Angel Locsin says One More Try is not your typical "mistress" movie


“Mero’n naman akong gagawing drama,” simulang kuwento ni Angel Locsin nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

“Pero ngayon kasi, gusto ko muna tapusin yung pelikula,” pagtukoy niya sa Metro Manila Film Festival 2012 entry ng Star Cinema na One More Try.

“Kasi, a… mero’n tayong entry na pang-filmfest, di ba? Yung One More Try, so medyo nangangarag kami,” nakangiti niyang pahayag.

“Kasama namin dito sina Angelica Panganiban, si Dingdong Dantes at saka si Zanjoe Marudo,” patuloy niyang kuwento.


ANOTHER "MISTRESS" MOVIE? Ngarag man daw sila sa shooting ng nabanggit na pelikula, masaya naman daw sila sa set.

Kuwento pa ni Angel, “Okay yung samahan. Actually light yung set namin kahit na mabibigat yung mga eksena namin.

"Pero kung magbiruan kami pati ng staff at mga artista, napaka-casual. Masaya actually.

“And iba siya. Siguro iniisip ng mga tao na typical mistress movie… na kasi ngayon nauuso.

"Parang fad, gano'n. Pero iba yung istorya namin. Isa siyang modern day family story.

“Na makaka-relate siguro yung karamihan, kasi medyo iba na, e. Medyo nagiging modern na kasi yung mga pamilya ngayon, e. Perfect siya pang-Pasko.”

Medyo sexy rin ba ang kanilang pelikula gaya ng mga naunang pelikulang tumalakay sa tema ng “mistress” gaya ng, No Other Woman at A Secret Affair?

“E, abangan niyo na lang. Si Direk Ruel Bayani po ang director namin, abangan niyo na lang po,” iwas niyang lambing.


CHRISTMAS WITH PHIL? Hindi pa matiyak ni Angel kung makakapag-out of the country sila ng boyfriend na si Phil Younghusband sa darating na Pasko.

Paliwanag niya, “Actually hindi naman dapat pang-film fest yung pelikula namin. Kaso nagustuhan nila yung script kaya isinama.

“Ang priority ko talaga sa December ay kasi, yung bestfriend ko ikakasal. Uuwi dito sa Pilipinas.

"Ako ay first time na magmi-maid of honor, so kakarerin ko lang muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Inaayos namin ang mag-out of the country, pero ang plano ay magdidepende sa uwi ng bestfriend ko.

"Pero siyempre, kahit ‘san naman ako kasama si Phil,” masaya niyang pagtatapos sa amim panayam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN