InTENsity makes it to Top 12 of The X Factor (USA)


Pasok sa Top 12 ng The X Factor (USA) ang InTENsity, ang grupong kinabibilangan ng Fil-Am singer na si Ellona Santiago.



Ito ang resulta ng unang live show ng U.S. reality singing search, na ipinalabas noong October 25, 2011.



Ang judges mismo ang pumili kung sino ang papasok sa Top 12.



Ang InTENsity ay binubuo ng young singers na natanggal sa semi-finals, o boot camp. Kasama ni Ellona dito sina Nick Dean, Francesca Duncan, John Lindahl, Emily Michalak, Arin Ray, Lauren Ashley Redmond, Ma'at Bingham Shango, Austin Percario at Emily Wilson.



Si Paula Abdul ang kanilang mentor.



Noong live show ay kinanta ng InTENsity ang "Footloose" ni Kenny Loggins at "The Clapping Song" ni Shirley Ellis.



Sa naturang performance ay nagsilbing lead singers ng grupo sina Ellona at Arin.

Mukhang sanay na sanay sa stage ang grupo--maganda ang choreography, pati na rin ang vocals ng lahat ng miyembro. Kaya naman puro papuri ang tinanggap nila mula sa apat na hurado.



"Really impressive" daw ang performance para sa record producer na si LA Reid.



"For a group that's been put together, I felt you guys have grown together, you've gelled, and that was really entertaining," saad ni LA.



Natuwa rin si Nicole Scherzinger sa grupo. "Oh my goodness. I hope you are all enjoying this. You're like my little pumpkin patch of yummy pumpkins!"



"Music miracle" naman para kay Simon ang InTENsity.



Paliwanag niya, "Here are all of you who'd been thrown at the competition, you have a couple of weeks to get together. I love the two songs.



"I love that you've included 'Footloose,' which is very current right now. From a record company's persepective, I'll look at you and say I've got the new young Glee in front of me."



Pinuri rin ni Simon ang boses ni Ellona, the girl "in the red jacket."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"And you in the red jacket have got an amazing voice," sabi ng sikat na talent scout at reality show judge.



Proud na proud naman si Paula, ang mentor ng grupo.



"The girl in the red jacket? Ellona! InTENsity, you know what? You rose to the occassion, you'd put putting hours with me. Again, I am really proud, I'm very proud of you."



Hindi lang ang judges ang pumuri sa performance ng InTENsity. Kasama nila ang ilang U.S. websites na nakapansin sa paggaling ng grupo.



Ayon sa RemotePatrolled.com, "full of energy and enthusiasm" daw ang performance ng grupo na umano ay pumili ng tamang kanta na ima-mashup.



"Highly energetic" naman ang description ng Examiner.com sa performance ng InTENsity.



May "great potential and a great look" naman ang grupo para sa MLive.com.



Ayon naman sa Rickey.org, si Ellona ang bida. "Ellona stole the performance," saad sa entertainment website.



Kasama ng InTENsity sa Top 12 ang mga sumusunod na 11 acts:

Lakoda Rayne
Stereo Hogzz
Stacy Francis
Josh Krajcik
LeRoy Bell
Brian Bradley
Chris Rene
Marcus Canty
Melanie Amaro
Rachel Crow
Drew

Ipapalabas ang first performance night ng The X Factor on November 3 at 7 PM on Studio 23 with a same day replay at 10:30 PM. Ipapalabs rin ang first results night on November 4 sa parehong oras. May replay ang performance night on Saturday (November 5), 6PM, samantalang ang results night ay may replay on Sunday (November 6) at 7 PM.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN