SRR 14 writers tell how they came up with their respective episodes


Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makapanayam ang tatlong writers ng Shake Rattle & Roll 14: The Invasion (SRR) kamakailan sa Imperial Palace Suites, Timog, Quezon City.

Ang latest instalment ng SRR na official entry ng Regal Films sa darating na Metro Manila Film Festival sa December 25 ay sa direksiyon ni Chito Roño, at ang tatlong kuwentong bumubuo ng horror trilogy ay mula naman sa tatlong writers.

"UNWANTED." Ito ang unang episode ng Shake, Rattle & Roll 14. Bida rito sina Lovi Poe at Vhong Navarro. Mula ito sa panulat ni Roy Iglesias.

Ipinaliwanag ni Roy kung bakit "Unwanted" ang title ng kanyang sinulat na script.

"Kasi may nangyari doon sa couple,” pagtukoy niya sa characters nina Lovi at Vhong.

“Hindi nila gusto yung sitwasyon nila. Pagkatapos yung nangyari rin sa daigdig nila, hindi rin katanggap-tanggap.

“Saka unwanted sila doon sa magiging bagong mundo na pumalit doon sa kasalukuyang mundo nila," patuloy na kuwento ni Roy

Ito raw ang first time na makakapanood ang tao ng isang istorya na parang apocalyptic.

"Parang end of the world ang parang tinutukoy nito. Feeling mo parang katapusan na ng mundo.

“Yun ang naisip ko siguro na magandang i-explore. Iba na naman klaseng istroya na hindi pa nagagawa sa pelikula."

Ano yung mga eksena sa “Unwanted” na masasabi niyang matatakot ang mga audience especially yung mga bata?

"Kasi dito maraming creatures. Sinusubukan ng couple na mag-survive sila.

“Sa umpisa nagtutulungan sila pero nung later, dahil gusto nilang makalabas doon sa sumabog na gusali, nandun na yung sino ang dapat mag-survive.

“Tapos mayroong external threat o, yung threat within na yung mga creatures naglabasan doon sa lugar na yun. Siguradong matatakot yung mga bata sa creatures sa episode na ito."

“LOST COMMAND.” Mula sa script ni Rody Vera ang “Lost Command” episode.

"Istorya ito ng mga sundalong nawala sa giyera na pinangungunahan nina Dennis Trillo, Martin Escudero and Paulo Avelino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di ba may mga sundalo tayong pinapadala sa Mindanao, parang counter revolutionary?

“Tapos ayun, hindi na sila bumalik, so, na-lost command sila. Hinahanap sila ngayon.

“Tapos yung mga kasama sa mga sundalo na nawala, di ba naging alsa-masa, naging vigilante squad.

“Pero dito sa istorya mga naging zombies sila," kuwento ni Buddy tungkol sa episode na sinulat niya

"PAMANA.” Mula naman sa panulat ng award-winning scriptwriter na si Ricky Lee ang “Pamana” episode.

Ayon kay Ricky, yung episode niya ay tribute sa first Shake, Rattle & Roll kung saan nagbida sa kani-kanilang episode sina Herbert Bautista at Janice de Belen at Arlene Mulach. Ang nabanggit na tatlo ay nagsama-sama ngayon sa “Pamana” episode na sinulat ni Ricky.

"Tungkol ito sa isang writer na parang Mars Ravelo na namatay na bitter siya. Kasi ang baba ng tingin ng mga tao sa Filipino horror-movies, yung mga monsters.

Si Mars Ravelo ay Filipino graphic novelist na siyang lumikha sa mga karakter na Dyesebel, Darna, Lastikman, Captain Barbell at iba pa.

“So nung namatay siya, nagpamana siya ng pera.

"Hinanap niya yung mga kamag-anak niya. Kasabay ng pera, pinamana rin niya yung mga monsters na na-create niya. And it goest beyond that na," kuwento naman ni Ricky Lee tungkol sa kanyang episode.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN