Rhian Ramos on her newest MMFF entry: "Bida status na."


Happy si Rhian Ramos na nagkaroon siya ulit ng chance na maging bahagi ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

“For the past two years, ‘yong entry ko for the Metro Manila Film Festival is Panday. This year naman, Sosy Problems,” nakangiti niyang bungad nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Party Pilipinas last Sunday, November 25 sa GMA-7 compound.

“Nakakasosyal ng feeling na this time, ako at ‘yong iba ko pang kasama na sina Bianca King, Heart Evangelista, at Solenn Heussaff ang mga bida,” sabay tawa ni Rhian.

“Hindi. Masayang-masaya ako na magkaroon ng, ‘yong feeling ko sa sarili ko na talagang entry. Kasi nga ano, bida status na!” tawa ulit niya.

“So ‘yon. Hopefully lang, ma-enjoy ng mga tao. And masaya siyang pelikula. Matatawa sila.”

BEST ACTRESS NOMINATION? Is she expecting kahit nomination lang kasi isa siya sa lead stars ng nasabing movie?

“Uhm, I don’t know. Hindi ko alam kung ano, e. Parang kasi, parang nire-respect ko ‘yong ano namin… I wouldn’t view it as competition.

“Nire-respect ko ang iba pang mga entries. And alam ko na ‘yong role ko, parang hindi siya dramatic, e. So hindi ko alam kung manu-nominate.

“Ewan ko. Parang hindi yata standard na… kasi usually kapag best actress nomination, kailangan medyo dramatic. So, hindi ko naman ini-expect. Gano’n.”

"SOSY" CHRISTMAS? Magiging sosy, o sosyal ba kaya ang Christmas niya this year?

“Oo naman!” sabay ngiti ng Kapuso actress. “Always.”

In what way na magiging sosy ang kanyang Pasko ngayong taon na ito?

“Wala. Every year naman, e. Every year naman, same celebration.

“Pero ano… I’m happy kasi makapanood ako ng Pacquiao fight this December. Tapos ayon nga, may movie akong lalabas this December.

“And same as every December, Christmas dinner sa bahay namin. Na ‘yong buong family naming magkakasama.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa December 8 na ang inaabangang muling pagsasagupa sa boxing ring nina Manny Pacquaio at Juan Manuel Marquez. Ikaapat na bale ang paghaharap ito ng dalawa.

Co-host siya ni Manny sa game show ng GMA-7 na Manny Many Prizes. Libre ba ng tinaguriang Pambansang Kamao ang plane ticket niya papuntang America para mapanood ang laban nito?

“No. Pupunta ako because ‘yong daddy ko, gusto niyang manood. So tinawagan niya ako. Gusto niya ng ticket.

“And then sabi ko, ‘Pupunta ako, ako ang bahala, manood tayo.’

“So it’s a me and him bonding experience,” nangiting sabi pa ni Rhian.

KC MONTERO. Hindi niya yayayain ang boyfriend niyang si KC Montero to go with her at maki-bonding na rin sa kanila ng dad niya?

“I think he’s going din sa U.S. kasi may wedding ‘yong friend niya. And of course, ano, matagal na siyang team Pacquiao.”

Sabay ba silang aalis papuntang Amerika?

“I don’t know, kasi talagang ang priority ko, e, matapos pati ‘yong dubbing ng Sosy Problems before na umalis ako going to U.S., e.

“Siya, may date nang puwede siyang umalis. Ako wala pa,” pagtukoy niya sa kanyang boyfriend.

Tatlo sila nina KC at ng dad niya na manood ng Pacquaio fight?

“Posible. Oo. Pero si KC at ang dad ko, nag-meet na before. My dad goes here sa Philippines kasi, e.”

Ano naman ang nasasabi ng daddy niya about KC?

“Uhm, wala naman,” sabay ngiti ulit ni Rhian.

Boto ang dad niya kay KC?

“Oo. I mean, my dad naman doesn’t really talk about stuff like that. He’s more of just concerned about me,” tawa na naman niya.

PARADE OF STARS. Kahit pupunta ng States si Rhian, uuwi raw siya sa Pilipinas para sa Parade of Stars ng MMFF sa December 24.

“Oo. Nag-commit ako for the parade. So nag-usap-usap na rin kaming apat na girls,” pagbanggit niya sa tatlo pang kasama niyang bida na sina Heart, Bianca at Solenn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-usap na rin kami kung ano ang dapat naming suutin. ‘Yong mga gano’n. Tapos kakain kami after.

“So, para siyang gimmick para sa amin kasi friends kami.

“Hopefully, lahat ng tao, tangkilikin sana lahat ng entries this coming MMFF.”

Nagsimula na rin si Rhian na mag-taping ng Indio, ang star studded at grandiosong bagong fantasy series ng GMA 7.

“Nakakatawa kasi, the past two entries ko sa MMFF is with Senator Bong,” ‘yong Panday series ang ibig niyang sabihin.

“Tapos ngayon, kasama ko siya sa show,” pagtukoy niya sa Indio. At the same time, may ginawa akong pelikula against ‘yong movie niya na pang-filmfest din,” tawa na naman ni Rhian.

“So ano, wala lang. Out of goodwill, sabi ko, pupunta ako sa premiere night ng movie niya kung pupunta rin siya sa premiere night namin. Dyinu-joke-joke namin ang isa’t isa.

“Pero ano, sabi niya okey naman. But siyempre ano, naglolokohan kami.

“So hindi pa naman namin alam ‘yong mga dates ng premiere nights.”

Isang higanteng pelikulang maituturing ang Si Agimat, Si Enteng, at si Ako dahil bukod kay Senator Bong ay bida rin dito sina Vic Sotto at Judy Ann Santos.

Sabi nga, parang pader ang babanggain ng Sosy Problems na pelikula naman nina Rhian, Heart, Bianca, at Solenn.

“Well… yes. I mean, hindi naman kami parang every year na strong entry. Ngayon lang maririnig ‘yong story nito.”

“I mean, hindi siya epic. Comedy kami. Pampa-happy. Pampa-entertain.

“’Yong point lang namin… to entertain. Yeah, just to entertain. Make people happy.”

As happy as she is nowadays? What makes her happy nga ba aside from KC?

“Everything!” tawa ulit niya. “Everything. Basta… everything!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN