Carmina Villarroel says she is willing to be directed by Zoren Legaspi


"I am a hands-on mother to my two kids, and I gonna make sure na masustansya ang mga kinakain nilang pagkain lalo ng mga gulay," ito ang pahayag ni Carmina Villarroel sa recent presscon ng kanyang bagong endorsement na MMK (Malunggay, Monggo at Kalabasa) Del Monte Tomato and Spaghetti Sauce na ginanap sa Events Place, Tomas Morato noong September 22.

Matapos ang presscon ay nagkaroon ang PEP.ph na makanayam si Carmina tungkol sa iba pang parte ng kanyang buhay at ito ang mga pahayag ng isa sa bida ng GMA-7 show na Pahiram Ng Isang Ina:

Kamusta ang shoe designing business mo?

"Okay naman.

Paano ka nagsimula sa shoe design business mo?

"Sa hilig ko lang sa shoes talaga, kasi may mga requirement ako sa shoes na parang naghahanap ako parang wala. [Ang iba] parang masakit isuot. Kaya sabi ko sa sarili na, bakit hindi na lang kaya ako gumawa ng sarili kong shoes para kung sarili akong design or particular color, ako na lang yung gagawa, tapos from there nag start na yung business ko na yun. Saka di ba sabi nila pag gagawa ka raw ng business dapat something that you really like or interesado ka talaga, para talagang maging hands on ka."

Ikaw mismo yung nagde design? Buti hindi po kayo nauubusan ng design?

"Oo [ako nagde design]. Hindi naman ako nauubusan ng design, kasi pwede ka naman laging nasa classic lang. Saka minsan nag re-research ako ng ibang design."

Kamusta na kayo ni Rustom nagkita or nagkausap na ba kayo?

"Hindi pa, hindi pa talaga."

Kung sakali ba willing ka maka trabaho si Rustom sa pelikula?

"Depende, depende lahat naman 'yan, e. Depende kung maganda yung story. Kasi kung parang pag pi piyestahan lang naman, di ba?"

Hindi ka ba nagseselos kay Michelle Madrigal na bida sa pelikula ni Zoren?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman, saka hindi sila magkapartner sa gagawing nilang project, kasi dapat nung unang magkapartner sila doon, pero maraming pagbabago, so hindi na siya ang partner ni Michelle, siya lang ang mag di direk at magpo produce."

Willing ka bang magpa direct kay Zoren sa isang project?

"Oo naman, gusto ko, although nakaka-nerbiyos pero gusto ko."

Kahit yung idi-direk niya may kissing scene kayo nung co-actor mo pero siya mag di direct?

"Oh my gosh! Hindi ko kaya. Hindi ayoko, malalaki na yung anak namin. Gusto ko kasi pag gagawa ako ng project gusto ko yung napapanuod ng mga kids ko, e. Kasi nagre react talaga yung mga kids ko kahit alam nila na trabaho lang. Halimbawa yung binubugbog-bugbog ako teleserye ko, na a apektuhan talaga sila at umiiyak sila at napapaginipan nila yung eksena. Kahit ini explain ko sa kanila na, 'This is just acting ' pero hindi talaga nila maintindihan. What more pa kaya kung may hahalik sa akin na iba. May didikit nga lang akin isang guy at ipapatong ang kamay sa balikat ko nagtatanong na sila na, 'Why is that guy putting his hand on your shoulder?' I told them na 'it is just acting, anak.' Hindi nila talaga maintindihan."

Pero si Zoren ba pwede gumawa ng project na may kissing scene?

"Siya oo, bahala siya, never naman akong nakialam sa mga career moves niya. Basta sa trabaho niya, bahala siya."

Yung mga anak mo ba plano mo ring papaskukin sa showbiz?

"Sa ngayon, hindi muna po, commercial commercial muna po pwede nilang gawin. Gusto ko muna po silang magtapos ng pag-aaral nila."

Gaano ka ka-secure sa relationship ninyo ni Zoren?

"I cannot speak for him, kumbaga ako, secure ako sa kanya, hindi akong pwedeng magsalita para sa kanya. Hindi ko pwedeng sabihin na hindi na siya makukuha ng iba. Malaki yung confidence ko na may takot na siya sa Diyos, more than na may takot siya sa akin ay may takot siya sa Diyos. With that kind of faith very confident ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN