MMFF SPECIAL COVERAGE: Vic Sotto on Kris Aquino's "prediction" her movie will be number one in MMFF 2012: "O, di siya na!"


Sa grand presscon ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at si Ako, na pinagbibidahan nina Senator Bong Revilla, Vic Sotto at Judy Ann Santos, idinaan sa biro ni Bossing Vic ang sagot niya sa tanong kung ano ang masasabi nila sa binitiwang salita ni Kris Aquino na magiging number one sa box-office sa 2012 Metro Manila Film Festival ang entry nitong Sisterakas.

Kasama naman ni Kris sa nasabing pelikula sina Vice Ganda at Ai Ai delas Alas. Sa presscon kasi ng Sisterakas ay nasabi ni Kris na, "Kasi nung 2010 number three ako. Nung 2011 na festival number two yung movie. So, it’s about time na this time number one."

Reaksiyon ni Bossing, "O, di siya na!"

Ikinatawa naman ito ng media na dumalo sa presscon na ginanap sa Annabel’s restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City noong Disyembre 13.

Ayon naman kay Sen. Bong, "Mahirap mag-predict si Kris, e, di ba? Nape-predict niya yung mga pangyayari. Basta panoorin niyo na lang yung mga pelikula.

"Unang-una ayaw nating magkaroon ng problema naman. Baka magkaroon ng problema, baka maintriga.

"Ang importante dito panoorin natin lahat ng mga pelikula na kalahok dito sa Metro Manila Film Festival. Importante kumita lahat, e, mabawi yung investments ng bawat producers.

"Para gumawa ulit ng susunod na mas malaki pang pelikula na mapapanood ng mga manonood natin ng pelikulang Pilipino."

So, umaayon ba siya sa prediksyon ni Kris?

"Sa tingin ko yung pag-predict niya nun, baka ngayon magkamali siya! Joke lang, Kris!" sabay tawa ni Sen. Bong.

JUDY ANN SANTOS. Tila nagulat naman si Judy Ann sa tinuran ng kanyang mga co-star sa pelikula at idinaan na lang din niya sa biro ang sagot niya, "Matatabil ang mga katabi ko ngayong araw na ito.

"Nananahimik po ako dito sa aking kinauupuan at ako po’y magdadasal na mag-number one kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano sa tingin nila ang puwedeng ilamang ng pelikula nila sa ibang entries sa MMFF?

Sagot ni Bossing Vic, "Basta palakihan, malaki talaga ito, artista pa lang malaki na, e.

"Pagandahan, sinisiguro namin sa inyo na mas maganda ito sa mga nakaraang nagawa namin. Pagdating sa aksyon, sa comedy, e, talaga namang nakatodo na ito kumbaga."

Sagot naman ni Judy Ann, "Ito po ginawa namin na masaya kami. Ako po naniniwala na pag masaya niyong ginawa ang isang pelikula at ginawa niyo ito nang buong puso. Na wala kayong ibang inisip kundi mapasaya ang mga tao.

"Papasa ito nang maayos sa mga tao at sa mga bata. So, yun po ang buong proseso ng pelikula namin. Very good vibes."

Ayon naman kay Sen. Bong, "Sinabi ko na kanina yung prediction ko, e, talagang number one. With Vic, with Juday, with the whole cast, talagang yung kumbinasyon nandun lahat, e.

"Yung hahanapin mo sa isang pelikula nandito na. Sa tingin ko, sabi nga, ‘Claim it.’ We will be number one!"

AWARDS OR HIGH BOX-OFFICE RETURNS? Mas prayoridad ba nila ang box-office kaysa sa awards?

"Pareho sana kung pupuwede. Pero hindi naman puwedeng… minsan nagkakasabay, minsan hindi.

"Siyempre lahat naman gustong kumita muna ang pelikula, di ba?" paliwanag ni Bossing Vic.

Sa direksyon ni Tony Y. Reyes, ang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at si Ako ang entry ng Imus Productions, OctoArts Films, M-Zet TV, APT Entertainment at GMA Films sa MMFF sa Disyembre 25.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN