TV5 officially launches Kapatid TV5 and Aksyon TV International in Dubai and Abu Dhabi


PHOTO CAPTION: (L-R) Aga Muhlach, Ruffa Gutierrez and Shalala

Isang masaya at kapanapanabik na weekend ang hatid ng TV5 at ng international affiliate nito, ang Pilipinas Global Network Limited (PGN Ltd.), sa mga kababayan natin sa Middle East.

Sa isang pagdiriwang na binansagang "Give Me 5 Kapatid," ang mga TV5 stars na sina Aga Muhlach, Ruffa Gutierez at Shalala ay lalahok sa isang engrandeng three-day event na gaganapin sa Dubai at Abu Dhabi sa November 3-5, 2011.

Siguradong mapapaindak ang lahat sa hinandang number ni Aga Muhlach. Kamakailan lang ay nagpakitang gilas sa pagsayaw at pagkanta ang host ng Pinoy Exlorer sa katatapos na selebrasyon ng Wil Time Bigtime na ginanap noong Oktubre 22. Nagmistulang mini-concert ang performance ni Aga na labis namang ikinatuwa ng libu-libong fans na dumalo sa Smart Araneta Coliseum.

(CLICK HERE to watch related video)

Mabibighani naman ang lahat sa kagandahan ni Ruffa Gutierrez. Ang kontrobersyal na host ng Paparazzi ay makikipag-chikahan sa mga Pilipinong sabik ng makabalita tungkol sa mga kwentong showbiz sa Pilipinas.

Makakasama rin nina Aga at Ruffa ang kwelang host ng Juicy na si Shalala. Tiyak na maraming katatawanan at "blind items" ang pasalubong ng komedyante para sa mga Kapatid sa Middle East.

Bukod sa Grand Fan's Day ng mga TV5 stars, magkakaroon din ng Pinoy Explorer promo, isang espesyal na screening ng Sa Ngalan ng Ina, at concert na pangungunahan ng Side A band sa Abu Dhabi National Theater. May international auditions para sa Talentadong Pinoy na gagawin rin sa Boracay Club, Asiana Hotel sa Dubai sa November 5.

Ang "Give Me 5 Kapatid" ay isang pasasalamat sa mainit na pagtanggap ng mga Pilipino sa Middle East sa international channels ng TV5: ang Kapatid TV5 at Aksyon TV International.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN