Joel Mendoza is nominated as Best New Male Recording Artist in the 3rd Star Awards for Music


Tuwang-tuwa at nagpapasalamat si Joel Mendoza sa Philippine Movie Press Club dahil napansin ang kanyang album sa Viva Records titled Pakinggan Mo Ako. Nominado siya ngayon sa 3rd Star Awards for Music bilang Best New Male Recording Artist na ang awards night ay gaganapin sa October 16 sa Lee Irwin Theater sa Ateneo De Manila.

"Ibinabandila ko dito sa San Diego,CA ang pagkilala n'yo sa akin! More Power po sa mahusay nyong pagkilatis sa mga nominado," mensahe niya sa kanyang Facebook account.

"Parang panalo na ang pakiramdam ko sa nomination ko!!! Kasi alam kong gusto n'yo talaga 'yung mga songs ng album ko," aniya.

Katuwang niya si Vehnee Saturno na mabuo ang mga awiting ito.

Sa San Diego, California naka-base si Joel at guest siya sa San Diego tour na pinamagatang Teleserye Royalty Tour/Concert na gaganapin sa October 8 sa Joe & Vi Jacob's Center, 404 Euclid Ave., National City, California.

Makakasama niya rito sina Coco Martin, Maja Salvador, Jason Abalos, Mara Clara cast members, Jovit Baldovino and comedian Chokoleit.

"It's indeed an honor to represent San Diego and the whole Filipino community here in San Diego for this limited teleserye tour! Nagustuhan ng producer yung mga " Teleserye Compositions ko" kaya ako lang nagiisang special guest dito, considering, VIVA artist ako," aniya pa.

Sa November 3 naman ay international launching ng kanyang album na Pakinggan Mo Ako sa Dream Catcher Theater, Viejas Casino kung saan ay guest niya si Lani Misalucha. Ito'y pinamagatang Miracles & Dreams Concert.

"Salamat kay Lani Misalucha for prioritizing me over other commitments. They are also supporting me 100% on this event. Lani will be having 2 segments and a killer duet with me. Wish me luck on this kasi biritan yung song," bulalas pa niya.

Babalik sa Pilipinas si Joel upang asikasuhin ang kanyang first major concert at promotion ng kanyang second single.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN