TV5 launches first digital traffic information system in the Philippines


PHOTO CAPTION: Ini-launch ng TV5 ang pinakabagong interactive, public service site nila, ang "Metro Manila Traffic Navigator" o MMTN. Ang hosts ng naturang event ay sina Paolo Bediones at Cherry Mercado (upper right frame) samantalang nandun rin ang Head ng TV5 News and Information na si Luchi Cruz Valdez.





Ini-launch ng TV5 ang pinakabagong interactive, public service site nila, ang "Metro Manila Traffic Navigator" o MMTN, na naganap noong August 1 sa Edsa Shangri-La Hotel sa Ortigas.

Ang mga host para sa gabing iyon ay ang mga news anchors Paolo Bediones at Cherry Mercado.

Bago pa man ipakilala ang naturang portal, sinabi ni Cherry Mercado, "Ito ang magiging bagong best friend of travelers."

Nagbigay din ng opening remarks ang Head ng TV5 News and Information na si Luchi Cruz Valdez.

Inilarawan niya ang bagong innovation na ito ng TV5 bilang, "another TV5 endeavor that will change the way Filipinos deal with day to day life."

Magiging malaking tulong ito sa mga tao sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

IT'S BEGINNING. Naisakatuparan daw ang proyektong ito sa pamamagitan ng kanilang "genuine public-private partnership" ng TV5 network at Metropolitan Manila Development Authority, o MMDA.

Ayon kay Roby Alampay, ang Chief Editor ng interaksyon.com, sinabi nitong nagsimula ang ideyang ito nang makita nila ang mga traffic updates ng MMDA na nakasulat sa isang malaking white board.

Kuwento niya, "We saw this white board, and I said, what's this for?

"'Ano yan, ito yung traffic situations. Ililista diyan yung traffic every fifteen minutes.'

"And I said, then what happeneds to that information? 'It's refreshed.'

"I said, what does 'refreshed' mean? It means they erase every fifteen minutes."

"So we really felt, sayang naman.

"Sayang naman kung hindi ma-capture 'yan, kung hindi ma-digitize."

Kaya naman mula sa ideyang ito'y nabuo ang kauna-unahang "digitalized traffic information system" dito sa ating bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito daw ay makatutulong sa mga motorista na ma-monitor ang lagay ng trapiko sa mga pangunahing kalsada ng Metro Manila.

Anim na pangunahing kalsada ang nasasakop ng portal na ito: EDSA, C5, Quezon Avenue, EspaƱa, Roxas Boulevard, at South Luzon Expressway o SLEX.

Ang lagay daw ng trapiko ay maa-update every 5 to 15 minutes, sa loob ng 24 oras.

Gayundin, matapos makita ang lagay ng trapiko'y maaari din itong mai-share o tag sa kanilang mga Facebook at Twitter accounts.

Maaari ding ma-access ang portal nila sa pamamagitan ng kahit anong web browsing-ready na gadget, tulad ng mga android phones, tablets, at laptops.

Para masubukan, at makita ang pinakabagong innovation na ito ng TV5, pumunta lamang sa http://mmdatraffic.interaksyon.com.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN