mga achievements na nakuha

niya. As on older sister, I’m really, really very h
appy considering she’s just a child. Pero ‘yung mga nagawa na niya is just

unbelievable and I’m really really happy for her.”

Sino ang kanyang favorite singer?

“I have a lot internationally and local artists. Kasama na po of course, si

Beyonce, Jessica Sanchez. Sa Local naman po Morisette Amon, Charice Pempengco,

‘Yun po, ‘yung apat na ‘yon.

“Sa male artist naman, Bruno Mars.”

Ano naman ang reaction niya kapag sinasabing hawig niya si Mariah Carey nung

nagsisimula pa lang ang international diva sa music scene?

“Oh, yeah,” nakangiti niyang pagsang-ayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I like her too po. Sila ni Whitney Houston, I love them po.”

Bakit gusto niya si Beyonce?

“She’s just really unbelievable. Napaka-grabe lang talaga. Basta speechless ako

when it comes to her. Kasi every performances, yung professionalism, yung

pagkanta habang sumasayaw na hindi hinihingal nandoon.

“Riffs and runs, riffs and runs andoon, and powerful voice.

“Complete package-face, katawan. Everything about her is just so perfect.

“So far ‘yan ang pinaka-inspiration ko especially kapag nasa stage siy, ‘yung

professionalism niya is so on point. Kasi one time na-stuck ‘yung hair niya sa

electric fan but she kept on singing.

“And then ‘yung isa naman, nag-growl-off siya sa stage pero nagkaka-kanta pa

rin siya. Tapos ‘yung the way na sumasayaw siya kapag kumakanata, parang

balewala lang sa kanya, sa mga birit. She’s just amazing.”

Sa tingin niya, kay Beyonce niya nakuha ang singing style niya?

“Actually, I don’t know kung saan nanggaling ‘yung mga riffs and runs ko. It

just came out of my mouth. But since I was a kid, parang ano na lang, natural

na lang po.

“But, of course, nakakakuha rin po ako ng, anong tawag doon...Yung parang, for

example, eto ang kulot ni Beyonce or Jessica Sanchez, ayun alam ko na,

techniques and inspiration sa kanila.”

Sumasayaw din ba siya tulad ni Beyonce?

“Yes po, pero sa sayaw natutunan din po yun.”

Ano ang gusto niyang ma-achieve sa kanyang singing career?

“Ah, be straight forward. I want to be like Beyonce soon, but in my own way, or

course.”

Ano ang pinaka-favorite niya na song sa album?

“It depends on my mood, actually.”

For example, nakita niya ang kanyang crush?

“‘D’yan Ka Lang.’ Hahaha! Ay, hindi, hindi ‘D’yan Ka Lang!’ ‘Itatago Na Lang.’
Actually, yes. Kasi kunyari nand’yan siya tapos parang sasabihin mo sa sarili

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

mo, ‘Pretend, pretend, pretend.’ Kunwari wala ka’ng pakialam pero namumula ka

na. Hahaha!”

What specific line sa song ang bagay kapag nakita niya ang kanyang crush?

“Uh, ‘’Itatago na lang ang damdamin ko dahil ayokong malayo sa ‘yo,” sambit

niya habang kinakanta.

“So, for example, sa friends,if ever lang po, ha. Hindi ko pa po na-expereicne

‘to. ‘Yung friend mo magkagusto sa kanya. So, parang ‘yung kanta na ‘yun,

‘dahil ayoko’ng malayo.”


Willing din ba siya to join again sa ibang talent show ng ABS-CBN gaya ni Ehla

na sumali sa “Your Face Sounds Familiar?”

“It depends on the composition especially now na nasa PolyEast na ako. So,

meron na po’ng sariling name.”

Aware siya na kahit natalo sa contest, magiging successful singer pa rin siya?
“Yes po. Uh, lahat ng tao may oras. May oras para diyan.”

Gusto rin ba niyang maging artista?

“Opo, if given a chance why not?”

Naka-attend na ba siya ng acting workshops?

“Ah, soon po. Actually ano naman po, e, tini-train po nila ako.”

Kung bibigyan siya ng kalabtim, sino ang pipiliin niya?

“Kahit sino po ang ibigay nila na ka-loveteam ko, I’ll be happy na po.”

Anong reaction niya kapag sinabing siya na ang susunod na Sarah Geronimo?
“Happy lang po,” ngiti niya.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN