Kim Atienza will try to act as a snake in Matanglawin


Kakayanin kaya ni Kuya Kim, Melai Cantiveros, at Teddy Corpuz na mamuhay ng isang hayop sa loob ng isang araw?

Iyan ang hamong haharapin nila sa pagtuklas nila sa mundo ng reptiles, arachnids, at amphibians sa isa na namang mapangahas na episode ng Matanglawin ngayong Linggo (November 13).

Susubukan nga ni Kuya Kim na maging ahas; si Melai bilang isang gagamba; at si Teddy naman bilang isang palaka. Ano ang mga kaalamang kanilang matutuklasan? May sumuko kaya sa kanila sa hamon?

Ang Matanglawin ay isang educational program na pinangungunahan ng Trivia King na si Kim Atienza. Sa nagdaang mga taon, nagbahagi at patuloy pa rin itong nagbabahagi ng kaalaman sa mga manonood nito sa maraming paksa tulad ng mga hayop, kalikasan, pop culture, atbp. Dito nasaksihan ng lahat ang mapangahas na Kuya Kim humiga sa kabaong, tumira sa gubat, pumunta sa bunganga ng bulkan, nasakmal ng bayawak, at pinasakan ng tubo sa ilong ng sumailalim sa laryngoscopy.

Tunghayan ang isa na namang kapanapanabik na adventure kasama si Kuya Kim ngayong Linggo (November 13) sa Matanglawin, 9:30 AM sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN