MMFF SPECIAL COVERAGE: Paulo Avelino on nudity: “Depende kung hanggang saan yung kayang makita ng mga manonood.”


Ang dalawa sa bida ng “Lost Command” episode ng Shake Rattle & Roll 14 (SRR) na sina Paulo Avelino at Dennis Trillo ang humarap sa press kaninang tanghali, December 6, sa Regal Films Incorporated office sa Valencia, Quezon City.

Ang dalawa pang kasamang istorya sa longest-running horror franchise sa Pilipinas ay ang “Pamana” at “Unwanted.”

Unang pakikipagtrabaho ni Paulo sa tinaguriang Master of Horror Films na si Chito Roño na siyang nagdirek ng lahat ng episodes ng nasabing horror trilogy.

Ani Paulo, “Ako po matagal ko na ring gustong makatrabaho si Direk Chito… pero ang pinakagusto ko po kay Direk Chito kasi very visual siya.

“Very… alam niya yung gusto niyang gawin, kumbaga. Alam niya yung shots na ginagagawa niya. Parang ine-edit na niya sa utak niya.

“Alam niya lagi yung level ‘tsaka yung intensity ng bawat eksenang gusto niya para matagpi-tagpi niya sa final outcome ng movie.”

Hindi ba siya natakot dahil balitang istrikto raw ang award-winning director na si Chito Roño at naninigaw pa raw ito?

“Actually nabalitaan ko nga po dati, parang terror din, e. Very strict siya on the set.

“Very strict siya pag gumagawa talaga siya ng pelikula. Pero, ewan ko. Dito sa episode namin, he works… he’s very happy. Masaya lang siya lagi at magaan siyang katrabaho.”

Nasigawan ba siya habang ginagawa nila ang movie?

“Hindi pa naman po,” saad niyang natatawa. “Mero’n po siyang nasigawan pero hindi po kami,” patuloy niyang ikinatawa ng lahat.

DENNIS TRILLO. Kapwa sila magagaling na actors ni Dennis, may mga eksena bang nagpagalingan sila?

“Wala naman. Wala naman. Kasi ako naman tsaka si Dennis we were just portraying our characters.

“Ginagampanan lang namin kung ano ang dapat ibigay ng character.

"Na tulad ng sabi ko kanina, kinokontrol naman po ni Direk Chito Roño yung intensity ng bawat eksena… sa kailangan naming ibigay. So, hindi kami puwedeng maglaro sa labas ng level na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang co-star niyang si Dennis Trillo ay dating Kapamilya na naging Kapuso. Siya naman ay kabaliktaran dahil Kapuso siyang naging Kapamilya.

“Very open naman ako kahit no’ng nasa GMA ako na iniidolo ko si Dennis pagdating sa sining ng pag-arte.

“Hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa mga binibigay niya’t pinapakita niya,” papuri ni Paulo sa katabing si Dennis.

NOT YOUR TYPICAL HORROR FILM. Ano ang kaibahan ng kanilang episode sa dalawa pang stories sa SRR 14?

“Kasi hindi ito yung typical horror story natin na may multo. O, kaya may aswang na humahabol sa ‘yo.

"Pero dito kasi parang sinasama niya rin yung paranoia ng mga sundalo kasi hindi nila alam kung ano ba talaga tinutugis nila. Ano ba talaga tumutugis sa kanila.

“Nang Makita na nila yung mga hinahanap nila, hindi na nilam kung ano ang gagawin. Hindi nila alam kung paano magri-react.”

ALL BOYS. Maliban sa teen actress na si Ella Cruz, wala silang mga kasamang mga babae, o leading ladies sa pelikula. Hindi ba sila nanibago na puro lang sila lalaki halos sa set?

“Nakakapanibago rin pero sa min kasi halos magkakakilala kami lahat. So yun puro kami… wala mag-e-enjoy lang talaga kami sa set.

Anong preparations ang ginawa nila para magampanan nang makatotohanan ang pagganap nila bilang mga sundalo?

“Mero’n po kaming mga scout rangers po talaga na nasa set na nagtuturo ng tamang commands. Tamang formation, tamang stunts, tamang paghawak ng baril, amang pagputok. Sila po yung nag-supervise for the whole shoot.

PLAN THIS CHRISTMAS? Ilang araw na lang at Pasko na. May planao na ba siya kung paano i-spend ang Christmas?

“Ako po hindi ko pa po matantiya ngayon kung uuwi ako sa Baguio sa pamilya ko this Christmas o hindi. Dahil hinihintay ko pa po baka magkatrabaho ng 26, 27 and 28.

“Pero, ngayon wala pa naman po, so I might be spending my Christmas in Baguio.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GIFT FOR HIS SON? Bukas naman sa mga tao na kapwa na sila may anak ng co-star niyang si Dennis. Kung si Dennis ay naisip niyang more than material things ay mahalaga ang kanyang presence sa kanyang anak ngayong darating na Kapaskuhan.

Sa kaso ni Paulo, ano ang balak niyang iregalo sa kanilang anak ni LJ Moreno na si Ethan Akio?

Sa una ay hindi naman pinilit si Paulo na sagutin ang tanong, pero nanaig sa actor ang pagiging ama.

Pahayag niya, “Sa akin naman, bahala kayo, pero yun nga… siguro may konting material things nga kasi bata pa naman,” seryoso niyang sagot

“Mahilig pang maglaro, pero I think the best thing that I could give him this Christmas is being with him on Christmas day.”

Maganda ang naging 2012 niya career-wise. May plano ba siya to give back and share his blessings.

“To give back this Christmas… sa ngayon, a, may mga tao rin akong tinutulungan. I try to help the people first na kumbaga that are really not within my circle but yung extended circle.

“Kasi kumbaga sa extended circle pa lang ang dami nang nangangailangan ng tulong. So, a… tinutulungan ko muna yung mga nando’n sa circle and kung anumang puwedeng ibigay out of that circle, tumutulong rin naman ako kung may kailangan.”

Very successful din yung career ni LJ ngayon at napupuri rin sa galing nito sa pag-arte. Ano ang kanyang masasabi.

“Happy. Very happy for her,” matipid na tugon ni Paulo.

A MORE DARING PAULO THIS COMING 2013? Ano ang aabangan kay Paulo sa darating na 2013. Mas magiging more daring ba siya?

“Well, more daring? May ginagawa kami ngayong pelikula ni Jennylyn [Mercado]. Pero yun, it’s a romantic-comedy,” nangingiti niyang sagot patungkol sa pelikula nilang The Bride and the Lover kasama rin si Lovi Poe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Undoubtedly ay isa siya sa sexiest actors today, hanggang saan ba ang kaya niyang ipakita sa mga manonood?

“Depende kung hanggang saan yung kayang makita ng mga manonood,” biro niyang natawa.

Butt exposure?

“Well tingnan natin. Depende sa proyekto. Tsaka depende sa ganda ng proyekto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN