Cha Cha Cañete will soon release her album, Bulilit Rockstar


Unang nasilayan ang talento at likas na pagka-bibo ni Cha-Cha Cañete sa isang real estate TV commercial. Simula noon, nahuli na niya ang kiliti ng masa. Ngyong 2012, ipapamalas ni Cha-Cha ang isa sa kanyang mga talento: ang pagkanta.

Ngayong Linggo sa Goin' Bulilit, pagkatapos ng TV Patrol Weekend sa ABS-CBN, matutunghayan na ang music video ni Cha-Cha tampok ang awitin niyang "Bakit O Bakit," na carrier single ng bago niyang album na Bulilit Rockstar.

Sa nasabing video, ipinakita ni Cha-Cha na maging sa de-kalidad na rock music ay may puwang ang isang Bulilit na tulad niya. Kwelang-kwela ang tema ng video na nagpapakita ng karaniwang kakulitan ng isang masayang batang mag-aaral. Dagdag pa sa pagiging astig ng video ang palabas ng rock band na Tanya Markova.

Ang liriko naman ng awitin ni Cha-Cha ay tungkol sa isang batang ang parating tanong ay "Bakit." Ayon sa isang kasabihan ang batang mahilig magtanong ay matalino. Ang "Bakit O Bakit" music video ay dinirek ni Yan Yuzon habang ang kanta nama'y sinulat ni Marlon Lucas at nilikha ni Mandi Ferrer.

Si Cha-Cha ay consistent first honor student siya sa kanyang paaralan. Patuloy pa rin napapanood si Cha-Cha sa numero unong kiddie gag show na Goin' Bulilit at sa Anak TV award-winning show na Biyaheng Bulilit ng Studio 23.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN