Ogie Alcasid is Boy Pick Up in the two-part anniversary special of Bubble Gang


Ogie Alcasid plays the character of Boy Pick Up in the same titled segment of Bubble Gang.


Ayon sa actor, comedienne, at singer-songwriter na si Ogie Alcasid, madami daw dapat abangan ang mga manonood sa two-part anniversary special ng GMA-7 gag show na Bubble Gang.

Magse-celebrate kasi ng kanilang 16th anniversary ang show sa darating na Biyernes, Oktubre 14, at sa susunod na Biyernes, Oktubre 21.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment press si Ogie sa set visit ng Bubble Gang noong Oktubre 10, sa Studio 6 ng GMA Network.

Pero, isa daw sa mga dapat abangan ay ang video ni Boy Pick Up.

Sinabi ni Ogie na si Michael V. daw ang nag-direct at edit ng naturang video, samantalang si Eri Neeman naman ang nag-compose ng kanta.

Ang Boy Pick Up segment ay ang parte ng show kunsaan nagpapasiklaban ang ilang lalaking cast sa pagbabato ng mga pick up lines sa napiling babaeng cast ng gabing iyon.

UNEXPECTED SUCCESS. Ang ideya daw ni Boy Pick Up ay nabuo sa pagtutulong-tulong nilang mga cast, at ilang staff ng show.

"Well, kami [nag-isip]. Pero ’yong pangalan, ’yong characterization ako," saad niya.

"Kasi, no’n binring up nila sa akin ’yong idea na pagalingan ng pick-up lines, sabi ko okey ’yan pero kailangan ’yong dulo walang kuwenta.

"So, sabi nila, ’like how?’ So, gumawa ako ng example, ’tas tumawa sila, so, we tried.

"Wala siyang kakuwenta-kuwenta, kaya nga siya nakakatawa, di ba, kasi lagi akong panalo?

"So, I think kaya siya sinusundan ng mga bata, nakakagawa sila ng sarili nilang pick-up lines.

"So, nakakatuwa naman kasi ’yong mga kids o teenagers nasisira din ang ulo."

Aminado si Ogie na hindi nila inasahan ang magandang feedback sa naturang segment ng show.

Gayunman, masayang-masaya daw siya sa naging kinalabasan nito.

"Ang ine-expect ko no’n ’yong Korean, ’yong Wonder Boys," pag-amin niya.

"Pero, feeling ko hindi namin masyadong na-sustain.

"Tsaka, song and dance ’yon, e, so parang hanggang do’n lang, e, ito ang daming puwedeng gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero nakakatuwa kasi malalaman mo ’pag hinahanap, e, hinahanap ng tao.

"Nakakatuwa, e, kasi I think pati ’yong attitude ni Boy Pick-up ginagaya ng mga bata, e. ’Yong hiphop na maangas, e, wala naman kakuwenta-kuwenta ’yong mga sinasabi.

"I’m sure after ng anniversary, ’pag na-air ’yong kanta, grabe!"

Kaya naman, may isang may rebelasyon si Ogie tungkol sa naturang segment: "Ito nga, si Boy Pick-up mainit ngayon, inaabangan siya ng mga fans.

"In fact there might be a movie...might."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN