Ynez Veneracion feels flattered by positive comments about her acting in Munting Heredera


Magsa-sampung buwan na nasa ere ang Munting Heredera kunsaan napapanood si Ynez Veneracion bilang si Claire.

Mami-miss daw niyang talaga ang naturang GMA-7 kapag nagtapos na ito this February.

Ayon kay Ynez, "Mami-miss kong talaga ang Munting Heredera. Actually, yung family talaga na nabuo sa set."

Lahat naman daw sa cast, naka-close niya, pero ang naka-super-bonding daw niyang talaga ay sina Camille Prats at Gabby Eigenmann.

"Well, with Lola Ana also [Gloria Romero], there was a time na namroblema ko. Isa si Lola Ana, isa siya sa nagbigay ng advice sa akin, mga payo. So, lahat naman silang talaga.

"Kaya lang si Camille, nanonood kami ng sine kapag walang taping. Si Gab, mga ka-chikahan ko."

Hindi raw na-imagine ni Ynez na aabutin sila hanggang February sa ere.

Ayon kay Ynez, "Originally, three months lang talaga 'yan. Kumbaga, thirteen weeks lang talaga. Biglang after three months, extended. Tapos, na-extend ulit."

Ni-reveal naman ni Ynez na mamamatay na rin daw ang character niya next week. Pero yun na lang daw ang abangan kung ano at paano ang mangyayari.

"May mga mamamatay pa rin, pero, kung sino pa ang mga yun, hindi ko na masasabi."

Marami rin daw naririnig at natatanggap na magagandang komento si Ynez sa ipinakita niyang pag-arte sa Munting Heredera. Natutuwa nga raw ito kapag may nagtatanong kung paano siya gumaling pang umarte sa soap.

In a way, dito rin daw sa seryeng ito naipakita niya ang matagal na pagkakakilala sa kanya ng tao bilang isang sexy star lang halos.

Pero ngayon daw, "Nakakatuwa nga, sa fan page ng Munting Heredera, may nag-comment na, siya yung perfect example na sexy star na naging actress. Parang ganoon.

"Sabi ko, ang sarap naman. Sobrang thankful nga ako kay Direk Maryo talaga kasi, siya talaga ang naglagay sa akin diyan. Siya ang naglagay sa akin. So, ito ang naging ano para makita ko at mapansin ulit ako. Ito ang naging paraan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May tatlong taon din daw kasi siyang nawala.

Kuwento pa ni Ynez, "Nanganay ako noong first taping days namin. Hindi ko ma-hit ang marker. Nakakalimutan ko ang mga lines. Pagka-pack-up nga namin, sabi ko kay Direk Maryo, 'Direk, I'm sorry ha, tatlong taon akong hindi umarte.' So, nanganay ako.

"Para akong baguhan na kinakabahan ako. Sabi ko, bakit ganoon ang feeling, kinakabahan ako. Ninenerbiyos ako. Kapag binabato ko ang linya, para kong baguhan na hindi ko alam ang gagawin ko. Ang pangit, 'di ba? Ano 'to? Sampung taon na akong artista. So, I realized, ganoon talaga kapag matagal kang hindi umarte. Sabi naman ni Direk, break-in lang ang kailangan diyan at totoo nga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN