Allen Dizon agrees to shoot sexy scenes with Vina Morales for Nasaan Ka Elisa




Halos sunod-sunod ang paggawa ni Allen Dizon ng mga pelikula na tumatalakay sa mga malalalim na issue at mga problema na kinakaharap ng mga Pilipino sa panahon ngayon.

Ilan sa mga advocacy films na ginawa ni Allen ay ang Dukot (Desaparecidos) na tumalakay sa human rights violations at extra judicial killings sa Pilipinas. Sinundan ito ng Sigwa na tumalakay sa diktadurang rehimen ni Ferdinand Marcos noong panahon ng Martial Law. Pangatlo, ang Deadline: The Reign of Impunity na tumatalakay sa mga media killings at warlordism.

Pang-apat na nagawa niyang advocacy film ay ang Patikul na tungkol naman sa illiteracy problem sa Sulu. Sisimulan na rin niya ang pelikulang Migrante na magbubunyag raw sa kalagayan ng mga kababayan nating OFW.


(CLICK HERE to learn more about Migrante)


Ang lahat ng pelikulang ito ay mula sa direksyon ng multi-awarded director na si Joel Lamangan.


FOCUS ON ADVOCACY FILMS. Dahil sa kanyang involvement sa mga naturang advocacy projects, inamin ni Allen na tinuturing niya ang sarili bilang "actor activist."


"Most of our films required us to immerse and do some research regarding the subject matter we are presenting in our film," ani Allen. "Mahalaga na may alam ka sa isyu otherwise walang conviction ang role na gagampanan mo.

"I can say, I'm an actor-activist because of the kind of films I'm doing. Hindi man ako sumasama sa mga rally ng literal, I hope sa pamamagitan ng mga pelikulang ginagawa ko ay maibahagi ko ang aking boses bilang aktibistang artista na naniniwala na dapat ilahad ang katotohanan sa sining ng pelikula. Malaki ang epekto sa akin ng pagsama ko sa mga aktibista at naniniwala ako sa ipinaglalaban nila. It sounds idealistic pero ang pag-arte ko sa mga ganitong pelikula ay ang aking maliit na kontribusyon bilang artista."


Nagsimula si Allen sa movie industry noong bilang sexy actor. Sa loob ng mahigit isang dekada sa industriya, nakatanggap na siya ng six acting awards at ilang acting nominations.


May plano pa bang bumalik si Allen sa paggawa ng mga sexy films?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"As of now, I want to concentrate with these kinds of [advocacy] films. It's my passion to do socially relevant films," paliwanag ng aktor. "Darating talaga sa buhay ng isang tao na kailangan niyang pumili sa mga bagay na pinapaniwalaan niya. Hindi ko ikinakahiya na gumawa ako ng maraming sexy movies before. But actors have to grow. I'm not getting any younger, my eldest daughter is already 9 years old. Gusto ko iyong mga pelikulang gagawin ko now ay iyong ipagmamalaki ng mga anak ko. Iyong pagpapa-sexy ibigay na lang natin sa mga baguhan tapos na talaga tayo diyan," pagdedeklara ng aktor.


GOING SEXY FOR TV. Bagamat ayaw na raw magpa-sexy ni Allen para sa big screen, open naman siya sa pagtanggap ng TV project na medyo daring ang theme.


Sa suspense-mystery teleserye ng ABS-CBN na Nasaan Ka Elisa, may pagka-daring ang role ni Allen bilang Nick Perez. Ang primetime soap na ito ay local adaptation ng Kapamilya Network sa Chilean series na ¿Dónde Está Elisa?

In one episode, pinakita ang "shower scene" ni Allen kasama si Vina Morales. May bed scenes rin sila at may eksena na palakad-lakad si Allen habang naka-boxer briefs.


"We were told na medyo pang mature audience ang Nasaan Ka Elisa. Although daring, television has limitations. And I think Direk Jerome Pobocan and Direk Richard Arellano did a wonderful job in executing delicate scenes of our soap. Hindi siya bastos and exploitative. Naiiba ang Nasaan Ka Elisa, hindi siya typical soap na tearjerker at grabe ang mga twists na dapat abangan. Very modern ang mga characters dito and for a change hindi api-apihan ang bida [played by Melissa Ricks]," ang sabi ni Allen.


Sa mga susunod na episodes, ang karakter ni Allen ay magiging isa sa mga suspects sa pagkawala ni Elisa. Lalabas ang mga itinatagong sikreto ni Nick at malalagay sa alanganin ang pagiging matalik nilang magkaibigan ni Mariano Altamira (played by Albert Martinez).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami akong ma-dramang eksena na talagang pinaghandaan ko. Siyempre, nakakahiyang pumalpak kasi napakahusay nina Albert Martinez, Agot Isidro at Vina Morales. Ibang klase kapag mga beteranong artista ang ka-eksena mo, napaka-intense nila. From start to end, nandun ang character ni Nick kaya sa mga sumusubaybay sa aming soap, sana magustuhan nila ang aking pagganap," dagdag ni Allen.


"Nagpapasalamat ako sa ABS-CBN sa pagbibigay sa akin ng importanteng papel sa Nasaan Ka Elisa. Looking back, sila rin ang nagbigay sa akin ng break noong nag-uumpisa ako, eto iyong soap opera na Sandaling Kailangan Mo Ako kung saan lover ako ni Tracy Vergel na kasabwat niya sa paggawa ng kanyang evil schemes. Lahat halos ng mga soap opera na naging mainstays ako ay sa ABS-CBN katulad ng Kung Fu Kids, Mga Anghel Na Walang Langit at Saan Ka Man Naroroon.


Dahil visible siya sa ABS-CBN, does it mean na mas at home siya sa Kapamilya Network?


Paliwanag niya: " I'm at home in any station. Hindi ako exlusive sa ABS-CBN. In fact, my last soap opera is with GMA-7's afternoon soap Tinik Sa Dibdib where I played the role of Ara Mina's boyfriend. I did some guestings in TV5 shows before Nasaan Ka Elisa. After airing of Nasaan Ka Elisa kung may offer na maganda from other network, why not. Pero hindi ko muna iniisip 'yon. Right now, I'm enjoying my role in our soap."


MIGRANTE TO BE SHOT IN ISRAEL. Malapit na rin umpisahan ni Allen ang bago niyang pelikula na Migrante (The Filipino Diaspora). Sa nasabing story conference ng pelikula ay nagpahayag siya ng excitement at pasasalamat sa muling paggawa ng advocacy film na sa pagkakataong ito ay susubukang talakayin ang paghihirap ng ating mga kababayang OFWs.

"I'm forever grateful to Direk Joel Lamangan and Sir Boni Ilagan . Sila ang nagbukas ng aking mga mata sa mga isyung panlipunan na dapat pahalagan at ibahagi bilang sining at pagmumulat. Bibigyang buhay ko ang role ni Andy, isang OFW na maraming kahinaan at nasira ang pamilya, guilt-ridden ako dito habang hinahanap ang asawa kong OFW [to be played by Jodi Sta. Maria] na isang fugitive at nagtatago sa Israel. Hitik sa drama at suspense ang pelikula," pagmamalaki ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


May shooting sa Israel si Allen kasama sina Jodi Sta Maria, Joem Bascon, Chynna Ortaleza at Jaime Pebanco. Ang XITI Productions ang producer ng indie film na Migrante.


Kasama rin sa powerhouse cast sina Robert Arevalo, Raquel Villavicencio, Rich Asuncion, Alex Castro, Regine Angeles, Vaness Del Moral, Angeli Nicole Sanoy, May -I Fabros, Krisanto Ilagan, Sam Nasser at Joshua Bramaje.


Nakatakda rin lumipad sa Europe si Allen sa ikatlong linggo ng Nobyembre para dumalo sa European screenings ng Deadline: The Reign of Impunity kunsaan isa siya sa mga bida. Naghahanda rin siya at nag-aaral tungkol sa isyu ng media killings and human rights violations dahil magkakaroon ng "open forum" ang mga screenings. Ipapalabas ito sa Amsterdam, Belgium, France, Germany, Italy, Norway, Switzerland, Denmark, Austria at London.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN