MMFF SPECIAL COVERAGE: Kris Aquino on Vice Ganda lauding her comic timing: “Umiyak ako after.”


Marami ang pumansin sa billing ng main cast sa pelikulang Sisterakas.

Ang Sisterakas ang official entry ng Star Cinema para sa 2012 Metro Manila Film Festival.

Nauna sa billing si Vice Ganda, pangalawa si Kris Aquino at panghuli si AiAi delas Alas.

Sa usapin ng billing sa Pilipinas, binibigyang halaga ang laki ng artista kapag nauna ang pangalan sa movie poster. Ang panghuli na may "and" ay sumisimbolo rin ng importansiya ng isang artista.

Kung pag-uusapan daw kasi ang seniority, walang duda na malaki ang agwat ni Kris kumpara kay Vice. Bakit daw pumayag daw si Kris na mas bongga ang billing sa kanya ng dalawa niyang co-stars?

Binigyang-linaw ito ni Kris sa ginanap na press conference ng pelikula nila sa 14th Floor ng ELJ Building noong December 8.

Ayon kay Kris, “Kasi, honestly, parang sinabi ko na ‘yan. Sinagot ko na yun.

“As far as comedy is concerned, angat naman silang dalawa talaga sa akin.

“Vice holds the box-office record until now and with the highest grossing film of all-time. Hindi na natin mabilang kung ilang film festival na nag-top-grosser si Ai.”

Pero nagsimula rin naman daw halos si Kris sa comedy at may nagpaalala pa nga rito ng pelikula niya dati na Fido Dida with Rene Requiestas na tumabo rin sa takilya.

“Okay lang, feeling ko naman, ako ang bunso nila,” masayang sabi ni Kris.

WHY SHE CRIED? Kakaibang Kris Aquino ang mapapanood sa Sisterakas dahil talagang “karir” ang mga outifit niya rito hanggang sa kanyang pilik-mata.

Yun nga lang, marami ang nagtataka kung bakit daw parang siya pa mismo ang nang-okray sa mga nagawa na niyang horror movies.

“Hindi, inano ko yun… kasi, you have to see the opening.

“Maraming nangyari that’s why I said that line. In-explain ko rin yun na bakit ko naman lalaitin yung mga movie na kapag cumulatively, e, more than 300 million pesos naman ang kinita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang ano ko lang doon, when you see what’s happening, you’ll understand why I said that. Pero yesterday, naluha ako sa tuwa talaga.”

Ikinuwento nga ni Kris na naging masaya raw ang pakiramdam niya dahil sa naging papuri sa kanya ng itinuturing niyang “asawa” na si Vice Ganda sa ipinakita niya sa pelikula nila.

Nabibigla raw sa Vice sa timing ni Kris at bago raw sila natulog, tinawagan muna raw niya si Kris at kinongratulate.

“Umiyak ako after,” saad ni Kris.

“Kasi, kapag pagod na pagod ka na, tapos nakarinig ka ng, ‘Uy, good job ka.’ Sige na nga, nakakaano… parang worth it pala lahat ‘to.

“Kasi, si Direk Wenn [Deramas], na-excite akong katrabaho siya. Kasi, sinabi sa akin na hindi siya nagpupuyat. Pero, ilang gabi na tayong straight na umaga nang umuuwi.

“Pero nakakatuwa dahil kami mismo, nae-excite sa produktong ilalabas namin.”

“Kung ang iba, naghahangad ng Best Actress, si Kris, vocal siya sa pagsasabi na gusto nila, kumita nang husto ang pelikula.

CO-PRODUCERS. Sinabi rin niya na co-producer rin sila nina AiAi at Vice sa movie.

“Maybe you don’t know the fact that 25% of the film, came from the three of us.

“So, it’s 50% Star Cinema, 25% Viva and 25% sa aming tatlo. So, napakahalaga talaga sa amin na kumita ‘to.”

Magaling daw mag-predict si Kris. Nararamdaman ba niyang magna-number one ang Sisterakas ngayon sa box-office?

“Kasi, noong 2010, number 3 ako. Noong 2011 na festival, number 2. So, it’s about time na this time, number one.”

Si Kris naman ang nagsisilbing “common friend” nina Vice at AiAi. Bago kasi sila magkasama-sama sa Sisterakas, nabalita na may conflict sa pagitan nina Vice at AiAi.

Ngayon ba nagkaka-bonding na rin silang tatlo at nagkakasama sa labas?

“Wala pa talagang time. Pero, ang gaan-gaan at ang saya-saya.”

Dugtong pa niya, “Honestly, natuwa ako sa kanilang dalawa because they are so secured of who they are and what they possess.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro, nakakatulong din dahil pare-pareho silang maligaya sa kanilang buhay pag-ibig kaya ang gaan-gaan ng work namin talaga,” pagtukoy niya kina Ai Ai at Vice.

“We’re all super-duper happy together.”

Wala bang naging sapawan na nangyari sa kanilang tatlo sa mga eksena?

Sabi naman ni Kris, “Ako ang kontrabida, silang dalawa ang bida, that’s the truth.”

Ang alam din ng lahat, sila lang sana ni Vice ang magkasama sa Sisterakas. Hanggang sa nabalitang nag-back-out siya, pero sa huli ay sumamapa rin siya sa pelikula.

“Actually, my role is really existing. Pero sa initial script, I was a man,” natawa rin sabi niya. “’Di ba, pero, naging babae lang. Nandoon talaga. As in, yung lalaking yun ang rival niya [Vice], pero, in-love siya.

“Yung totoo talaga, si Vice, inaway ako nang bonggang-bongga noong mag-back-out ako.

“Sinugod niya ako at sinabi niyang, ‘We’re all in this together. Kung papasukin natin, tayong tatlo.’ So, ang ABS-CBN na ang gumawa ng paraan para mag-adjust ng schedule kaya ‘eto ang nangyari.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN