Lovi Poe on Vhong Navarro: "Crush niya ako? Oh really, that’s so sweet. Ako rin."


Karamihan ng mga pelikula ng Regal Films ngayon ay kasama si Lovi Poe. May mga nagsasabi na ngang siya ang favorite Regal baby ngayon ni Mother Lily Monteverde.

Lima sa pelikulang ginawa ni Lovi last year ay mula sa Regal Films.

Ngayong taon, hindi pa man naipalalabas ang Metro Manila Film Festival 2012 entry ng Regal na Shake Rattle & Roll 14 (SRR) ay gumigiling na ang camera para sa pelikulang The Bride and the Lover mula pa rin sa production outfit ni Mother Lily .

Sa SRR, bida si Lovi sa “Unwanted” na isa sa episodes ng horror trilogy.

Katambal niya sa nasabing episode si Vhong Navarro na open sa pagsasabing crush niya ang actress.

“Ako yung girlfriend ni Vhong Navarro but yun nga magkakaroon kami ng problem na magkaiba kami ng gustong gawin dun sa baby,” pabitin niyang kuwento sa kanilang episode.

“Working with him is so great. It’s nice kasi how you see him in TV, how funny he is, ganun siya. All I wanna do is laugh also.

“Crush niya ako? Oh really, that’s so sweet. Ako rin.

“Of course crush naman means ina-admire mo ,” nangiti niyang saad.

“I do, I admire him a lot. Yun naman ang akin, someone who can make me laugh.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN