Ligo Na U, Lapit na Me will open in cinemas by September 28


PHOTO CAPTION: (From left) Mercedes Cabral, Nora Aunor and Edgar Allan Guzman were present during the premiere night of Ligo Na U, Lapit Na Me held last Sunday, September 25. This Cinemalaya entry will have its regular run starting September 28. (CLICK HERE to read PEP's review of Ligo Na U, Lapit Na Me)

Nag-premiere night ang indie film na Ligo Na U, Lapit Na Me kagabi, September 25, sa Gateway Mall (Cinema 1), in Cubao, Quezon City. Ang naging special guest ng bidang aktor na si Edgar Allan Guzman ang superstar na si Nora Aunor.

Tinupad ni Ate Guy ang kanyang naipangakong pagsuporta kay Edgar Allan, lalo ngayong itinuturing na rin daw niya itong kanyang "anak" (o anak-anakan) na labis na ikinatutuwa ng award-winning actor.

Ang special screening kagabi ay pangalawang premiere ng Ligo Na U... Nagkaroon na kasi ito ng world premiere sa CCP noong July 2011 bilang isa sa mga competing entries sa 7th edition ng Cinemalaya.

Sa Ligo Na U, Lapit Na Me nakamit ni Edgar Allan Guzman ang una niyang Best Actor award para sa New Breed category ng Cinemalaya.

Sa commercial run ng pelikula, simula sa Miyerkules, September 28, ang Ligo Na U... ay iri-release na ng Regal Films.

Binili ni Mother Lily Monteverde ang distribution rights ng pelikula na dinirek ni Erick Salud, mula sa screenplay ni Jerry Gracio at base sa nobelang may katulad na pamagat, na sinulat ni Eros Atalla.

Hindi nakarating sa "commercial premiere" si Mother Lily at ang anak na si Roselle Monteverde-Teo. But Ate Guy made up for their absence, bilang pag-suporta na rin kay Mother Lily na siya niyang producer sa gagawing pelikula, ang Mano Po 7 (Hototay) na pagsasamahan din nila ni Edgar Allan Guzman, featuring an all-star cast, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Agad nabalitaan ng mga fans ni Nora ang pagdalo ng hinahanggang aktres, kaya maaga pa lang ay naghintay na sa pila ang mga ito, sa Gateway Cinema lobby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagdating ni Ate Guy, pinalibutan nila ito habang humihiyaw, "'Nora! 'Nora! Nora!'" kaya lalong naging masigla ang pagdaraos ng premiere night.

Sinalubong din agad si Ate Guy ni Mr. Fu sa lobby at tinanong, "Ate Guy, naligo ka ba? Ilang beses kang naligo ngayon?"

Natawa si Nora at nakipagbiro din naman sa TV5 entertainment host. "Aba, siyempre! Tatlong beses akong naligo!" sagot niya.

Bukod kay Ate Guy, malakas din ang sigawan ng fans sa pagdating ng lead actor na si Edgar Allan Guzman, na kasamang dumalo ang kanyang mommy, Rosario Guzman, at iba pang close relatives.

OTHER ATTENDEES. Bukod kina Nora Aunor, Suzette Ranillo, at ang dalawang bidang artista ng Ligo Na U... na sina Edgar Allan at Mercedes Cabral, namataan din sa premiere ang iba pang artistang kasali sa pelikula tulad nina Luis Alandy, Lucky Mercado, Shalala, Ching Danseco, Francine Prieto at Bobby Yan.

Kasama ni Mercedes Cabral ang kanyang manager, Shandii Bacolod, na manager na din ngayon ni Lance Raymundo; at ang record producer na si Jeff Tan, ng Universal Records.

OFF TO HAWAII INT'L FILM FEST. After the screening of Ligo Na U, Lapit Na Me, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ate Guy kung ano ang masasabi niya sa performance ni Edgar Allan. Gumanap ang aktor bilang si Intoy, ang happy-go-lucky teenage student na umibig sa naging kaklaseng si Jenny (portrayed by Mercedes Cabral), a liberated woman.

"Magaling siyang artista. Sana magtuluy-tuloy lang siya," sagot ni Ate Guy.

Mahigpit ding niyakap ni Ate Guy si Edgar Allan sa may kinauupuan nila, sa magkasunod na rows mula sa ibaba; nasa 3rd row sina Ate Guy, Suzette Ranillo at Albert Sunga, while sa kasunod na row (2nd) ay magkatabi sina Edgar Allan at Mercedes Cabral.

"'Anak' na talaga kita!" sabi rin ni Ate Guy kay Edgar Allan na siyang gumanap na stepson ng Superstar sa TV5 mini-serye na Sa Ngalan Ng Ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-interview din kay Nora Aunor si Alex Gonzaga, ng programang Juicy, at binanggit din sa kanya ni Nora ang magandang impresyon niya sa napanood na pagganap ng mga bida ng pelikula.

Meanwhile, bukod kay Edgar Allan at Mercedes Cabral, nag-congratulate si Nora Aunor sa direktor ng Ligo Na U, Lapit Na Me na si Erick Salud.

Na-impress si Ate Guy at binanggit ang kanyang pag-appreciate sa pelikula ng baguhang indie filmmaker na labis na ikinatuwa ni Direk Erick.

Tulad ng ibang naging direktor sa pelikula, isa ring Noranian si Erick Salud kaya ganu'n na lang ang katuwaan niya nang dumalo si Ate Guy sa "commercial" premiere ng kanyang debut indie film.

"Salamat sa mga 'Kapamilya' at 'Kapatid' na nandito; and, of course, ang ating Superstar!" simulang banggit ni Direk Erick sa simula ng palatuntunan bago ganapin ang screening.

"Star-struck ako!" sambit pa ng direktor na dating nag-trabaho sa ilang ABS-CBN shows bilang executive producer.

"After a long time, ngayon ko lang uli nakita si Ms. Nora Aunor. Kasi, sa Showbiz Lingo [in the '90s], nagge-guest siya noon, nasa likod lang kami, di namin siya nakakausap, kasi diretso agad [siya] sa panel.

"Ngayon talaga, with matching pictures pa! Ang sarap maging fan, di ba?" natutuwang banggit pa ni Erick Salud.

"Finally, maipapalabas na 'yung pelikula namin, sa September 28, a day after my birthday [September 27]. Magandang gift for me na maipalabas ito sa regular theaters."

Bago ang Gateway premiere, marami na ring naging special screenings ang Ligo Na U, sa iba pang venues outside of CCP, matapos ang ten-day Cinemalaya Film Fest, tulad ng Cine Adarna (ng UP Film Institute), at ilang university film screenings, like in UP Los Banos and De La Salle University.

Ayon din kay Direk Erick at Noel Ferrer, ang Ligo Na U, Lapit Na Me ay nakatakdang mag-compete sa Hawaii International Film Fest sa darating na Oktubre 2011.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Minsan na ring naimbitahang maging hurado si Nora sa nasabing international filmfest sa Hawaii.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN