Ariel Villasanta talks about his relationship with wife Cristina Decena's child


This September ay sisimulan na ang Season 2 ng Mommy Elvie@18 hosted by Mommy Elvie Villasanta and her son, TV host Ariel. Kung sa unang season ay tinupad ang ilan sa mga wishes ni Mommy Elvie, ngayong Season 2 ay mas malalaki at makabulkuhang mga hiling naman niya ang tutuparin.

Sa interview namin kay Ariel sa presscon ng Season 2 ng Mommy Elvie@18 noong September 2, tinanong namin sa TV host kaya pa ba ng ina ang mag-taping gayong mayroon itong breast cancer na naging rason nga kung bakit ginawa nila ang nasabing show.

"Sa totoo lang, may iniinom siyang gamot para diyan, lumiit pero di ko lang alam kung sa pagliit ba ng bukol ay pagkawala na rin ng cancer. Di naman siya nahihirapan, nagtataka nga ako kasi malakas siya, e, at nakatuwa yun. Siguro yun din ang advantage na di namin pinaalam kasi baka ma-depress lang siya.

"This is the second season of Mommy Elvie@18. Nagdesisyon kami na magka-season 2 kasi nga maraming positive feedback sa facebook, tapos may mga pumasok na bagong sponsors kaya na-push through ito. Dapat magpapahinga si Mommy Elvie, ilo-launch namin ni Maverick yung bago naming show sa GMA News TV din, 'yong Maverick and Ariel, TV Icons pero ito na muna 'yong pinariotize namin."

Ikinuwento sa amin ni Ariel na mas maraming dapat abangan sa Season 2 ng Mommy Elvie@18 kung saan mas magaganda at makabuluhan ang mga wishes ng butihing ina.


"Yung ibang mga wishes niya di natupad pero yung iba naman naging pangmalakihan naman, ito tungkol pa rin sa mga wishes niya. Kunwari dati Home for the Homeless, mga ilang tao lang yung natulungan, ngayon nag-iisip na kami ng pabahay, lalapit na kami sa puwedeng lapitan para mas makatulong sa mas maraming tao. Puwedeng maulit ang wish niya pero sa mas malaking perspective pa."

WEDDING IN JAPAN. Nagpakasal uli sa Japan sa businesswoman na si Ms. Cristina Decena. Masayang ibinahagi sa amin ni Ariel ang experiences nila sa nasabing bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ito yung pinakagusto namin kasal, artsie pala dun, naka-kimono, feel na feel ni Cristina yun. parang Haponesa tapos naka-bike lang kami. Basta ang saya ng experience na yun."

Inamin sa amin ni Ariel na hindi masasabing perpekto ang pagsasama nila ni Ms. Cristina pero masaya sila sa tinatakbo ng lahat.


"May mga adjustments na normal naman sa isang pagsasama pero so far ok naman kami. Iba yung both of you are matured enough to handle the situation. Ang importante lang bigayan lang, pag mainit ang ulo ng isa, dapat wag mong sabayan. Saka number 1 pag malinis ang hangarin ninyo sa isa't-isa, magiging maayos ang lahat."


Maayos din ang relasyon ni Ariel sa mga anak ni Cristina kung saan di niya pinilit na maging close agad sa anak nito sa una.

"Ok naman. Di naman ako sobrang sweet sa kanila, alam mo yung sa showbiz na feeling close agad di ba? Ako yung normal lang, siyempre bago pa lang pero di ako yung feeling close. Darating yun, unti-unti, di ako yung masyadong ma-epal, normal lang."

Bukod sa Totoo TV with Maverick, parte na rin ng Sapul sa ngayon si Ariel starting this Monday, September 5.

"Kinuha ako ng Sapul mag-uumpisa ako sa Monday. Mawawala si Erwin [Tulfo], ako ang pinalit. Siguro pinag-concentrate siya sa hapon, ako 'yung pinalit sa kanya. Super excited ako at alam kong marami akong matutuhan dito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN