MMFF SPECIAL COVERAGE: Dennis Trillo on being loveless this holidays: "Nariyan naman ang anak kong si Calix."


Maaga si Dennis Trillo sa Regal Office sa Valencia, Quezon City this morning, December 6, dahil nag-pictorial pa siya para sa movie nilang Shake, Rattle & Roll 14: The Invasion,” ang sole entry ng Regal Entertainment, Inc. sa 38th Metro Manila Film Festival simula sa December 25, 2012.

Kasama niyang humarap sa entertainment press ang co-star niya sa “Lost Command” episode ng SRR 14 na si Paulo Avelino.

Third episode ng movie ang “Lost Command” na tampok sina Dennis, Paulo, Martin Escudero, Ella Cruz, Rommel Padilla, JC Tiuseco, Alex Castro, AJ Dee, Benz Sanggalang, Makisig Morales, Kenneth Salva, sa direksyon ni Chito Roño.

Nauna nang nakagawa ng Shake, Rattle & Roll 9 si Dennis sa episode na “Bangungot” na dinirek ni Mike Tuviera.

Bakit special sa kanya ang “Lost Command” episode?

“First time ko ito na mag-portray ng isang sundalo, matagal ko na kasing wish na makaganap sa ganitong role,” sagot ni Dennis. “

"At first time ko ring makakatrabaho si Direk Chito Roño. Nang malaman ko na siya ang magiging director namin, natuwa ako at sabi ko masuwerte ako dahil maraming artista na gustong maidirek niya. At ngayon, heto at idinirek na niya ako.”

Hindi ba siya natakot nang sabihin sa kanyang si Chito Roño ang magiging director niya?

“Hindi naman, although may mga nagsabi na sa akin na strict siya, perfectionist. Pero hindi naman, nang makatrabaho ko na siya, relaxed naman siya.

“Pero nakita kong magaling siya talaga. Technically, marunong siyang mag-motivate ng artista para mapalitaw niya kung ano ang gusto niyang ipaarte sa amin.”

Hindi ba sila nasigawan ni Paulo ni Direk Chito dahil hindi nakasunod sa utos nito?

“Mero'n, pero hindi kami ni Paulo,” nakangiting sagot ni Dennis.

HIS ROLE. Sa “Lost Command,” lider ng Special Unit 21 si Dennis bilang si Staff Sgt. Martin Barrientos, kasama ang iba pa na ang misyon ay puksain ang balwarte ng mga rebeldeng naghahasik ng pananakot sa Katimugan ng Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa pagpasok sa liblib ng kagubatan upang harapin ang “Lost Command” – isang grupo ng mga sundalong matagal nang pinahihinto sa misyon nilang magpalaganap ng lagim-militar laban sa mga rebelde.

Pero ngayon, hindi na lamang sila mga rebelde kundi mga sundalong halimaw na pinamumunuan ni dating Col. Rolando Palma, ang kinikilalang berdugo ng dating Vigilante Squad na Alsa Puwersa na ngayon ay kilala na bilang si Kapitan Bantog.

Hangad niyang mag-recruit ng mga bagong sundalo para magtatag ng isang hukbo ng mga halimaw para ipagpatuloy ang paghahasik ng lagim ng militarisasyon.

Ginawa niyang zombie ang bawat miyembro ng Special Unit. Papayag ba si Barrientos na talunin sila ni Kapitan Bantog at ng mga zombies?

“Hindi typcal horror stories ang Shake, Rattle & Roll 14: The Invasion,” at ito na siguro ang pinakamagastos na episode dahil sa mga costumes ng mga sundalo at prosthetics ng mga zombies.”

NO GIRLS? Biniro si Dennis na ngayon lamang yata siya gumawa ng movie na wala siyang leading lady. Sa kabuuan ng episode, ang kasama lamang nila ay si Ella Cruz, ang babaeng bulag na tutulong sa kanya.

“For a change,” natatawang wika ni Dennis. “Pero nag-enjoy naman kaming puro lalaki sa set. Nag-bonding kami kasi tumagal din ng more than ten days ang shooting namin.

“Medyo mahirap kasing mag-shooting sa bundok at gubat. At mero’n kaming mga scout rangers na nakabantay sa shooting para ituro sa amin ang tamang paghawak ng baril.

“Mahirap kasi kung kami-kami lamang, baka kung anu-ano ang gawin namin, mapintasan pa kami.

“Pinakamahirap din naming eksena, iyong last two days ng shooting na encounter na, at naglalakad lamang kaming nakatapak habol ng mga zombies. Isang naiibang experience iyon sa aming lahat.”

Sasama si Dennis at ang buong cast sa parade of stars ng MMFF sa December 23, na magsisimula sa Manila Hotel at magtatapos sa SM Mall of Asia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TEMPTATION OF WIFE. Binati namin si Dennis dahil sa magandang feedback sa mahusay na pagganap niya sa role niya as Marcel sa Pinoy adaptation ng Koreanovelang Temptation of Wife.

Na kahit galit sa kanya ang mga televiewers dahil kahit may asawa na siya, kay Angeline (Marian Rivera), ay na-attract pa siya ni Heidi (Glaiza de Castro) na best friend at halos kapatid na ang turing sa kanya ni Angeline.

“Thankful nga ako sa mga televiewers at kahit masama ang role ko, pinupuri pa nila ako. Nababasa ko ang tweets nila na tuwang-tuwa sila kapag nasusuntok o nasasaktan ako ng ama ko, si Romeo (Raymond Bagatsing).

"Gustung-gusto rin nilang lumaban na si Angeline sa akin at kay Heidi.

“Huwag silang mag-alaala, malapit na iyon. Siguro pagbalik ni Marian from Las Vegas para manood ng laban ng Pambansang Kamao, si Manny Pacquiao, kukunan na namin ang lunod scene na pagbalik ng character ni Angeline, siya na si Chantal. at magsisimula na ang paghihiganti niya sa aming lahat.”

LONELY THIS CHRISTMAS? Malapit na ang Christmas at biro kay Dennis, malamig ba ang Pasko niya dahil ilang buwan na silang break ng actress na si Bianca King?

“Wala namang problema, mas mabuti iyon, tahimik ang buhay ko, nariyan naman ang anak kong si Calix,” pagtukoy niya sa anak nila ng dating girlfriend na si carlene Aguilar.

“Like today, wala akong taping ng Temptation of Wife, after this presscon, susunduin ko siya sa school. Madalas siyang nasa akin kapag wala akong work, tapos ihahatid ko siya sa mommy niya.”

Nanonood ba si Calix ng kanyang drama series, tulad ng Temptation of Wife?

“Kung minsan na nasa akin siya, sumisilip siya, nasanay na rin siyang nakakapanood ng mga shows ko.

“At five, matalino si Calix at madali niyang maintindihan kung ano ang napapanood niya dahil ini-explain ko iyon as honest and basic as possible sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

This Christmas, ano ang gift niya kay Calix?

“Sa December 24, nasa mommy niya si Calix pero sa December 25, nasa akin siya.

“Gusto ni Calix mag-camping kami. Naghahanap na ako ng isang lugar na puwedeng mag-camping kami, iyong may waterfalls sana. Baka wala pa kaming work after Christmas and before New Year, itutuloy ko iyon.

"Gusto kong ipa-experience naman sa anak ko ang pagka-camping na gusto niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN