The 83-year-old mother narrates anecdotes about her son Ariel Villasanta


May Season 2 sa GMA News TV ang Mommy Elvie @18, ang TV show ni Mommy Elvie Villasanta, ang equally famous mother ng komedyanteng si Ariel Villasanta of Ariel and Maverick fame.

Sa September 10, Saturday at 10:30 am na ang simula ng airing ng bagong season. Ano ang bagong aabangan sa season 2?

"Marami, maraming magagandang mapapanood kasi kami kuwan e reality show, wala ho akong script e dahil hindi na ako maka-memorize, mag-e-eighty four na ako sa December," bungad na kuwento sa PEP.ph ni Mommy Elvie ng nakausap namin siya kamakailan.

"Madami kasi nga walang script at reality."

At 83, hindi ba siya hirap sa show?

"Hindi ho kasi basta ikukwento lang nila sa akin yung takbo ng... kung ano ang story, adlib na lang, kung anong sabihin ng anak ko, sumasagot ako."

"Kaya kung minsan natatawa sila kasi ang sagot ko hindi nila akalain."

Bakit magaling siya sa adlib? Sa kanya ba nagmana si Ariel?

"Ang anak ko, e... sabi nga ni Joey de Leon nung mapanood niya yung show namin, sabi niya 'Kay Tiya Elvie pala ako nagmana!"
Si Mommy Elvie at ang ina ni Joey ay magkapatid.

"Kasi napanood niya kaya kung minsan sabi ng anak ko, 'Si Mommy kung minsan ang mga sinasagot sa akin hindi ko na minsan kayang sagutin, e. Kung saan-saan nanggagaling!'

"Pero totoo naman kako, ang mga sinasabi ko naman, totoo. Pareho ng pinagbabawalan nila akong kumain ng baboy, ng lechon. Sabi ko, ang sabi ng doctor, puwede paminsan-minsan.

"E yung minsan na yun, ngayon na, kasi may lechon, ngayon kako yung minsan na yun.

"Sabi ni Ariel, 'Mommy, kahit na anong sabihin mo, masama!' "Oo nga, masama, araw-araw, masama, paminsan-minsan hindi. "E, ngayon minsan lang lang yan dumating, iyan na yan. Wala siyang magawa kundi bigyan din ako."

Magpapakasal sa iba't-ibang bansa sina Ariel at ang misis nitong businesswoman na si Cristina Decena, nakakatatlong kasal na sila, sa Thailand, at recently ay sa Japan, pero kahit minsan ay hindi nakasama si Mommy Elvie dahil...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May phobia ho ako sa eroplano! Hindi pa ho ako nakasakay sa eroplano. Kasi nga ho miski sa elevator takot ako, e.

"Kaya kung minsan ho... nung minsan nga nagtampo ako dun sa anak ko, e. Sila kasi nasa 17th floor, sa penthouse, gusto kong bumaba, uuwi ako dun sa kapatid ko e ang sabi... hindi ako makababa kasi mag-e-elevator, e takot ako talaga sa elevator.

"Hindi ako nakauwi, niloko nila ako, sabi nila sira ang elevator, kunwari humihingal sila. Hindi naman pala sira.

"Kasi magpapasundo ako, sasabihin ko dun sa kuwan, tatawag ako sa lobby, 'Puwede bang pumahik ang isa sa inyo?'"

Bakit ayaw siyang paalisin ni Ariel?

"Kasi nung minsan kumain ako ng chicharong bulaklak," natatawang sagot ni Mommy Elvie.

Kaya gusto ni Ariel na nababantayan siya, dahil bawal kay mommy Elvie ang chicharon.

"Ang sarap nun, di ba? Kapiraso lang naman, e. E ako naman hindi naman ho ako dumampot binigyan nila ako ng isa. Ngayon si Cristina, binigyan ako ng isa pero alam naman ninyo yun, hindi naman isang piraso iyon [kundi] one fourth.

"E, ngayon nung matapos na kami may natira sa plato alangan namang ipabalot ninyo pa? E di kinuha ko na, sabi ko nakakahiyang pabalot.

"Kinain ko, nagalit si Ariel.

"Sabi, 'Mommy ang mahal-mahal ng ospital!'" natatawang kuwento pa ni Mommy Elvie.

Hindi siya kumontra sa plano ng dalawa na magpakasal sa iba't- ibang bansa?

"Hindi naman ho, iyon ang gusto nila, e."

Kahit hindi niya mawi-witness....

"Bale ba si Ariel iisang anak ko lang, after ten years bago ko yan pinanganak. Kaya si Ariel miracle baby yan e, kasi may edad na ako halos [ng ipanganak]."

"Hindi ba niya sinabing dito na lang sa Pilipinas magpakasal ang dalawa para maka-attend siya?

"Hindi pa puwede kasi hindi pa annulled kasi si Ariel [from his first marriage]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Mommy Elvie @18 ay tungkol sa mga kahilingan ni Mommy Elvie sa buhay. Meron ba siyang bagong wish na gustong matupad na wala sa season 1?

"Ang wish ko na lang e sana magkasundo sila talaga kasi considering na lima ang anak niya [Cristina]. Pero lahat ho sila napakababait, yung mga anak niya hindi o akalain na ganun kababait."

Wish niya na maging pang-habambuhay na ang relasyon ng dalawa.

"Ay, oo! Dahil yung anak ko naman simple lang naman siya, e. "Sabi nga niya 'Mommy, simple lang naman ang buhay na gusto natin, di ba? Sabi ko, 'Oo'.

"Katunayan wala hong bisyo yung anak ko, hindi nagsisigarilyo hindi umiinom, walang barkada."

Responsableng asawa at anak rin si Ariel. Bukod sa showbiz, may magandang posisyon si Ariel sa isang telecommunications company.

"Magtu-twenty three years na siya sa PLDT.

"At siya kahit may kamag-anak kami dun, um-exam-in siya nung pumasok siya doon. Talagang sariling kayod hindi nilakad.

"Nandun yung pamangkin ko na kapatid ni Joey de Leon, executive secretary ni Don Ramon Cojuangco."

Babae ang nabanggit na kapatid ni Joey.

"Iyon lang ho ang babae, tatlong lalaki sina Joey, isa lang ang babae. Pangalawa si Joey tapos yung babae pangatlo, pang-apat lalaki rin."

Si Mommy Elvie ang nagdadala ng kanilang show, ayon na rin sa mga manonood.

"Sabi nga ho nila, kasi miski saan kami pumunta tulad sa Duty Free, nandun kami, may mga balikbayan, nagulat ako dahil kilala nila ako, sabi, 'Mommy Elvie!'

"Nakatingin ako, sabi 'Sa Canada ho kami galing, pinapanood namin ang show ninyo. Sinusubaybayan namin at very eager kami talaga'. May replay pa yata sa kanila, 'Inaabangan ho namin, e!'

"Nag-thank you ako sa kanila. Tapos sabi nila, alam ninyo, idol namin kayo kaysa' ... tapos tinuro nila si Ariel. Sabi ko kay Ariel, 'Ayan ha, kitang-kita ang ebidensiya, kita mo ebidensiya!'" ang tumatawang kuwento pa ni Mommy Elvie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

But PEP found out, mahiyain pala si Mommy Elvie.

"Oo tsaka may inferiority complex nga ho ako pagka yung haharap sa public, nahihiya ako."

Hindi nga raw niya minsan sinasadyang magpatawa.

"Hindi ko nga akaling ganun kasi pag minsan pag may sinasabi si Ariel, sumasagot ako, yung mga tao pag nagsasalita ako pati yung director, nagtatawa."

Wala siyang script naiisip lang niya ng biglaan ang mga isasagot niya.

Sana sila nagte-taping?

"Dun sa bahay namin sa Provident, yung na-Ondoy. Maayos na ulit, napagawa na. Doon kami nagte-taping, para libre na ho, para walang gastos."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN