Direk Brillante Mendoza on being respected in film circles abroad: "Gusto ko rin sanang maramdaman hindi lang sa labas ng bansa ma-translate yung paghanga."


Pauwi na si Direk Brillante "Dante" Mendoza kahapon ng umaga, November 22, mula sa Brisbane, Australia, kung saan dumalo siya sa ginaganap na Brisbane International Film Festival (BIFF), para sa Thy Womb, a competition entry, nang mag-post siya sa kanyang Facebook account ng ganito:

"Be thankful! Be very thankful! God is good all the time! I'm on my way home. Hello, Davao... See you tomorrow!"

Ngayong Biyernes, November 23, ang naka-schedule na Gala premiere ng Thy Womb, na pinangungunahan ng Superstar na si Nora Aunor.

Gaganapin ang premiere night sa SM Cinema 5, sa Davao City, at umano'y dadaluhan 'yon ng mga Datu at iba pang personalidad na kabilang sa relihiyong Muslim. May ilan ding showbiz celebrity at maraming taga-media ang excited na mapanood ang pelikula sa Philippine premiere nito.

Earlier, noong Lunes, November 19, ay tumungong Queensland, Brisbane, Australia si Direk Brillante, upang tumupad sa kanyang mga commitments, kaugnay ng 2012 APSA, o Asia-Pacific Screen Awards.

Igagawad ngayon ding November 23, ang parangal ng APSA sa pagtatapos ng 2012 Brisbane International Filmfest (BIFF).

Kapwa nominado sina Direk Brillante at Ate Guy (Nora Aunor), sa mga kategoryang Best Director at Best Actress, respectively, for Thy Womb.

Kung indikasyon man ang nasa Facebook post ni Direk Brillante ng muling pagwawagi nila ni Ate Guy, o ninuman sa kanila, ay ikinagagalak nga ng maraming Noranians, at Direk Brillante supporters na nag-aabang sa kaganapan.

Anupa't sa ngayon ay yun pa lamang ang positibong nabanggit ng premyadong direktor: "Be thankful! Be very thankful! God is good all the time!"

Mamayang hapon nakatakdang mapanood ang APSA ceremonies, via live streaming. Maraming Thy Womb supporters ang nakatutok, rooting for both Nora Aunor and Direk Brillante Mendoza.

PASSIONATE. Last weekend, November 17, huling nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Brillante Mendoza. Birthday party ito ng kanyang staff at line producer ng Thy Womb, si Larry Castillo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya si Direk Dante sa pagbabalik-tanaw ng magagandang karanasan niya sa pagdalo sa pinakahuling sinalihang filmfests ng kanyang mga pelikula, tulad ng Captive, sa Ghent, Belgium; at Thy Womb, sa Taipei Golden Horse Film Festival.

Kapwa exhibition entries ang mga nabanggit na pelikula ni Direk Brillante; na parehong sa taong 2012 bumandera sa mga A-list international filmfests, tulad ng Berlin (Captive) at Venice (Thy Womb).

"Sa Taiwan, nakakatuwa, very passionate ang mga Taiwanese," banggit ni Direk Dante. "Punung-puno yung sinehang pinagpalabasan ng Thy Womb!

"So, pinanood ko uli yung film; upo ako sa harapan. Nung matatapos na yung pelikula, yung babae sa likod ko, walang tigil sa kasisinghot, iyak nang iyak!" tawa ni Direk Dante.

Ayon sa kanya, touched na touched daw ang Taiwanese lady sa eksenang kailangang mag-sacrifice ang karakter ni Shaleha (Nora's character), para sa asawang si Bangas-An (Bembol Roco); sa puntong iiwan na siya nito, para sa inanakang babaeng si Mercila (Lovi Poe).

Bago rin tumungong Brisbane, Australia ay um-attend si Brillante ng 2012 Brussels International Filmfest, bilang Jury President.

"Nanalo na ako doon, for Foster Child (2006). Binigyan nila ako ng Visionary Award," pagtukoy ni Direk Dante.

THY WOMB IN MANILA. So far, mahigit na sa dalawampung festivals sa buong mundo ang napagtanghalan ng Thy Womb, either bilang main competition entry o exhibition entry.

Nag-world premiere ang pelikula noong September 5, bilang main competition entry sa 69th Venice International Film Festival, sa Italy.

Tatlo pang world filmfest ang kinasasalihan at kasasalihan nito, bilang competing film, tulad nga ng APSA-Brisbane, sa Australia; Goa International Filmfest, sa India; at Dubai International Filmfest, ngayong unang linggo ng December, 2012.

May mga nagtatanong kung bakit hindi naman isinali ang Thy Womb sa gaganaping 14th Cine Manila International Film Festival o CIFF.

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Tikoy Aguiluz, festival director ng CIFF, ay nasabi ng premyadong indie filmmaker na, "Hindi pumayag ang Solar. Sayang nga, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Solar Films na pag-aari ni Mr. Wilson Tieng ang distributor ng pelikulang pinagbibidahan ni Nora Aunor, with co-actors Bembol Roco, Lovi Poe and Mercedes Cabral.

Tungkol dito ay may mas detalyadong paliwanag si Direk Brillante.

"Hindi kasi puwedeng ipalabas ang Thy Womb for commercial purposes before the MMFF," aniya.

Ang tinutukoy ni Direk Brillante ay ang pagkapasok ng Thy Womb bilang entry sa 38th Metro Manila Film Festival (MMFF), na magsisimula on Christmas Day, sa December 25, 2012.

Direk Brillante revealed na, originally, ay entry pala dapat ang Thy Womb, sa Cinemanila International Film Ferstival, noong ang orihinal na commercial run nito sa bansa ay magsisimula sana sa November 28.

"Pumayag ako, kasi December ang start ng Cinemanila Filmfest. Walang problema; dahil supposed to be tapos na ang commercial run ng Thy Womb..."


AS MMFF 2012 ENTRY. Nagkaroon ba ng second thought si Brillante Mendoza nang muling maimbitahang ipasok, bilang official entry, sa gaganaping Metro Manila Filmfest, ang Thy Womb matapos ang initial rejection nito, ng Metropolitan Manila Development Authority na siyang MMFF Selection Committee?

"Hindi," sagot ni Direk Dante. "The mere fact na in-apply mo siya roon, gusto mong sumali, di ba? Nu'ng kinuha, e, di ibigay.

"Kasi, alam mo, at the end of the day... ako kasi, hindi ako nag-iisip ng gano'n—ng negative.

"Unang-una, life has been so good. Ano pa ang dapat kong isipin?

"Kung ano'ng ibigay, yon. Walang masamang tinapay. Hindi ko tinitingnan nang gano'n.

"Kung ano'ng mangyari kasi... may mas maganda pang mangyayari."

Sa pagiging positive thinker ni Direk Brillante, hindi raw niya pinansin ang naging reaksiyon nang pasasalihin uli ang pelikula nila sa MMFF:

"Pinu-provoke ako noon ng mga tao, na magalit sa MMDA, pero... wala, 'Tsamba lang naman yon,' sabi ko.

"'Kung matanggap kami, di matanggap.' At least, nag-try..."


EXPECTATIONS. What if Thy Womb wins the top award at this year's MMFF?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Salamat at ni-recognize ang pelikula... ng kapwa mo Pilipino. Ng mga taong nagdya-judge..

"Pero, wala akong ine-expect," sambit ni Direk Brillante.

Sa isang banda, kung maging "dehado" ang Thy Womb, sa MMFF 2012 awards, how would Direk Brillante take it?

"Siyempre, bilang normal na tao, masasaktan ka. Pero kailangan mong tanggapin."

At this point, though, may pahayag din si Direk Brillante hinggil sa mas malalim na kahulugan ng pagtangkilik ng mga kapwa Pilipino sa kanyang mga obra, bilang isang filmmaker.

Modesty aside, para kay Direk Brillante, nag-aapela siya ngayon sa mga Pilipinong manonood na kumikilala rin sa kanya bilang isang premyadong filmmaker, internationally.

"Ang idinadalangin ko, sana, panoorin ng mga tao ang Thy Womb," sabi niya.

"Walang halong fear, gusto kong panoorin nila... nandiyan na yung film, e.

"Gusto ko ring maramdaman na, pag sinasabi sa akin na, 'You're the only filmmaker who's making it abroad, na kilala na sa abroad. At dito sana, ma-translate yon hindi lang paghanga sa akin.

"Bakit n'yo ako hinahangaan? Dahil nagagalingan kayo? So, dapat, panoorin nyo rin. I-prove nyo sa sarili nyo… ang nagsabi na, 'Magaling siya.' So, sana, manood kayo ng pelikula ko.

"Gusto ko rin sanang maramdaman hindi lang sa labas ng bansa ma-translate yung paghanga."

At bilang MMFF 2012 entry, malaking challenge ang kinakaharap ng filmmaker para sa kanyang obra.

"Nasa commercial film festival na ang Thy Womb; let's face it, kumbaga, ang labanan dito…sana panoorin ng mga tao. Yun ang objective ko," pagtatapos ni Direk Brillante.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN