MMFF SPECIAL COVERAGE: Zanjoe Marudo on Best Supporting Actor race in 2012 MMFF: "Hindi mawawala sa isip mo na umasa rin.”


Sa pangalawang pagkakataon, muling magiging bahagi ng Metro Manila Film Festival si Zanjoe Marudo.

Una siyang nakasama sa isa sa mga entries ng taunang movie festival noong 2011, kung saan isa siya sa mga aktor ng Shake Rattle and Roll 13.

Pero, mas kapansin-pansin ngayon si Zanjoe sa kanyang pagkakasama sa drama movie na One More Try, na pinagbibidahan din nina Angel Locsin, Angelica dela Cruz, at Dingdong Dantes.

Dahil dito, maaring maging isa siya sa mga nominado bilang Best Supporting Actor. Magiging katunggali niya sa karangalan na ito ang mga batikang aktor na sina Cesar Montano at Christopher de Leon, na parehong kasama sa El Presidente.

HOPING TO WIN? Para kay Zanjoe hindi na siya masyadong umaasa dahil itinuturing na niyang karangalan ang makasama pa lamang sa mga nominado.

“Noong ginawa ko naman ito, hindi ko iniisip ‘yon,” ani Zanjoe nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conference na inihanda para sa kanya ng Star Magic kamakailan.

Sabi pa niya, “Sa sobrang dami ng mga magagaling na artista, sa sobrang dami ng mabibigat na mga dramatic actors sa MMFF, wala, malayo sa isip ko ‘yon.

“Aasa pa ba ako? Nakasali na nga ako sa pelikula, e.”

Nabanggit din ni Zanjoe na, “Ako naman, masaya ako sa trabaho ko rito sa One More Try.

“Hindi naman ako talaga ako manalo, hindi naman ako magwawala na, ‘Bakit sila ang nanalo?’

“Masaya na ako na natuwa ang Star Cinema at ang direktor ko [Ruel Bayani].

“Marami rin akong naririnig na mga magagandang salita, papuri sa mga kasama kong artista. Doon pa lang, para ka nang nanalo.”

Dahil sa mga komentong ito, ayon kay Zanjoe, minsan ay sumasagi rin sa isip niya na magkamit ng award.

“Noong narinig ko ‘yong mga comment sa akin ng mga kasama ko at direktor ko, siyempre, kahit papaano hindi mawawala sa isip mo na umasa rin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN