Lovi Poe agrees Nora Aunor might win both MMFF Best Actress and Best Supporting Actress awards


May dalawang entries si Lovi Poe sa 2012 Metro Manila Film Festival: ang Thy Womb with Nora Aunor at ang Shake Rattle & Roll 14.

Hindi pa raw niya alam kung saang float siya sasakay sa darating na MMFF Parade of Stars sa December 23 dahil hindi pa raw nila napag-uusapan ng manager niyang si Leo Dominguez ang tungkol dito.

“Sa Unwanted na episode ng Shake… ako kasali. I play the role of Vhong Navarro’s girlfriend," simula niyang kuwento.

“It’s more of, medyo action. Mabigat ‘yong role physically.

“Sa Thy Womb naman, maliit lang ang role ko.

“Magkaiba kasi drama, tapos horror ‘yong isa. But I enjoyed doing both.

“I’m not looking at these as an acting vehicle.”

MMFF AWARDS NIGHT. Kung sa bagay, nakakakaba siguro para sa ibang nominees ang MMFF awards night this year.

Malaki raw kasi ang posibilidad na maging nominado at manalo sa kategoryang best actress for Thy Womb at best supporting actress For El Presidente ang Superstar na si Nora Aunor.

“Oo. Si Ms. Nora Aunor naman, I mean, she’s an amazing actress.

"And I’m just so happy to be able to witness that first hand. Kasi nakaeksena ko na siya.

“Wala. Natural lang siya and that what makes her so great because she’s not acting at all.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN