Ai Ai de las Alas on movie with Kris Aquino and Vice Ganda: "Ayaw po naming mag-expect, pero sana kami yung number one.”


Urung-sulong man ang pagsama ni Ai Ai delas Alas sa pelikulang Sisterakas na kasali sa Metro Manila Film Festival 2012 (MMFF), masaya na rin ito na natuloy din siya sa pelikulang pagsasamahan nila nina Kris Aquino at Vice Ganda.

Matatandaang una nang napabalitang kasama si Ai Ai sa pelikula nina Bong Revilla at Bossing Vic Sotto na may tentative title noon na, Si Enteng, Si Agimat at si Tanging Ina. Pero hindi ito natuloy dahil kare-renew lang ni Ai Ai ng kontrata sa Star Cinema.

Hanggang sa si Judy Ann Santos na ang napasama sa Bong-Vic filmfest entry at naging Si Enteng, Si Agimat at si Ako ang title ng movie.

Sa panayam sa kanya ng Ang Latest: Uplate last Tuesday November 13, naitanong sa Comedy Queen na si Ai Ai kung ano ang sa tingin niya ang chance ng pelikula nila laban kina Vic at Bong.

Kung susuriin, laging pelikula ni Vic Sotto ang nangunguna sa MMFF, samahan mo pa ng Bong Revilla.

Ani Ai Ai, “Naku, kung ano po yung bigay ni Lord, yun po yung amin. Siyempre, ayaw po naming mag-expect, pero sana kami yung number one.”


HEARTWARMING MOVIE. Ano nga ba ang sa tingin niya ay kakaibang timpla ng kanilang pelikula para pasukin ng moviegoers?

“Heartwarming story ito, e. About sa magkakapatid, so kailangang mapanood nila.

“Ano ito, e, [may] puso, kumbaga. Kina Bossing [Vic] naman, fantasy. So magkaibang genre yun. So maganda.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN