Angelica Panganiban and Angel Locsin say friendship was developed while doing their film


Magkasabay na nakapanayam ng The Buzz ang dalawang female lead ng pang-Metro Manila Film Festival 2012 entry na One More Try ng Star Cinema na sina Angelica Panganiban at Angel Locsin.

Sa naturang family drama movie ng Star Cinema ay makakasama at makakapareha naman nila sina Zanjoe Marudo at Dingdong Dantes.

Una munang inilarawan nina Angelica at Angel ang kani-kanilang role sa One More Try.

Angelica: "Ako rito si Jack. Isang career-driven na asawa, woman of the world. Binibigay niya lahat at sinusunod siya ng lahat. Pero, pagdating sa asawa niya, siyempre, may pagka-submissive.

"Lahat ng magpapasaya sa asawa, ibibigay niya."

Angel: "Ako naman dito si Grace. Single mother tapos, mero’n akong anak na anim na taon. Mero’n siyang sakit, parang leukemia. Dahil doon, kailangan ko ulit hanapin ang tatay. Ang tatay ay si Mr. Dingdong Dantes na asawa si Jack, si Angelica.

"Mero’n akong kasintahan, for ilang years na, si Tristan, played by Zanjoe Marudo."

SEXY FILM? Kakaiba nga raw ang kuwento nila ngayon at hindi lang puwedeng sabihin na nagpapaka-daring o nagpapaka-sexy sila.

Angelica: "Nakaka-excite kasi ang tina-tackle ng movie, hindi siya yung typical na ginagawa ng mga artista sa generation namin. So, doon pa lang, challenging na siya.

Angel: "Ang story ng One More Try, family-drama siya, e.

Angelica: "Siyempre, may harot. May naughtiness talaga siya. Hindi rin naman maganda na gumagawa ka ng pelikula na wala sa lugar yung pagpapaseksi mo, di ba?

"Actually, hindi nga magandang tawaging nagpapa-sexy ka dahil hinihingi lang siya ng eksena. Hindi naman kami basta-basta nagpapakita ng balat kung hindi kailangan."

MOTHER ROLE. Isang malaking hamon naman daw kay Angel ang karakter niya na isang ina ang ginampanan niya.

Sabi nga ni Angel, "Ginawa ko lang ang trabaho ko bilang artista. Nag-research ako, kasi alam na alam naman siguro ng lahat na hindi pa talaga ako ina. So, ang challenge sa akin, kung papaano ko mapapaniwala ang sarili ko na mero’n akong anim na taong anak."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FRIENDSHIP. Naging malapit din daw sina Angel at Angelica habang ginagawa ang pelikula.

Angelica: "Siyempre sa una, nagkakapaan. Tahimik lang ako baka kasi naiingayan sila sa akin. E, hindi ko na rin napigilan ang sarili ko. Noong kalagitnaan na, ay, bahala na, si Chika na ko nang bonggang-bongga.

"Maganda rin yung may natutunan ka sa kanya. May natutunan siya sa ‘yo. Pero lahat ng yun, mas maganda yung nabi-build-up niyong samahan habang ginagawa niyo ang isang pelikula.

"So, I think, yun ang importante sa lahat, yung nagge-gain ka ng kaibigan."

Angel: "Palagi ko namang sinasabi na sobrang bilib ako sa kakayahan babaeng ito talaga. Fan na fan talaga ko.

"Becky days pa lang niya, sinubaybayan ko talaga 'yan," pagtukoy niya sa ginampanang papel ni Angelica sa Munting Prinsesa na pinagbidahan ni Camille Prats noong mga bata pa sila.

"Kasi, bilib ako kung papaano siya—kung papaano niya ibahin ang sarili niya.

"From comedy to drama, to support to bida."

Angelica: "Siyempre, laking bagay rin na nakikita mo ang work ethics ng kasama mong artista. Lalo na ‘to, marunong siyang mag-alaga ng mga katrabaho niya.

"Malapit na nga siyang lumutang sa lupa, sa sobrang kabaitan niya talaga. Palutang na siya, e. Next to God siya, ganoon siya kabait."

LOVELIFE. Pagdating naman sa lovelife, hanga raw si Angel kay Angelica.

Ayon kay Angel, "Basta, iba ‘tong si Gel, iba. Ibang klase. Pagdating sa pag-ibig, alam naman siguro natin yun. Bilib ako sa kanya pagdating sa pasensiya.

"Sabi nga niya sa movie, ‘Ang pera, hindi basta-basta mauubos. Pero ang pasensiya, konting-konti lang.’ Pero, baligtad yun. Yung pasensiya na, bonggang-bongga siya."

NO COMPETITION. May mga sinasabi rin na diumano’y may kumpetisyon sa pagitan nilang dalawa sa pag-atake sa kani-kanilang role sa movie.

Angel: "Natatawa nga ako kapag may nababasa 'ko na, ‘Ang pagtutuos.’ Kasi, wala namang ganun. Parang siya ang artistang hindi ko pag-iisipan ng ganun, kasi napakapropesyunal niya. Alam niya kung paano balansehin, so wala kaming ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Napakaganda ng pagkahati-hati ng istorya para lahat ng karakter… umangat."

Angelica: "Hindi naman para umabot doon sa point na nagsasapawan yung isa’t isa. Kasi, alam mo, matalinong artista naman ang mga kasama mo sa eksena. At saka, lumang style na yung nagsasapawan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN