Epy Quizon on his role in El Presidente: “It’s just a small role, pero for an epic film like this, being a part of it, it’s an honor already.”


Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Epy Quizon sa Mental boutique sa Trinoma.

Launching ni Epy dito bilang bagong endorser ng nasabing clothing apparel noong nakaraang Nobyembre 14, Miyerkules.


CLOTHES ENDORSER. Kumusta naman si Epy bilang bagong endorser ng Mental apparels?

Aniya, “Okay naman, I accepted the endorsement kasi I really believe in the product, I believe in the design that they have.”

Ano ang nagustuhan niya sa mga designs ng Mental?

“Well, I really like them, especially the designs of the kids, yung design kasi ng Mental really fits my character.”

Kung may lakad siya, paano niya pinag-iisipan kung ano’ng damit ang kanyang isusuot? Ano ang matatawag niyang “Epy fashion?”

“Ako, I’ll go with the flow before I really put on my clothes, iniisip ko muna kung ano yung pupuntahan ko…

“How do I wanna be as I step out of the car and to the premises of the event.

“I just really visualize walking in the event, You know, before I really go to the event, I know already what to wear,” paliwanag niya.

Bukod sa pinagkaabalahan ng magkakapatid na Dolphy Alay Tawa, Musical Tribute to the King of Comedy para sa yumaong ama, anu-ano pa ang kaniyang mga projects?

Sabi niya, “More on pelikula, actually, I have two Manila Film Filmfest entries… yung Sisterakas at yung El Presidente.

“Mero'n din ako sa Cinema One Originals, yung EDSA XXX.”


MUSICAL. Ginagawa din ni Epy ang Edsa XXX.

“My role is Kulas, then nag-transform ako na naging tatlong mata.

“Istorya ito na kung saan ang Pilipinas in 2030. Para siyang post-apocalyptic na Philippines…

“Parang naging progressive yung country na medyo high tech na, ganun yung kuwento.

“Parang yung nagpapatakbo noong country, they want to keep the country poor para ma control nila yung bayan, parang ganoon yung istorya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinasabing carbon copy ni Dolphy si Epy pero anong klaseng Epi Quizon yung makikita sa movie na ito?

“Musical ito, e. Sobrang iba yung film na ito, iba ito dun sa musical movie na napapanood ninyo.”


ADVICE. Ano ang mga naalala ni Epy sa amang Dolphy tuwing gagawa siya ng pelikulang kahalintulad sa mga nagawa ng Comedy King?

Payo niya, “Isa lang yung lagi kong sinasagot diyan—never copy him, kasi nag-iisa lang talaga ang Dolphy—just be yourself.

“Maybe when you do roles that you are portraying him, probably, that’s the only time you copy him, di ba?

“Pero, when you do roles on your own… I never copy my dad.”


MMFF ENTRIES. Ano naman ang mga ginagampanan ni Epy sa MMFF entries niyang Sisterakas at El Presidente?

Kuwento niya, “Sa Sisterakas, I played the role of the father of Vice Ganda and Ai Ai delas Alas, when they were younger pa.

“Okay naman yung role, just started my shooting yesterday.

“Ang ka-eksena ko that time was Ruby… Ruby… si Maliksi at Beauty.”

“Sa El Presidente naman… Wow! It’s a very big film.

“Yung role ko doon ay si Clemente Zulueta…

“Isa sa mga nagdala ng mga pari sa Pilipinas dahil gusto ngang makipag-peace ng simbahan sa nangyayaring rebolusyon.”

Kamusta naman ang role niya sa El Presidente?

“Okay naman, It’s just a small role, pero for an epic film like this, being a part of it, it’s an honor already.”

-


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN