Get to know the members of Down to Mars, one of the singing groups in Party Pilipinas


Isa sa mga regular na grupo na napapanood sa Sunday variety show na Party Pilipinas ang Down To Mars.


Ngayong kilala na sila dahil sa Sunday variety show ng GMA-7, magkakaroon ang Down To Mars ng show ngayong Valentine's month. Sila ang special guest ni Jonalyn Viray sa Valentine's concert nito na One Love sa February 15 sa Metro Bar.

Bago pa man mapanood sa Party Pilipinas, may sariling following na raw ang Down To Mars na unang nag-perform noon sa isang malaking concert sa Butuan, City at napuno nila ang venue.

Kung isang indikasyon na nga raw yun na matatawag na may "future" ang kung tawagin nila ang grupo nila ay inter-pop.

Mula sa anim, pito na raw sila ngayon na bumubuo ng Down To Mars. Lahat sila ay half-Pinoy at bawat isa sa kanila, may lahing Chinese, Japanese at Korean.

Madalas silang mai-kumpara at naiko-compete sa grupo ng XLR8, pero mas naka-pokus daw sila sa bawat performance at sa tinatapos nilang album kaysa sa anumang kumpetisyon. Magkakasama rin silang lahat sa isang condo kung kaya't maipagmamalaki nilang ang closeness nilang lahat ay daig pa sa magkakapatid.

Pinagsama-sama nga raw nila ang hilig at talento nila sa mga iba't-ibang genre ng music at bawat isa sa kanila, wala pa man sa grupo ay mahilig na sa kung tawagin nila ay 'chic' fashion.

February 10, 2011 nang mabuo ang grupo ng Down To Mars. Sa pamamagitan daw ng online site na Facebook sila nagkakilala at nabuo. Noong April naman noong isang taon daw sila pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center. At ngayon, bukod sa kanilang regular stint sa Party Pilipinas, malapit na rin daw nilang i-launch ang kanilang kauna-unahang album na lahat ay original at sarili nilang komposisyon.

Narito ang pitong miyembro na bumubuo sa grupo ng Down To Mars.

JANG ( The Balladeer)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Real Name: Nasser C. Amparna

Age: 22

Birthday: April 14, 1990

Birth Place: Cavite

Musical Influence: Josh Groban, Gary Valenciano, Michael Buble, Christian Bautista and Robin Thicke

Nationality: Filipino-Chinese

Showbiz Crushes: Sarah Geronimo

Si Jang ay isa ng Licensed Pharmacist at scholar. Laki sa lola kaya aminado siyang "Lola's boy" raw siya. Lumaki rin daw siya sa isang Christian community at mula bata ay member na ng choir.

Kuwento pa ni Jang, "Dahil bata pa lang po ako kumakanta na ako, meron po akong sulat sa tissue noong high school na gusto kong maging Kapuso artist. Nakatago po ang tissue na yun.

"Sabi ko, sayang yung gift na binigay sa akin ni Lord. So, I want a bigger audience that I can disciple. Siguro po sa sobrang pagpi-pray ko kay God, noong College, I was trying so hard na maging artista. Pero hindi po talaga binibigay. Nag-focus ako kay God. Nakakatuwa kasi, bago ako pumasok sa showbiz, tapos na ako sa pag-aaral kaya sobrang perfect timing po."

KENJI (The Rock Alternative Lad)

Real Name: Mark Chua

Age: 20

Birthday: December

Birth Place: Manila

Nationality: Filipino-Chinese

Showbiz Crushes: Kylie Padilla

Bago siya makasama sa grupong Down To Mars, tumutugtog na ng guitar si Kenji sa dati niyang rock band na Perfect Sense. Sila nina Daisuke at Yeen ang tatlong unang nagbuo ng grupo nila at na-inspired daw sila sa mga grupong napapanood nila sa internet.

Ang mommy rin ni Kenji na si Mommy Bing ang tila nagiging "mother figure" ng grupo nila at siyang nagbigay rin sa kanila ng condo unit para sama-sama na sila.

Ayon pa kay Kenji, "Kami po, nagkakila-kilala na po kami na ganito na po kaming manamit. 'Yung ayos po ng buhok namin, ganito na rin po. Kinalakihan ko na po na mahilig pong pumorma."

Si Kenji ang isa sa kompositor sa grupo niya at taga-lapat ng melody.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya raw siya sa mga suportang natatanggap nila mula sa kanilang fans.

Ayon pa kay Kenji, "Ginaganahan po akong mag-perform. Before po akong lumabas sa stage, kinakabahan po ako. Pero once po na marinig kong nagtsi-cheer na ang mga fans, parang nawawala na ang kaba. Ang mapasaya na lang po sila."

Tinanong namin si Kenji kung bakit nila naisipan ng mommy niya na patirahin ang lahat sa mismong condo na pag-aari nila?

"Para ng magkakapatid ang tratuhan natin. Dati po, nag-i-stay sila sa bahay namin. Naisip ni Mama na bigyan kami ng isang unit. Ang gusto lang din niya, pagbutihin namin ang craft namin.

"Malaki rin po ang advantage na magkakasama kami kasi, mas bonded po kami."

DAISUKE (The Theater Actor)

Real Name: Daisuke Hagihara

Age: 20

Birthday: June 10, 1991

Birth Place: Bulacan

Nationality: Filipino-Japanese

Musical Influence: Rain, Jay R

Showbiz Crush: Sarah Geronimo

Hindi na raw nakita pa ni Daisuke ang kanyang Japanese biological father ever since. Baby pa lang daw siya ay namatay na ang father niya. Pero nagkaroon muli ng Japanese husband ang mommy niya kunsaan, ang surname na raw nito na Hagihara ang ginamit niya.

Daisuke has never been to Japan. Hindi raw kasi naayos ng mommy niya ang kanyang papeles. Nang dumating ang pagkakataon na puwede na siyang magpunta sa bansa ng ama, siya na raw ang hindi umalis dahil na rin sa pagkakasakit ng kanyang lola na siyang nagpalaki at nag-alaga sa kanya.

Sa kanilang lahat, siya rin ang itinuturing na pinaka-hunk sa grupo at naniniwala silang puwedeng-puwede rin daw na maging isang actor talaga bilang dati siyang miyembro ng Bahaghari group.

Paano kung may mag-offer sa kanya to go solo?

"Napag-usapan na po namin before. Kung ano po ang success ng isa, success na po yun ng buong grupo. Ang turingan po namin sa isa't-isa, magkakapatid na po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

YHEEN (The Rapper-Ramp Model)

Real Name: Bryan Valero

Age: 20

Birthday: February 16, 1991

Birth Place: Bulacan

Nationality: Filipino-Chinese

Showbiz Crush: Marian Rivera

Bago makasama sa Down To Mars, nasa runaway modeling si Yheen kahit noong College pa lang daw siya.

Kuwento pa ni Yheen, "Wala akong talent dati. Hindi ako sumasayaw. Hindi ako kumakanta. Pero nakita ko ang fashion ko sa pananamit. Noong nag-aral ako ng High School, tinutukso nila ko na nasa Korean tele-novela raw ako. Feeling ko noon, may sarili akong mundo. Siguro dahil na rin sa pananamit ko.

"Magkakaibigan kami nina Kenji hanggang sa binuo namin ang grupo."

Si Yheen din ang madalas daw na designer ng grupo nila at rapper ng grupo.

KIRO (The Talented Frat Guy)

Real Name: Jaybee C. Rivera

Age: 19

Birthday: April 27, 1992

Birth Place: Tarlac

Nationality: Filipino-Korean

Showbiz Crush: Frencheska Farr

Member ng fraternity sa school nila si Kiro. Pero isa raw ito sa gusto niyang i-prove sa lahat bilang member ng Down To Mars bukod pa sa lahat sila, Christian.

Ayon kay Kiro, "Yun nga ang gusto kong i-prove na hindi porke't frat guy ka, puro kasamaan ang gagawin mo. Meron din akong mga dreams. I'm still a member at sumasama ako sa mga pagtulong sa mga community."

Masaya raw si Kiro na ngayon, ang mismong pangarap lang niya noon ang ginagawa na niya.

"Sobrang saya na parang natutupad ko na rin ang mga pangarap ko. At hindi pa ko kuntento kung ano ang meron ako. Gusto ko pang magtrabaho ng mag-trabaho hanggang sa marating ko ang limit ko."

JEONGWON (The Pop Belter)

Real Name: Jeongwon Song

Age: 20

Birthday: September 2, 1991

Birth Place: Daegu, Korea

Nationality: Filipino-Korea

Showbiz Crush: Jonalyn Viray

Sa lahat, si Jeongwon ang mas matagal ang inilagi sa ibang bansa kunsaan, sa Korea rin siya nag-aral. Pero ipinagpapatuloy pa rin niya ang kursong Tourism ngayon sa La-Salle DasmariƱas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung nagkataon, kung hindi raw siya naging member ng Down To Mars, baka isa na siya sa member ng isa sa grupo sa Korean pop.

Ayon kay Jeongwon, "Bago ako pumasok sa Down To Mars, nag-audition ako sa Cube, hawak niya ang biggest group sa Korea. Feeling ko, hindi ako papasa. Nag-commit ako sa Down To Mars at nakapag-signed na ng contract. That was the time na na-received ko yung letter na nakapasa raw ako sa audition."

Does he have regrets about his decision? "Walang regret. Wala talaga. Masaya ko ngayon sa Down To Mars. At sa totoo lang, mas mahirap ang buhay ro'n."

Sky (The Dance Floor Prince)

Real Name: Mike Young

Age: 19

Birthday: November 3, 1992

Birth Place: Quezon City

Nationality: Filipino-Chinese

Showbiz Crush: Lexi Fernandez

Si Sky ay dating kasama sa grupo ni Gerald Anderson na Fab Boys. Dahil din daw kay Gerald kaya siya nagkaroon ng interes sa showbiz. Naging member din si Sky ng grupong G-Force.

Aminado rin si Sky na nagkaroon siya ng malaking interes sa mga K-pop. Ayon pa kay Sky, "Para sa akin, K-pop is not a genre. K-pop is a way of living."

Si Sky rin ang pinakabagong member ng Down To Mars.

Hindi na raw na-pursue ni Sky ang kanyang multi-media course sa Letran kunsaan, third year college na siya.

"I got really bored. Yung tinuturo nila, alam ko na. When I was in high school, I was exploring multi-media arts na and I was really interested in photography. Parang sabi ko, do I really need to do this?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN