AJ Muhlach, Aki Torio, Eula Caballero and other cast members will continue their mall shows this September


Sa kabila ng matinding bagyo at ulan noong nakaraang Linggo, August 28, ay dinumog pa rin ng mga fans ang mall show ng mga Bagets Nation cast members na sina AJ Muhlach, Aki Torio, Rico dela Paz, Josh Padilla, Imee Hart, Eula Caballero, Shy Carlos, Nadine Lustre at Meg Imperial sa SM Bacoor.

Ito ang ikatlong mall show ng mga Bagets sa iba't ibang parte ng Pilipinas bilang pasasalamat sa mainit na pagtanggap ng mga fans sa kanilang afternoon show sa TV5 na Bagets Nation.



Ngayong Sabado, September 3, magkakaroon ng mall show ang Bagets Nation sa SM Sucat at sa September 10, nakatakda silang tumungo sa SM Valenzuela at sa SM Bicutan naman on September 24.

Umaatikabong tilian at sigawan ang maririnig sa buong mall nang makita ng mga tao ang kanilang mga idolo. Kitang kita rin naman ang kasiyahan ng mga bagets na ito sa mainit na pagtanggap sa kanila ng kani kanilang fans, kaya nga buong giliw nilang pinasaya ang kanilang mga tagahanga sa pamamagitan ng kanilang mga awit at sayaw. May mga pagkakataon pa na nakikipaglaro sila sa kanilang mga fans.

Bago nagsimula ang kanilang mall show ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph na makapanayam ang mga Bagets Nation kung anu ano ang unforgettable experiences nila sa kanilang mga nakaraang Mall Shows at kung ano ang masasabi nila sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga fans nila hindi lang sa kanilang TV show maging sa kanilang mall show, at ito ang kanilang ilang pahayag:

Ani AJ: "Pinaka unforgatable ko po yung unang una po, yung sa SM Fairview po, sobrang punung puno, sobrang nagulat kami,hindi namin ini expect na ganun karami yung tao, kasi pagdating namin doon, nung una parang hindi pa nila alam na nandun na kami. Tapos nung nakita na kami nung isang grupo biglang nagsigawan sila. Kahit wala pa kami sa stage nagsisigawan na sila. Talagang nakakakilabot yung sigawan nila. Nakakatuwa!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Para naman kay Aki, may mga pagkakataon na nasisira pa ang damit niya dahil sa kaguluhan sa paligid.


"Dati po nahihipuan ako, normal lang naman na, nata touch touch nila ko sa mukha sa katawan pero pag sa ibaba na po, umiiwas na po ako, umiilag na ako. Minsan nasugatan na rin yung mukha ko. Kasi nakurot po ng fans. Natatandaan ko sa SM Pampanga yun, may fans dun gigil na gigil sa akin nakurot yung pisngi ko. Madalas din po nasisiraan ako ng damit. Minsan may isang fans po, nakita ko parang may hook po na hawak tapos lumapit sa 'kin, sumabit sa damit ko, ayun napunit yung damit ko. Sayang naman! Pero ok lang naman po. Masaya naman po kami na maraming sumusuporta sa Bagets."


Kuwento naman ni Rico: "Masaya yung experiences po naming lahat sa mall tour, kasi tuwing pupunta kami sa mall show namin, mapapasaya na naman namin yung mga fans. Saka masaya kami pag ganito karami yung crowd, at sumisigaw sila ng malakas, parang nagkakaroon kami ng gana para lalong galingan ang aming performance."


Hindi na raw bago ito kay Josh, ang anak ng popular singer dati na si Gino Padilla:


"I'm really excited every mall show namin. Sobrang excited po ako, I'ved never experienced like these before in my life. Of course na-experience ko po ito dati pag sumasama ako sa dad ko [Gino Padilla], talagang pag kumakanta na sya, nagtitilian yung mga tao. At this time, na-experienced ko naman po na ako naman ang tinitilian ngayon. Ganun palang yun feeling nang tinitilian, masaya, it's a different experience."


Nanghinayan naman si Imee nang matanggal ang hair extension niya sa nakaraang mall show nila.

"Nahila po yung hair extension ko dun sa mall show namin sa SM Fairview. Natanggal talaga, as in hindi ko na nakuha. Sayang! Ganito siya oh [sabay pinakita sa akin yung sample ng hair extension niya]. Hindi ko na nakuha kasi nadapa yung batang nakahila, nahihiya naman akong kunin pa, pero yun yung harsh talaga. Pero ok naman po masaya naman kami lahat kahit may mga ganun kaming experiences."


Natatandaan naman ni Meg ang pagkakataon na nahulog siya sa hagdan at nagkasugat pa ang kanyang kasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung experience ko nung nahulog kami sa hagdan, kasi pag papasok or lalabas na kami ng back stage, kapit kapit kaming mga Bagets, dahil masyadong marami yung tao kaya kailangang magkapit kapit kaming lahat para hindi magkahiwa hiwalay. Si AJ po yung yakap-yakap ko, eh tumalon po siya sa hagdan, eh, nakakapit ako sa kanya, so nahila niya ako, nahulog din po ako sa hagdan, ayun po nagkahiwalay kami ni AJ. Naiwan kami ni Aki, tapos hinila na kami nung mga fans. Si Aki nagkasugat sugat na, ako rin nagka pantal pantal din, sa sobrang hila ng mga fans."


Ayon kay Eula, ang nanalong winner sa Star Factor ng TV5, halo-halong emotions ang nararamdaman niya kapag may mall show sila.

"Masaya na nakakatakot, kasi nung um-exit na kami sa venue, naging wild na yung crowd, kasi nahatak na yung hair extension ni Imee, dumugo pa yung lips ni Shy, nagkakagulo na talaga yung mga tao. May nagkakaapakan na. Although, may mga ganung experiences kami, napakasaya namin, kasi sobrang overwhelming ng feeling. Yun kasi yung first mall show namin sa SM Fairview, hindi namin ini expect na ganun yung pagtanggap sa 'min ng mga fans. Natutuwa kami kasi nafi-feel namin na pinapanuod talaga nila yung Bagets na TV show namin at kilala nila yung mga karakters namin."



Kahit nagkasugat si Shy, hindi naman daw siya nagalit sa mga fans. Kinuwento rin niya na nakakatanggap siya ng regalo mula sa fans tulad ng kwintas at contact lens.



"Masaya at exciting po yung mga nakaraang mall shows namin kahit nasugatan po ako sa labi. Kasi po yung mga fans di ba gusto ka nila mahawakan, so nagkakakaway mga kamay nila ayun tinamaan yung labi ko. Di naman po ako nagalit nun. Ok lang naman po yun. It's normal. Nag-enjoy nga po ako everytime na may mall show kami, kasi ang saya po nakikita kong nag e-enjoy sila kasi parang inaabangan nila yung mga episodes nung Bagets at kilala nila yung mga karakters namin. May mga nagbibigay ng gift po sa amin, tulad kanina may nag-abot sa 'kin ng necklace at contact lens. Sa mga nakaraang mall tour may nag abot sa akin ng mga Hello Kitty stuff toy, sobrang generous ng mga fans, kaya sa pamamagitan nitong mall show namin, eto yung way namin to thank them sa pagiging generous nila at pagsuporta nila sa TV show naming Bagets."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Natutuwa rin si Nadine tuwing may fans na nagbibigay pa ng regalo para sa kanila.



"Minsan, napipisil po ako sa pisngi, nakukurot, nakakalmot, nahahatak yung buhok. Di naman po ako nagagalit sa kanila pag nangyayari yun, masaya pa nga po kami at ang sarap ng feeling na nakikita mong sinusuportahan ka ng ibang mga kaedad mo. May mga mababait na fans po na nagbibigay sa 'min ng regalo tulad ng mga bracelet at stuff toys. Masaya po na may nagbibigay ng mga fans ng mga ganun, kasi parang nag-aabala pa po sila magbigay ng ganun. Di ba yung pagpunta palang nila sa mall show namin ay malaking abala na sa kanila yun, tapos magbibigay pa sila ng mga regalo, siyempre nakaka touch po yung ganun."

Abangan pa sa iba't ibang lugar ang kanilang mall shows at mapapanood rin ang mga teenage stars tuwing Linggo, 4:30 ng hapon, sa Bagets Nation sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN