Bianca King on what their film Sosy Problems hopes to achieve: "Ma-target ang market na may gustong mapanood na Filipino film na iba sa napapanood nila every year."


Nakakadalawang shooting days pa lang daw si Bianca sa Sosy Problems, nang makausap namin siya noong Lunes, November 12 sa presscon ng Metro Manila Film Festival 2012 kung saan kasali ang nabanggit niyang pelikula.

“Ano naman kasi, hiwa-hiwalay naman kami. May mga scene na sa akin lang.

“May scene na kay Heart [Evangelista] lang. Yung ganun. So far, yung mga nakunan ko, more on sa akin pa lang,” kuwento niya.

Ano ang kuwento ng Sosy Problems, puro kasosyalan lang ba ito?

Natawang sagot ni Bianca, “Siguro, ang masasabi ko, ito ang movie sa film fest na makakapag-relax lang kayong manood.

“Siyempre, medyo kakaiba siya sa mga typical na epic story, o horror story, o family film," pagtukoy niya sa genre ng mga kadalasang pelikulang kasali sa MMFF.

“Ito, parang ito na yung chick flick para sa mga kabataan… not just the youth, teenagers, pero, lahat ng mga tao na gustong makapanood ng something different sa film fest."

Puwedeng yung Hollywood film na Mean Girls daw ang peg ng Sosy Problems.

“It’s a fun comedy. Mero’n din kaming antagonist, pero hindi siya kontrabida. It’s not sa typical formula na movie. Wala siyang formula.”


HER SECOND MMFF MOVIE. Pangalawang MMFF movie na raw ni Bianca ang Sosy Problems. Ang Mulawin, The Movie raw ang una niyang nasamahang pelikula na nakasali sa MMFF.

Ano ang nararamdaman niya dahil walong pelikula ang maglalaban-laban sa takilya pag nagsimula na ang MMFF sa Pasko?

Nakangiting sabi naman niya, “Wala, wala kaming pressure.

“Pumasok ang GMA Films at Sosy Problems sa film fest na walang iniisip na, ‘Kailangan mapanalunan natin itong technical award na ito.’

“Wala. Basta kami... ang hirap naman kasing makipag-compete sa ibang films.

“Pero siyempre, gusto rin naming kumita ang movie at mag-enjoy yung mga tao.

“I think, ha, sa alam ko kay Ms. Annette [Gozon-Abrogar, president ng GMA Films], ang goal niya for this movie, ma-target ang market na may gustong mapanood na Filipino film na iba sa napapanood nila every year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, palagi tayong may epic, palagi tayong may horror. So, yun, [para] sa Christmas season.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN