Judy Ann Santos-Agoncillo hopes MMFF movie with Vic Sotto and Senator Bong Revilla do well in the box-office

Wish ni Judy Ann Santos na mag-number 1 sa takilya ang movie nila nina Vic Sotto at Bong Revilla: "Kasi, kung hindi ito kumita at nag-number two, malamang ako ang dahilan. So, huwag naman. Samahan ninyo akong magdasal nang paluhod!"


Sa darating na Metro Manila Film Festival, umaasa si Judy Ann Santos-Agoncillo na makakuha hindi ng isang acting award kundi ng sapat na suporta para sa pelikula nilang Si Agimat, Si Enteng At Si Ako.

"Alam naman natin kung kanino na mapupunta ang best actress, di ba?" sabi ni Judy Ann sa press conference ng bago niyang show, ang Master Chef, noong Miyerkules, November 8.

BEST ACTRESS CONTENDERS. Para sa taong ito, ilan sa mga maaaring maging nominado bilang Best Actress ay sina Nora Aunor para sa Thy Womb at El Presidente, sina Angel Locsin at Angelica Panganiban para sa pelikulang One More Try, sina Kris Aquino at Ai-Ai delas Alas para sa pelikulang Sisterakas.

Sa dami ng mga maaari niyang makatunggali, aminado si Judy Ann na, "Siyempre nakaka-tense pero masaya ‘yan.

"Masaya ‘yan siyempre, friends naman ang lahat, e."

EXCITING BATCH OF ENTRIES. Natutuwa rin siya na magaganda halos lahat ng pelikula na kalahok sa 2012 MMFF.

Aniya, "Magiging happy Christmas sa lahat ang MMFF kasi masyadong makulay at punung-puno ng happiness ang mga pelikulang ipalalabas ngayon, kumbaga, exciting."

Kaya naman hindi na masyadong iniisip ni Judy Ann ang pagkamit ng award ngayong taon.

Para sa kanya, "Wala naman akong hinahangad kundi kumita itong pelikula namin.

"Kasi, kung hindi ito kumita at nag-number two, malamang ako ang dahilan!

"So, huwag naman. Samahan ninyo akong magdasal nang paluhod!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN