Mommy Elvie @ 18 will air anew on GMA News TV starting March 3


Nagbabalik ang tinaguriang "Pambansang Mommy" na si Mommy Elvie Villasanta para 3rd season ng kanyang reality-comedy series na Mommy Elvie@18. Magsisimula ito on Saturday, March 3, at 11:30 AM sa GMA News TV.

Sa bagong season nga ay maraming big-named stars na ang magiging special guest ni Mommy Elvie na kasama sa kanyang mga bagong hiling. Kabilang nga sa makakasalamuha ni Mommy Elvie sa kanyang show ay ang primera kontrabida na si Ms. Bella Flores at ang Philippine Vice President Jejomar Binay.

Ayon nga kay Mommy Elvie, sobra siyang masaya at muli na naman siyang sasabak sa camera after ng kanyang matagal-tagal na pahinga. "Kailangan kasi fresh tayo kapag humarap tayo ulit sa camera," sabay tawa ni Mommy Elvie.

"Nagpahinga lang tayo after nang mga nangyari sa akin. Ngayon okey na ako at ready to work. Marami ngang mga fans ko sa Facebook ang hinahanap na ang show namin. Huwag na silang mag-alala dahil I am back!"

Kuwento naman ng nag-iisang anak ni Mommy Elvie at producer ng show na si Ariel Villasanta na mas maraming makabuluhan na mga episodes ang ginawa nila para sa bagong season ng Mommy Elvie@18.

"Si mommy kasi, natural na giver 'yan, eh. Maawain 'yan sa ibang tao. Sa akin lang 'yan 'di naaawa lalo na kapag inaasar ko siya. Bahala na raw ako sa buhay ko!" tawa pa ni Ariel.

"Kidding aside, mahal ko ang mommy ko tulad nang pagmamahal ng ibang mga anak sa kanilang ina. I want to always give her the best. 'Yung mga kulitan namin, part na 'yan ng araw-araw naming buhay. Kapag hindi kami nagkukulitan ni mommy, boring ang buhay. Kaya si mommy game na game 'yan sa asaran namin parati."

Naikuwento nga ni Mommy Elvie na dumaan na siya sa operasyon para matanggal ang bukol sa kanyang right breast. Two years na nga raw ang bukol na iyon sa kanyang dibdib at hindi na nga raw niya gustong dumaan pa sa operasyon. Pero dahil kinakailangan na, pumayag na rin siya kahit na alam niyang baka hindi na niya ma-survive ang operasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I am already 83 years old. Baka hindi ko na nga kayanin. Pero dahil ang pamilya ko na ang nagsasabi na kailangan ko nang maopera para hindi ko na maramdaman ang sakit, pumayag na ako.

"Bago nga ako ipasok sa Operating Room, nagdasal talaga ako dahil alam ko na 50-50 ang chance ko na maka-recover. Sa awa ng Diyos, heto ako at buhay na buhay.

"Survivor nga raw ako. Lahat ng mga pagsubok sa buhay nakayanan ko. I survived World War II, yung Typhoon Ondoy at ito ngang maselan na operasyon. Enough reason na nga 'yan para sabihing survivor ako," diin pa ni Mommy Elvie.

Bago ngang operahan si Mommy Elvie, nag-usap nga raw sila ng kanyang daughter-in-law na si Cristina Castillo-Villasanta at hinabilin niya rito ang mga importanteng mga bagay kung saka-sakaling hindi na siya magising pa after ng operasyon.

"Hinabilin ko kay Cristina ang ATM card ko, ang SSS papers ko, mga alahas at ilang mga importanteng papeles. Sabi ko sa kanya na siya na ang humawak nito dahil siya ang puwedeng kong mapagkatiwalaan. Hindi malaking halaga ang maiiwan ko pero importante sa akin lahat 'yan. Kung sakaling hindi na ako magising, siya na magbigay kay Ariel ng mga naiwan ko.

"Nag-iyakan kaming dalawa ni Cristina. Alam ko kasi na mahal na mahal siya ng anak ko. Naiyak si Cristina kasi sobra raw siyang na-touch dahil sa kanya ko pinagkatiwala ang lahat.

"Kaya lalo kaming naging close na dalawa. Sabi nga nila na BFF (best friend forever) na kami ng manugang ko. Kapag may problema ako kay Ariel, sa kanya ko sinusumbong. Magkakampi na kami ngayon," sabay tawa ni Mommy Elvie.

Nagpapasalamat nga si Mommy Elvie dahil sa mga advertisers na sumusuporta sa bagong season ng kanilang show. Patunay lang napapanindigan nito ang pagiging isa sa highest rating programs ng GMA News TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN