Ang Babae sa Septic Tank will open in cinemas by August 3


PHOTO CAPTION: Eugene Domingo (top frame) topbills Ang Babae sa Septic Tank, which also stars (bottom frame, from left) Cai Cortez, Kean Cipriano and JM De Guzman.

Masaya si Eugene Domingo dahil sa nakuha niya ang Best Actress award sa 7th Cinemalaya Independent Film Festival for the movie Ang Babae sa Septic Tank. Historic ang panalo ni Uge (palayaw ni Eugene) dahil first time sa history ng Cinemalaya na tinanghal ang best actress for a comedy role.

Kahit na maraming nagsasabi na si Uge ang mananalong best actress, nag-expect ba talaga siya na mananalo siya sa category na ito?

"Alam ko lang na maganda ang role ko. Alam ko na mabigat ang role ko. I mean hindi maigsi ang role ko so yung weight o bigat ng role for the best actress, malaki ang consideration. Pero nang mapanood ko ang ibang pelikula like si Ms. Fides Cuyugan Asencio [NiƱo] at yung iba pang artista na ang gaganda ng pelikula, ayun nag-Baclaran na ako," wika ni Uge sa PEP (Philippine Entertainmnent Portal).

"Mahirap kasing maniwala na lang basta kasi mayroon tayong tinatawag na taste ng jury. Uy, huwag kang masyadong confident. Saka first time na comedy ang panlaban sa award, you can never can tell, wika nga so the award is a blessing in the sky," pabirong wika ng aktres.

Pero ang na-feel mo nung tinawag ang name mo na winner?

"Hindi na nga raw ako nakatayo, sabi ni John Lapus na kasama ko that night. Sabi ni Sweet itinayo raw niya ako at nalaglag pa ang bag ko. Because...kasi may pressure din for me kasi Chris Martinez is my best friend and he's the screenwriter. Sabi niya, gusto ko manalo ka. Ang gusto namin manalo ka. May pressure din, hindi ba kasi kung hindi ako mananalo, parang malulungkot sila," sambit ni Uge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung ako lang, kaya kong i-handle, e, pero katulad nung mga taong nakapaligid na baka sumimangot sila kung di ako mag-win, ayoko iyon. So natutuwa ako, actually, kaya idinonate ko ang trophy ko kay Cherry Pie Picache kasi isa rin siya sa grabe ang pag-congratulate niya sa akin. At saka grabe ang pagkagusto niya sa art piece na iyon," wika pa ng aktres.

Sa dami ng mga achievements mo, hindi pa ba nabo-boost ang confidence mo na puwede kang manalo ng award for a performance?

"Hindi eh, alam mo, hindi ko alam kasi alam ko naman na hindi permanent ito na nandun ako lagi. Of course, tatanggapin mo rin na na lahat sa paligid mo, gusto ka. Pero alam mo rin na hindi lahat gusto ka. Nandoon ako lagi sa katotohanan na I have my friends, my true friends always so lagi ang paa ko ay nasa lupa to remind me na dapat mababa lang ako, I mean na dapat humble ako," sabi pa ng Cinemalaya best actress of 2011.

Totoo bang pumasok ka sa totoong septic tank?

"Hindi naman pero 'yung pinaghalo-halo nilang kung anu-ano sa ginawa nilang septic tank, konti na lang eh parang yung totoong septic tank na: may oil, may gulay, may mga malalambot na bagay, madulas, kung anu-ano na pagkalubog mo ay maiinom-inom mo rin," kuwento ni Uge.

So anong lasa? "Parang nasarapan ako," she says with a laugh. "Hindi ko na naisip kung anong lasa. Basta nung sinabing action, go! After that, natulala ako kasi nagpalakpakan sila. Hindi ko na nagawa iyon mung maaksidente ako kasi nga naaksidente ako. Hindi na nakunan na lumubog ako talaga. Nakunan lang nung nahulog ako kasi after that naospital ako for three days."

Hindi pa nga raw totally na magaling ang muscle sa kanyang likod. Kailangan pa raw niyang mag-undergo ng therapy at may kamahalan daw ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binanggit ni Uge sa presscon ng Ang Babae sa Septic Tank na gusto na niyang mag-asawa. Seryoso ba siya rito?

"Siguro naman nasa tamang edad na ako. Kasi parang umaabot ka rin sa puntong kontento ka na, masaya ka na. Ang iniisip mo na lang sana ay ma-inspire ang mga nagsisimula na katulad mo rin, sa iyo. I think that is the most rewarding words na matatanggap, yung sabihin sa iyo na 'you inspire us.' At saka nga yung feeling of contentment.

"So I think kung mabibigyan ako nang pagkakataon na magkaroon ng asawa, puwede ako to step back," sabi pa ni Uge na surprisingly ay nag-open up sa kanyang desire na mag-settle down na.

Baka naman may nanliligaw sa iyo?

"Wala nga, sabi nila baka raw may gustong manligaw kaya lang kinakabahan or nai-intimidate. So hindi ko alam. Wala eh, hindi ko alam kung may nagpaparamdam. Hindi ka naman puwedeng lahat ng bagay, madikit lang sa iyo, lalagyan mo ng ibig sabihin. Ang kailangan ko ay isang tao na may lakas ng loob. Hintayin pa ba nilang sabihin ko na na 'I'm just a girl, floating in a septic tank, asking you to love me.' Kailangan ba na ganun?'

Baka naman ang taas ng standard mo after winning best actress awards?

"Ang ending lang naman diyan ay pusuan. Wala naman mga standard-standard, puso lang talaga. Pag nagkakoneksiyon kayo, pag nagmamahalan kayo, walang trophy-trophy rito. Basta may connection."

Eh sabi mo kasi, dapat kaya kang buhayin?

"Ibig kong sabihin, di naman dapat siya ang aking buhayin. Dapat mayroon din siyang pambayad ng mga bills. Ano tayo rito, normal, mag-asawa."

At 40, would you say life begins at 40?

"I believe so. Life begins at 40. 40 is the new 13. Ano yun, wala pang 18," natatawang sagot ni Uge.

Ang Babae sa Septic Tank wilbe screened starting this Wednesday, August 3, in theaters nationwide. Directed by Marlon Rivera from the script of Chris Martinez, it also stars Kean Cipriano, JM De Guzman, and Cai Cortez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


(CLICK HERE to read PEP's review of Ang Babae sa Septic Tank)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN