Mommy Elvie fulfills her dream of seeing herself on the big screen


t


Natupad na ang isang wish ni Mommy Elvie Villasanta na makita ang sarili sa big screen. Nakilala ng publiko ang naturang showbiz personality bilang bida ng comedy-reality show na Mommy Elvie@18.

Ginanap last Monday, November 21, sa SM Megamall Cinema 7 ang isang mala-premiere night with matching red carpet pa ang marathon viewing ng first season ng Mommy Elvie@18.

Kahit mga past episodes ng naturang reality show ni Mommy Elvie ay pinanood ng kanyang mga fans. Ssa katunay, feeling nila ay pelikula na rin ito ng kanilang paboritong lola on television.

Natuwa si Mommy Elvie dahil hindi niya inaasahan na marami ang manonood sa kanilang marathon viewing. Noong dumating nga siya sa Cinema 7, laking-tuwa niya dahil may red carpet pa siyang dinaanan at kumaway-kaway siya sa kanyang mga fans.

"Para akong Hollywood star!" ngiti pa ni Mommy Elvie.

"Napapanood ko lang ang mga ganito sa TV. Yung mga artista kakaway sa mga tao tapos kukunan ng mga camera. Isa nga 'yan sa wish ko na mangyari habang buhay pa ako.

"Kaya tinupad naman ito ng anak kong si Ariel [Villasanta] at ng kanyang misis na si Cristina [Castillo-Villasanta]. Sila ang gumawa nitong lahat. Pinagsama-sama nila ng mga episodes ng show namin at ginawang parang pelikula.

"First time kong mapanood ang sarili ko sa malaking screen sa sinehan. Kahit na hindi ito pelikula, para na siyang pelikula para sa akin."

Sabi ni Ariel na gagawin daw niya ang lahat para sa ikatutuwa ng kanyang ina. Ilan na nga lang daw ang wishes nito na hindi pa natutupad at itutuloy nila ang lahat sa pagpasok ng season 3 ng Mommy Elvie@18.

"Ang bilis nga ng panahon, e. Matatapos na ang season two at siyempre, hinahanda na namin ang season 3.

"May ilan pang mga wishes si mommy na gusto pa naming tuparin. Hindi malayong magawa namin iyon kasi nagawa na namin ang ibang inakala namin na mahirap matupad tulad nang magkaroon siya ng ice cream commercial at ang makilala at makatrabaho ang King of Comedy na si Dolphy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Abangan nila ang season 3 dahil mas maraming nakakatawang gagawin kami ni mommy," ani Ariel.

POSTPONED WEDDING. Naikuwento naman ni Ms. Cristina na hindi natuloy ang plano nilang pagpapakasal ni Ariel sa Las Vegas ngayong November. Lilipad sana sila a few weeks ago for Las Vegas pero nagkasakit si Ariel.

"We have to postpone ang wedding namin sa Las Vegas dahil a few days bago kami umalis ay nagkasakit si Ariel at na-confine siya sa ospital.

"Sobrang na-stress kasi siya sa trabaho niya sa PLDT plus inasikaso pa niya itong taping for Mommy Elvie@18. Kaya bumigay na ang katawan niya.

"Akala ko nga nagsasakit-sakitan lang kasi mahilig magbiro itong si Ariel. Yun pala ay totoong maysakit. Hindi siya makatayo sa kama at ang taas ng lagnat niya. Kaya pina-confine ko na siya sa ospital.

"Kaya yung dapat na wedding namin in Las Vegas ay baka this December na maganap. Baka doon na rin kami mag-Christmas at New Year," kuwento pa ni Ms. Cristina.

Ang magiging kasal nga nila sa Las Vegas ay isasama sa binubuong reality show ng mag-asawang Ariel at Cristina na Weddings Around The World. Kinasal nga ang dalawa sa Hong Kong, Singapore, Thailand at Japan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN