MMFF SPECIAL COVERAGE: Zanjoe Marudo on "rough" love scene with Angel Locsin: "Nakainom kasi ako sa scene."


Ang papel ni Zanjoe Marudo ay isang taga-Baguio na taga-ukit ng kahoy sa pelikulang One More Try ng Star Cinema at official entry sa 2012 Metro Manila Film Festival.

Hindi na pinagdududahan si Zanjoe ngayon sa ipinapakita niyang husay sa pag-arte. Ang girlfriend niyang si Bea Alonzo ay kilala ring mahusay na aktres.

Ang galing ba sa pag-arte ay “hawa-hawa” rin kaya nagkakahawahan na sila ni Bea?

O, posible rin kayang na-challenge si Zanjoe sa girlfriend?

“Hindi naman siguro sa na-challenge. Lahat naman ng binibigay sa aking trabaho, ginagawa ko naman,” simula niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang actor kamakailan.

“At ngayong nabigyan ako ng ganitong kalaking role— hindi naman ito naibigay sa akin kung hindi ko ginawa nang tama.

“Suwerte ako na nabigyan ako ng ganitong opportunity na makikita nilang seryoso ako.

“At siyempre, mas sanay sila na nagpapatawa ako, gumagawa ako ng comedy. Dito ako tinest.”

MOST CHALLENGING PART? Sa mga naging eksena niya sa pelikula, saan siya mas nahirapan?

“Actually, mas nahirapan ako sa 24/7,” pagtukoy niya sa ginampanang role ng isang bading sa nabanggit niyang pelikula.

“Dito kasi, mas nakapaghanda ako. Na-present sa akin ang role. Nag-start kami, June, July. Siyempre, yung script, nandiyan na.”

Dugtong pa niya, “Ang maganda sa pelikulang ito, hindi ka nila kinuha as actor na, ‘O, basahin mo ‘to, ‘yan ang gagawin mo.’

“Kapag pinanood mo, alam mong parte ka, alam mong kasali ka sa buong film.

“Hindi mo siya sasabihin na trabahong binayaran ka, hindi siya ganoon.

“Ewan ko, feeling ko, pagkatapos nito, tumalino ako bilang artista. Ang director namin matalino.”

THE NEW RICHARD GOMEZ? Ang director naman ng One More Try na si Direk Ruel Bayani ay inihalintulad sina Zanjoe at Dingdong Dantes. Si Dingdong daw ay parang si Aga Muhlach lalo na pagdating sa looks. Si Zanjoe naman, si Richard Gomez daw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, kumbaga, sa tall, dark and handsome, sino pa nga ba ang ano mo… si Goma na.

“Ako nga, kinakapalan ko na nga lang minsan kapag may spoof sa Banana Split, ako ang gumagaya kay Goma.

“So, pini-feel ko talaga na ako yung batang Goma.”

Dugtong pa niya, “Noong nag-golf si Goma, nag-golf ako.”

Noong bago pa lang siyang nag-aartista, naiisip ba niyang, puwede puwede siyang next Richard Gomez?

“Ay, hindi ko naman naisip yun,” nakangiting sabi niya.

DINGDONG DANTES. Pagkatapos daw nilang makagawa ng dalawang pelikula ni Dingdong, nauna na nga ang dalawang sequel ng Kimmy Dora at ngayon ay sa One More Try, masasabi ni Zanjoe na naging magkaibigan na daw sila.

Aniya, “Natutuwa ako kasi kay Dingdong dahil kahit big star siya, hindi mo mararamdaman.

“Cool lang, tahimik lang. Bilib nga ako sa kanya na nakakatrabaho niya lahat. Nakakapag-adjust siya kahit taga-GMA siya, tapos kami, taga-ABS.”

Nag-uusap ba sila ni Dingdong about girls, partikular na ang mga girlfriends nila na kapwa magaganda?

Nangiti naman si Zanjoe saka sinabing, “Marami kasing tao sa paligid, so hindi kami nag-uusap about our girlfriend.”

ANGEL LOCSIN. Kumusta naman katrabaho si Angel Locsin?

“Ang sarap katrabaho ni Angel, una, alam mo yung passion niya sa project.

“Parang kapag tinanggap ko ang proyektong ito, uumpisahan ko at tatapusin ko ito nang maayos. Yung ganoon, so nakaka-inspire. ang dami mong puwedeng makuha sa kanya.”

Yung love scene daw nila ni Angel, kung ilarawan ni Zanjoe, ay “rough.”

“Nakainom kasi ako sa scene,” saad niya.

Ayon sa balita ay wala raw siyang suot na brief noong gawin nila ang love scene.

“Sa totoo lang ha, sa tingin ko, hindi magiging bentahe ang pagiging sexy ng pelikula. Wala, e, panghuli pa yun—yung story at emosyon talaga.”

Pinanood din ba niya ang pelikula ni Bea na The Mistress kung saan ay may love scenes din it okay John Lloy Cruz? Sa tingin ba niya ay makakaya rin panoorin ng girlfriend ang intimate scenes nila ni Angel?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, excited na yun,” sabi niya.

“Gusto nga niyang mag-set-up ng panonood para sa mga barkada ko. Lahat-lahat, i-invite niya para manood sa isang araw.”

Pang-award ba ang acting na ipinakita niya sa One More Try?

Aniya, “Hindi ako nag-e-expect naman. Kumbaga, mapanood lang nila ito at para kumita ang pelikula.

“At pagkatapos after na mapanood ng mga tao, alam mo yun, mero’n lang akong ma-gain na sa susunod na taon.

“Hindi naman kailangan ng award para ma-gain mo ang respeto ng ibang tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN