JC Tiuseco excited about his first MMFF movie


Natutuwa ang dating Survivor Philippines sole survivor na si JC Tiuseco dahil sa wakas ay magiging parte na siya ng taunang Metro Manila Film Festival.

Isa ang Kapuso talent sa mga aktor na magiging parte ng ika-14 na installment ng horror trilogy movie na Shake Rattle & Roll (SRR).

Nang kumustahin namin siya tungkol dito kamakailan, sinabi ni JC na, “Actually, hindi pa kami tapos sa episode namin. May ilang scenes na hindi pa tapos.

Maikli rin niyang kinuwento ang magiging takbo ng istorya ng episode na kinabibilangan niya.

Aniya, “‘Yong title ng episode namin sa movie is, Lost Command, e.

“So, mga soldiers kami, parang pupunta kami sa forest at nandoon ‘yong mga kalaban namin. ‘Yon ‘yong mga magiging zombies.”

At dahil ito nga ang unang pagkakataon na magiging bahagi siya ng MMFF, sabi ni JC, “Happy ako kasi at last, makakagawa na ako.”

Ayon kay JC, dapat kasama siya sa Shake Rattle and Roll 13 noong nakaraang taon.

Pero aniya, “Kaya lang nagpa-surgery ako ng knee last year.

“Hindi ko pwedeng gawin kasi maraming running scenes.

“Ngayon, magagawa ko na.”

(CLICK HERE to read related article.)

Ang Shake Rattle & Roll 14 ay official entry ng Regal Films para sa Metro Manila Film Festival sa darating na December.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN