MMFF SPECIAL COVERAGE: MMFF execom member Boots Anson-Roa answers issue about inclusion of Thy Womb


Present ang ilan sa mga cast at production people ng walong official entries ng 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF) maging ang limang indie films na nakapasok sa New Wave section-full length films sa isang press conference ng nasabing film fest sa Annabel’s restaurant kamakailan.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makapanayam ang isa sa executive committee members ng MMFF na si Ms. Boots Anson-Roa tungkol sa mga kaganapan ngayon sa 2012 MMFF na magsisimula on Christmas day.

Unang napag-usapan ang tungkol sa pagkakapasok ng pelikulang Thy Womb na pinagbibidahan ni Nora Aunor. May ilang isyu kasing naglalabasan dahil sa pagkakapasok ng Thy Womb bilang kapalit ng pelikulang Lola Basyang ng Unitel Production.

May ilang nagkukuwestiyon kung bakit nakapasok pa ang Thy Womb kahit naipalabas na raw ito at nanalo na rin ng ilang awards sa 69th Venice Film Festival at iba pang filmfests abroad.

Bukod pa dito, may isa na rin entry kasi si Nora na nakapasok, ang El Presidente.

Ayon kay Boots, “Siguro, very simply, we can say the the rules go by them. Dumaan sa isang masusing proseso yung pagpasok ng Thy Womb among the eight noong mag-back-out ang Lola Basyang.

“By the rules, kapag may nag-back-out among the original eight, yung number nine, automatically papasok. Yung number nine, hindi pa ready. So, kinausap yung number 10, hindi pa rin ready.

“Number 11 ang Thy Womb at ang number 11 ay ready.

“So, we look in the other rules also that have to do with… parang a free showing, wala namang problema dun. Bagamat nilabas ang Thy Womb sa Venice at iba pang film festival, hindi naman ito commercial showing.

“Hindi rin naman pinalabas dito at yun naman ang importante.”

Tinalakay na rin ni Ms. Boots ang tungkol sa pagkakaroon pa ng isang entry ni Nora na El Presidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Ms. Boots, “Kahit ang El Presidente, nagsaad na iba ang genre nila at Thy Womb.

“With regards to Nora Aunor being in the two films, yun mismong El Presidente ang nagsabi na cameo role at hindi leading lady ang role ni Nora run, kaya walang problema dun.”

EARLIER PARADE OF STARS. Ang isa pang masasabing pagbabago sa 2012 MMFF ngayon ay mas maaga na ang MMFF Parade of Stars. Sa halip na December 24 na nakaugalian na, December 23 na gaganapin ang parada.

Sabi naman ni Boots, “Yes, it’s December 23, hindi na 24.

“I think, it has to do with the day also. Sunday na at para may rest na rin ang mga artista. Tapos ang awards night will be on the 27th.

“At ang isa pang magandang innovation at salamat din sa sipag at initiative ni Chairman Tolentino,” pagtukoy niya kay Metro Manila Development Autority chairman Francis Tolentino.

“Higit pang patitingkarin at paiiralin ang participation ng mga independent producers.

“Bukod sa mero’n kasing last year na independent film producers na kasali with full-length pictures, mero’n ngayon student short films.

“And in addition to student short films, mero’n din student short film na kuha sa cellphone.

“And we’ve seen some of them, nakakatuwa,” masayang pahayag pa ni Boots.

“By way of promoting also the advocacy of MMDA, yung student short film, binigyan sila ng criteria. Yun nga, one of them, short ang film. Anywhere from 5 to 10 minutes na ang tema ay one of the advocacies ng MMDA.”

BOX-OFFICE RETURNS. Noong nakaraang taon, kumita raw ng mahigit 600 million pesos ang MMFF.

Sa line-up ng entries, kaya kayang lampasan ang box-office returns this year?

“Si Chairman, ayaw niyang maglagay ng target kasi, baka mapako ro'n sa target.

“Ang sa kanya, very prudently sinasabi lang niya na we will try to top whatever last year’s rank. And one innovative also, yung board of judges, nagdagdag sila ng mga lay people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi lang yung mga dating people of the industry. May teacher, may Muslim, mero'ng bus driver yata. Yung represented ng common tao.”


BETTER ENTRIES? Masasabi kayang mas magaganda ang mapapanood ngayon at mas may kalidad kumapara sa 2011 MMFF?

“Well, hindi naman matatanggap 'yan to start with kung hindi mahusay ang script.

“Alam naman natin generally ang script ang anchor ng isang good movie. So, hopefully, with the good directors that we have at magagaling naman ang mga artista.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN