Danita Paner will star in TV5's Isang Dakot ng Luha together with Alice Dixson, Jay Manalo, and Glydel Mercado


Danita Paner will play the role of Clarissa, the girl who is a student by day and a G.R.O. by night.


Masayang-masaya si Danita Paner na sunod-sunod ang kanyang proyekto sa TV5.

Una niyang proyekto sa Kapatid network ang afternoon series na My Driver, Sweet Lover kung saan nakatambal niya ang ex-boyfriend na si JC de Vera.

Sumunod naman ang fantaserye na Bangis kung saan niya nakapareha si Oyo Sotto.

Ngayon'y balik afternoon serye si Danita sa Isang Dakot Ng Luha kung saan makakasa niya sina Alice Dixson, Jay Manalo, at Glydel Mercado.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Danita kanina, Pebrero 7, sa story conference ng Isang Dakot Ng Luha na ginanap sa TV5 Broadway Studio, sa New Manila, Quezon City.

Sinabi sa amin ng aktres na, "First year ko pa lang sa TV5 nagkaroon na agad ako ng dalawang shows.

"Tapos 'yong mga nakakatrabaho ko pa talagang bigatin.

"So, ako talagang ini-improve ko talaga 'yong sarili ko every shows."

HER CHARACTER. Samatala, ang karakter ni Clarissa ang gaganapan ni Danita sa bago niyang show sa Kapatid network.

Nagkuwento naman siya sa amin ng tungkol sa kanyang karakter: "Ako dito si Clarissa, anak ako dito ni Ms. Alice Dixson and ni Jay Manalo.

"Magkakahiwa-hiwalay kami habang bata pa ako.

"So, noong lumaki ako nagkaroon ako ng poot, galit sa mommy ko, dahil akala ko iniwan niya talaga kami.

"Then 'pag laki ko siyempre maghihirap ako, marami akong gagawin para maka-survive. So doon tatakbo 'yong story."

MATURE ROLE. Kung papansinin ay iba-iba ang nagiging karakter ni Danita sa bawat proyektong ibinibigay sa kanya.

Tingin ng 22-year-old na aktres ay makatutulong iyon para sa kanyang career, lalo na't hinahasa pa niya ang kanyang talento sa pag-arte.

"Advantage siya sa akin dahil every show nakakapag-experiment ako sa mga characters," paliwanag niya.

"Dito medyo magkakaroon pa ng mga sexy ano parang magiging sexy 'yong character ko.

"Sobrang mature ng role, pero realistic naman siya. Hindi naman siguro gano'n kalaswa 'yong gagawin na treatment. Siyempre si direk Eric [Quizon] alaga naman 'yon [eksena].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero hindi naman siguro all out. Kaya nga nakakakaba grabe 'yong preparation."

Ngayon ngang unti-unti nang nagma-mature ang karakter na ginagampanan niya, ano kayang dapat abangan ng mga tao sa kanya?

"A, siguro makikita nila ako dito na... kasi halos iyak ako ng iyak buong araw, e, 'yong mas emotional.

"Kasi 'yong mga previous shows ko hindi naman talaga gano'n ka-solid drama, e.

"Ito drama so mas mabigat 'yong i-expect nila sa akin, mas malalim."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN