Dingdong Dantes on love scenes with Angelica Panganiban and Angel Locsin: "Very, very decent."


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong Dantes kamakailan, sinabi nitong hindi niya masyadong mararamdaman ang Christmas season.

Saad ng Kapuso actor, “Kailangang unahin muna yung trabaho. Commitment ito, e.

“Pasalamat na lang tayo dahil may mga nagtitiwala pa rin sa atin up to now para bigyan tayo ng project.

“Gaya nga nitong movie ko with Star Cinema.”

Kasama ni Dingdong sa One More Try ang Kapamilya stars na sina Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, at Angel Locsin.

Kumusta ang pakikipagtrabaho niya sa mga artista ng ABS-CBN?

“Alam mo, wala naman talagang diperensiya halos.

“Nagkaiba lang ng tatak kumbaga sa brand. Pero, the same—from the crew to everyone.

“Nakakatuwa lang kasi I get to experience working with another network, and with another film outfit.

“Second ko nga ito sa Star Cinema.”

FAMILY DRAMA. Ang unang pelikula ni Dingdong sa film outfit ng ABS-CBN ay ang suspense-drama-horror movie na Segunda Mano, na hindi lang nila pinagbidahan ni Kris Aquino kundi nakipagsosyo pa sila sa Star Cinema sa pagprodyus nito.

Gumanap din silang mag-asawa ni Angelica Panganiban sa nabanggit na pelikula.

Nailang ba si Dingdong lalo na noong una sa mga katrabaho niya?

“Siyempre, noong una, mero’n.

“Pero habang tumatagal, e, siyempre nagiging parang… nagiging warm na rin kayo sa isa’t isa dahil sa pinagsamahan ninyo.”

Naka-bonding niya na ba yung mga co-stars niya sa pelikua?

“Wala pa talagang masasabi mong bonding.

“Pero sa akin mismo sa set, yung ginagawa naming scenes, it’s a good time to bond.

“Kasi nag-e-exchange ideas kami. Nagpapalitan kami ng opinion. So, masaya!”

Textmates na ba niya sina Angel, Zanjoe, at Angelica?

“Hindi pa… hindi pa naman.”

Sexy ba itong movie ninyo?

“No, it’s really a family drama,” paglilinaw niya.

“Actually, nung umpisa, I think parang medyo sa ganung direksyon nila gusto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But since film festival siya, at gusto naming mas mag-cater sa mas maraming tao, sa pamilya…Kumbaga, it slowly turned into a family drama talaga.”

SEXY SCENES? Ayon kay Dingdong, ang One More Try ay kuwento ng isang mag-asawa na magkakaroon ng malaking struggle sa pamilya nila dahil kailangan raw nitong gumawa ng isang desisyon para makasalba ng buhay ng tao.

Gaano katindi yung pinakamatindi na intimate scene o, love scene niya sa movie kay Angel man o Angelica?

“It’s a very, very decent… kasi kumbaga, again, it’s a family movie.”

Sasagupa sa takilya ang pelikula nila Dingdong sa iba pang entries sa 2012 MMFF. Hindi ba siya kabado sa kumpetisyon at banggaan ng mga pelikula sa box-office?

“Mero’n naman siyempre dahil… always naman yun, e. At least, maganda yung competition. I’m very excited,” nakangiti niyang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN