Louie Ignacio believes Julian Trono has the potential to become a dance icon in the future


Kilala si Direk Louie Ignacio sa pagdidirek ng musical-variety shows, gaya ng SOP noon. Pero ngayon ay nagdidirek na rin siya ng kiddie shows, gaya ng Tropang Potchi.

Ano ang pagkakaiba ng pagdidirek ng kiddie show kumpara sa mga musical shows o commercials? How does it feel working with children? Sabi ni Direk Louie, "Itong mga ito, nakatrabaho ko na din sa mga commercials. Kaya nung nagsama-sama, mas okay."

Walang makulit sa mga bata?

"Wala, very good silang lahat. Nagkakaproblema minsan, pero 'pag kaharap na nila ako, wala na silang problema."

Wala raw nagta-tantrums sa mga batang cast members na kinabibilangan nina Julian Trono, Bianca Umali, Lenlen Frial, Miggy Jimenez, Lianne Valentino, at Sabrina Mann.

"Ito nga..." sabay turo ni direk Louie sa youngest cast member na si Lenlen, na mainstay rin ng Alice Bungisngis and Her Wonder Walis, "pagkagaling sa taping, pagpunta dito, in the mood pa rin magtrabaho."

Kuwento pa ni Direk Louie tungkol sa Tropang Potchi, "Madalas kaming mag-exterior shoot, nag-iikot kami, ganyan, mas tumataas ang ratings pag exterior, pag nag-iikot kami.

"Tapos nag-Hong Kong na rin kaming lahat. Hindi taping, nagbakasyon lang. Parang gift sa amin ng aming client."

Kapag ikukumpara sila sa ibang shows for kids... "Ay malayo! Ano, e, iba ang jokes dito. Kami nga pag may naligaw na word na medyo mature na ang dating pinapapalitan namin agad.

"Kasi as much as possible, i-level mo yung hindi matututunan ng mga bata, yung mga bagong... alam mo na yung mga techie-techie na ganun. Gusto natin yung simpleng kabataan, yung simpleng bagets. Being themselves."

Ang mga bata raw sa Tropang Potchi ang future tween stars na susunod sa mga yapak ng current tween stars tulad nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio. "Naman! Proud ako sa mga yan, kay gaganda at kay guguwapo ng mga batang 'yan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang meron sa Tropang Potchi na wala sa ibang shows na pambata? "Ito yung, actually yung mga segments namin. Actually yung ibang mga kiddie shows walang ganito na mga segment, yung nakikita natin nasa loob ng bahay sila, and as a group din, na usually ang kiddie show, bibida ka lang sa host, meron ka lang mascot, iyon dito hindi.

"Nagkukuwentuhan sa loob, tapos tinutuloy yung kuwento sa labas. Tapos values talaga."

Paano naiiwasan na magmukhang teen or tween show ang Tropang Potchi?

"Ang tina-tackle namin kasi problema ng mga bata, anong ine-enjoy ng mga bata, yung ganun. As much as possible hindi kami aakyat dun sa teen problems, yung mga ganun, yung mga love-love, wala. Hanggang tinginan lang, na 'Uy crush ko siya!', hanggang ganun lang.

"Problema ng mga bata sa parents, paano sinusolusyunan, na may natututunan talaga."

Napapanood ang Tropang Potchi tuwing Sabado, 9 a.m., sa GMA-7.

THE NEXT MARK HERRAS? Si Julian Trono naman ay madalas makumpara kay Mark Herras pagdating sa pagsasayaw.

Agree ba si Direk Louie sa sinasabi ng iba na si Julian ang "next Mark Herras" sa pagiging "Bad Boy ng Dance Floor"?

"Oh, yeah!" bulalas niya. "Napakagaling niyan. Puwedeng tumapat kay Mark sa sayawan. "Kahit hindi 'the next Mark Herras,' si Julian Trono na siya talaga. "Totoo yun. 'Pag sumasayaw 'yan, fan ako niyan.

"Kaya minsan, 'pag nanggagaya siya ng steps sa Party Pilipinas, pagdating niya sa taping, sasabihin ko sa kanya, 'Nanggagaya ka, ayoko na sa iyo!'"

Wala ba siyang sakit ng ulo sa mga dalagita at binatilyo sa Tropang Potchi? "Wala, as in wala... totoo yun." May crushes na ba ang mga bagets? "A... out na ako dun. Huwag na lang kasi 'pag nalaman ko, lagot sila sa akin, tinutukso ko sila lagi."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN