Rhian Ramos on the word "pilapil:" “Hindi namin alam kung ano yung pilapil, e."


“Ang pangalan ko ay Lizzy, tapos ako yung pinakamayaman sa apat,” kuwento ni Rhian Ramos sa PEP.ph (Philippine Entertainment portal) tungkol sa papel niya sa Sosy Problems na entry ng GMA Films sa 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula sa December 25.

Dumalaw ang PEP.ph sa location ng shooting ng movie sa Celebrity Sports Plaza sa Capitol Hills sa Quezon City noong Linggo, December 9.

Kabaligtaran ni Lizzy ang role ni Bianca King as Danielle na pinakamahirap naman sa apat na kinabibilangan din nina Solenn Heussaff at Heart Evangelista.

“Yes pero kami yung best friends. Si Solenn tsaka si Heart yung best friends tapos kami ni Bianca yung best friends but we’re all a group. Pero, pair-pair kami.

“And then yung story ko, although kasama din ako sa group that wants to save the clubhouse kasi magiging mall siya. May sarili din akong story wherein yung family ko nahihirapan sa akin kasi medyo problem child ako.

“Kasi lumaki akong spoiled. So, to teach me a lesson papadala nila ako sa province para matuto akong mabuhay nang simple.

“Yung hindi puro cellphone, puro computer tapos wala akong yaya, walang credit cards.

“Parang I stayed with my lola in the province, Mas simple, maayos pero yung character ko puro reklamo talaga.

“Yung parang, hindi kasi siya marunong maligo sa poso. Water heater siya [sanay], e, di ba?

“So, ganun yung mga problems niya.

“May eksenang maliligo ako sa poso dito, in real life hindi ko pa nata-try.”

WHAT IS A "PILAPIL?" Nakakatawa rin daw nung nag-shoot sila sa bukid at hinahanap nila ang pilapil at ni isa sa kanilang apat ay hindi alam kung ano ang pilapil.

“Sobrang true-to-life yung eksena kasi I really don’t know what that word means, kung ano yung pilapil.

“E, yung eksena mismo hindi namin alam kung ano yung pilapil, e. Naka-relate kami kasi in real life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi rin namin talaga alam kung ano ang pilapil. Hindi namin alam kung ano ang ibig sabihin man lang,” ang natatawang kuwento ni Rhian.

“Yung director namin si Direk Andoy Ranay sabi niya, ‘E, kayo nga hindi ninyo alam kung ano yung pilapil, e.’ Sabi ni Bianca, ‘E, bakit, in fairness naman malalim na word yun.’

“Tapos pinagtatawanan kami. Sabi nung cinematographer namin, ‘Hindi yun malalim!’ Walang other word, pilapil talaga siya.”

RHIAN IS LIKE LIZZY? Ano ang similarity ni Rhian sa character niyang si Lizzy?

“Napanood mo yung si Mr. Assimmo sa Bubble Gang? Parang si Mr. Assimmo di ba minsan natatanong ka ng isang tanong na feeling mo parang ‘Ay, hindi!’

“Kunwari parang bibili ka tapos sinabi, ‘A, bibilhin ninyo po?’

“Tapos sasagot ka, ‘Ay hindi!’

“Yung ganun. Si Lizzy yung ganung version ko. Yung mga bagay na puwede mong ihirit pero hindi mo gagawin kasi rude.

“Si Lizzy sasabihin niya. Ganun siya, she’s the mean girl inside your head.

“Parang yung mga hirit ko sa utak ko lang, pero yung siyempre because it’s rude. I won’t say it. Si Lizzy hindi, sasabihin niya wala siyang pakialam.

“So, iyon yung similarities namin kasi si Lizzy, yung mga lines niya minsan naiisip ko, e, yung parang, ‘Ay wala namang class!’

“Yung ganun, kunwari iisip ako na, ‘Ay bakit niya ginawa yun, wala namang class?’

“Si Lizzy sasabihin niya, ‘Wala ka namang class niyan!’

“Ganun si Lizzy.”

Prangka si Lizzy, si Rhian ay hindi.

“Oo. Hindi ko siya sasabihin kung rude, unless talagang I meant something very innocent by it. I wouldn’t say it.

“I wouldn’t say anything to purposely insult a person, pero si Lizzy gagawin niya talaga.”

Sa mga nakarang MMFF ay kasali si Rhian sa dalawang Panday movies na naging entry sa nasabing filmfest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

This time, sa Sosy Problems, isa na siya sa mga bida. Ano ang nararamdaman niya?

“Sosy,” sabay-tawa ni Rhian. “Ako hindi ako nape-pressure kasi parang feeling ko hindi ko ginagawa yung pelikula para makipag-compete kahit kanino.

“Parang gusto ko lang pag napanood ng tao, matawa sila. Makita nila yung mga kalokohan na ginawa namin.

“Na sana magulat sila sa mga nagawa namin para sa movie.

“Wala, gusto ko lang very light at ma-enjoy lang ng mga tao.

“Hindi ko naiisip yung mga box-office, hindi ko naiisip yung award. Gusto ko lang mapanood ng tao tapos matawa lang sila. Iyon lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN