Winners of the New Wave category of the 37th MMFF unveiled


PHOTO CAPTION: JM de Guzman (top frame, leftmost) won Best Actor for the New Wave entry Pinatakasi, which also won Best Picture. This year's MMFF executive committee is headed by Francis Tolentino (bottom frame, left) while director Mark Meily (bottom frame, right) serves as the chairman of the New Wave category of the 37th MMFF.

Bago pa man opisyal na nagbukas sa mga sinehan ang mainstream film entries ng 37th Metro Manila Film Festival (MMFF) noong December 25, 2011, nauna nang ipalabas sa publiko ang independent films na part na rin ng taunang filmfest.

Nagsimula last year (2010) sa MMFF ang pagbibigay-halaga at suporta ng Metro Manila Development Authority (MMDA), organizers ng nasabing festival, sa Pinoy indie cinema--with five (5) films na kalahok, at ang Presa nga ang nagwaging best indie film sa awards night.

Sa ikalawang taon ng pagbibigay ng pagkakataon ng MMFF sa indie films na mapanood ng publiko, tinawag na "New Wave" ang nasabing kategorya--with this year's elected Chairman, ang award-winning film, TV, and commercial director na si Mark Meily.

Pasok sa list ang limang full length films: Dyagwar ni Direk Sid Pascua, HIV ni Direk Neal Tan, Ritwal ni Direk Yeng Grande, Haruo ni Direk Adolf Alix, Jr., and Pintakasi nina Direk Lee Meily, Rep. Imee Marcos, and Nelson Caguila.

Itinanghal ito nang limang araw--December 17-21, 2011 sa Robinsons Galleria Cinema 3 (Ortigas Center).

(CLICK HERE to read related article)

Sa Gabi ng Parangal ngayong gabi, December 28, 2011 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila (Pasay City), nominado bilang Best New Wave Film ang limang kalahok na pelikula -- Dyagwar, Haruo, HIV, Ritwal, at Pintakasi.


Ang itinanghal na Best Film sa New Wave category ay ang Pintakasi at si JM de Guzman, ang isa sa mga bida ng Pintakasi, ay hinirang bilang Best Actor para sa naturang category. Nanalo naman bilang Best New Wave Actress si Iza Calzado para sa HIV.


Ang Mate ng Colegio de San Juan de Letran at ang Payaso ng De La Salle Lipa ang nag-tie para sa Best Film sa student category. Tumanggap naman ng Jury Prize ang short film na Biyahe Ni Barbie, directed by Kookai Labayen of Dela Salle College of St. Benilde.


Ang Gender Sensitivity Award para sa New Wave student category ay napunta sa Speechless by Miriam College samantalang ang Gender Sensitivity Award para sa full-length category ay napunta sa HIV by Neil Tan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa presscon ng MMFF na ginanap sa Club Filipino kamakailan, inanunsiyo ni MMDA Chairman Francis Tolentino na bukod sa Best New Wave Film, starting this year ay idadagdag na ang Best New Wave Actor at Best New Wave Actress--na hiwalay sa mainstream section films.

Ayon naman sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Mark Meily ngayong tanghali, narito ang official nominees sa nasabing acting categories sa indie section:

Nominees for Best New Wave Actor: Boom Labrusca (Dyagwar), Jake Cuenca (HIV), JM De Guzman (Pintakasi), Jacky Woo (Haruo).

Nominees for Best New Wave Actress: Maria Isabel Lopez (Ritwal), Erich Gonzales (Pintakasi), Iza Calzado (HIV), Maria Isabel Lopez (HIV). Take note na double nomination for this category si Lopez.

Ang board of judges or jurors for the New Wave section ay binubuo lamang ng tatlong tao, tulad sa Palanca Awards. Sila ay sina:

Unang judge ay si Director Mel Chionglo, award-winning director ng Sibak, Twilight Dancers, Lagarista, and Lahar. Nanalo siya ng Gawad Urian at FAMAS for Itim.

Ikalawang judge ay si Coreen Jimenez, award-winning director and producer of Big Time and Kano, na nanalong Best Film sa International Documentary Film Festival (IDFF) sa Amsterdam noong 2010 at naupo bilang jury sa nasabing festival ngayong 2011.

Ikatlong judge ay si Jeffrey "Epy" Quizon, nagwagi ng award sa MMFF para sa pelikulang Markova: Comfort Gay some years ago. Lumabas rin siya sa critically-acclaimed indie films na Pinoy Sunday, Pinoy Blonde, Nasaan Si Francis, at Two Funerals.

Ano ang criteria ng judging sa New Wave section?

"In equal percentage ang criteria of 25% each ang story and script, technical craftsmanship, Filipino content, and artistic direction," lahad ni Direk Mark Meily.

"The criteria were reference, and served as guidelines for the deliberation, as opposed to quantifying each criterion. Box office is not a factor or a criterion for the New Wave films."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STUDENT SHORT FILMS. Maliban sa limang full length films, karagdagan ngayong taon ang pagpasok ng Student Short Films, na two short films each ang "added attraction" bago i-screen ang 5 full length films.

Ang sampung short films mula sa iba't ibang colleges and universities (na nominated lahat bilang Best New Wave Short Film) ay ang sumusunod:

ADIVINO - Asia Pacific Film Institute

SANAYAN LANG ANG PAGPATAY - Ateneo de Naga University

BIYAHE NI BARBIE - De La Salle -- College of St. Benilde

ORAS - International Academy of Film and Television (Cebu)

MATE - Colegio de San Juan de Letran

I SEE EVERYTHING - Southville International School

PAYASO - De La Salle Lipa

BAGONG LIGO - Mapua M.A.S.

SPEECHLESS - Miriam College

ULAN - La Consolacion College

Naniniwala si Direk Mark na ang film students na ito ang "future" filmmakers ng Pinoy indie cinema, kung kaya't naimungkahi niya ang Student Short Films category na ito na nagtagumpay namang nailunsad this year.

"We hope na ma-inspire ang film students with this opportunity for them to showcase their work, and who knows, sila ang magiging future directors ng mga pelikula natin in the next generation," say ni Direk.

Samantala, guest performers ngayong gabi sa MMFF Awards Night sina: Robert Seña, Isay Alvarez, Sam Concepcion, Iza Calzado, Gary Valenciano, at Pops Fernandez.

May posthumous tribute sa namayapang director-dance choreographer na si Lito Calzado, at gagawaran ng Lifetime Achievement Award ang batikang actor-director na si Mr. Eddie Garcia.

Kabilang naman sa jurors ng mainstream section sina: Albert Martinez (award-winning actor-director), Rolando Tolentino (Dean ng UP College of Mass Communication), at Shamcey Supsup (Miss Universe 2011 3rd runner-up).

Maliban sa tatlong jurors na nabanggit, kasama rin bilang jury members ang 15-17 "common tao" tulad ng housewife, teacher, bus driver, isang Muslim, etc.

Dito medyo "kinu-kuwestiyon" ng ilang showbiz critics ang MMFF kung bakit kailangang may "common tao" pa raw na judges this year, ano raw ba ang alam ng mga ito sa pag-appreciate ng pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sagot ni Direk Mark sa isyung ito:

"Since film is a mass medium and majority of the people watching the MMFF come from all walks of life, it is important that they have voice in choosing which, for them, is the best among the MMFF films.

"Their taste and opinion are also important to consider.

"Bago naman nag-judge ang mga 'common tao' na ito, nagkaroon sila ng whole day orientation or seminar sa Mowelfund, under Boots Anson Roa, to guide them how to judge, sa iba't ibang aspeto ng pelikula."

As we go to press at 2:00 pm today, ayon pa rin kay Direk Mark, ay nagta-tally pa ang MMFF sa mga nominees sa Mainstream Category naman kung kaya't hindi pa niya ito naibalita sa amin.

"The jurors are still tabulating the Top 5 right now. There is a proposal that all the 7 films be considered as nominees. Pero ayaw pumayag ng ibang jurors dahil paano raw kung hindi naman deserving ma-nominate? It is still being discussed," say ni Direk Mark Meily.

Sa tanong kung ilang porsiyento ang box office sa pagpili ng Best Picture sa mainstream section, say ni Direk ay hindi pa siya officially informed ng Execom tungkol dito dahil kasalukuyan pa nga daw nagdi-diskusyon ang committee.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN