#ThrowbackThursday: OPM Hitmakers remember happy times with Rico J. Puno

Nonoy Zuniga and Rico J. Puno's OPM Hitmakers brothers Rey Valera, Hajji Alejandro, and Marco Sison recall their funny and happy moments with the late singer.

OPM Hitmakers remember happy times with Rico J. Puno

Video & Edit: Arniel Serato

Bukas, Biyernes, Nobyembre 23 gaganapin ang isa pa sanang concert ni Rico J. Puno, ang Sana Tatlo Ang Puso Ko.

Tuloy pa rin naman ang concert na ito na gaganapin sa The Theater at Solaire, bandang alas-8 nang gabi, ngunit hindi na kasama si Rico, dahil pumanaw na nga ito noong Oktubre 30.

Nadagdagan na rin ang pamagat ng concert: A Tribute Show For Rico J. Puno: Music And Laughter, Sana Tatlo Ang Puso Ko, kunsaan ang comedian-singer na si Eric Nicolas na ang siyang magpe-perform ng mga nakatoka kay Rico.

Bilang pag-alala pa rin sa singer na tinaguriang "The Total Entertainer" ng showbiz press nung 1970s, heto ang mga video mula sa huling gabi ng lamay sa kanya.

Kasama sa mga umalala at nag-perform nung gabing iyon ng Nobyembre 7 ang kakontemporaryo ni Rico na si Nonoy Zuniga at ang mga kasamahan ni Rico sa OPM Hitmakers na sina Rey Valera, Hajji Alejandro, at Marco Sison.

RELATED VIDEOS


COMMENTS

Loading comments

LATEST


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT





THIS JUST IN