MMFF SPECIAL COVERAGE: Solenn Heussaff, Rhian Ramos, and Bianca King talk about their “sosy problems”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tatlo sa apat na lead cast ng 38th Metro Manila Film Festival entry na Sosy Problems noong Disyembre 18.

Sa isang pocket press conference, na ginanap sa GMA-7 Studio 7, ay binigyang patikim nina Solenn Heussaff, Rhian Ramos, at Bianca King ang mga press tungkol sa kanilang proyekto.

Pinamagatang Sosy Problems ang pelikulang idinirek ni Andoy Ranay dahil tinatalakay nito ang mga pinagdadaanan sa buhay ng apat na magkakaibigang “sosy girls” o mga anak-mayamang socialites.

Sila ay sina Margaux Bertrand (played by Solenn Heussaff), Lizzie Consunji (Rhian Ramos), Danielle Alvarez (Bianca King), at Claudia Ortega (Heart Evangelista).

Isa-isang sinagot nina Solenn, Rhian, at Bianca ang mga tanong tungkol sa kanilang mga karakter at kung paano sila nakaka-relate sa mga ito.

Inalam din ng PEP kung ano ba ang maituturing na personal na “sosy problems” nila.

SOLENN HEUSSAFF AS MARGAUX. Tulad mismo ng singer-actress na si Solenn Heussaff, isa ring half-French, half-Filipina ang kanyang karakter na si Margaux Bertrand.

“Her mom married a French ambassador and [they’re] super, super yaman,” wika niya.

Kuwento ni Solenn tungkol sa “sosy problem” ni Margaux, “Wala naman akong masyadong problema, but I’m always in competition with my pinaka-best friend sa grupo, si Claudia. Siya si Heart Evangelista.

“So there, lagi kaming in competition. At iyong mga nanay namin din, they’re always fighting, always competing with each other; so it’s funny, very funny.”

Bagamat madali para kay Solenn na gampanan ang isang half-French, half-Pinay character dahil nga may French accent ito kapag nagsasalita aniya, hindi raw siya nakaka-relate sa kanyang character.

“I don’t relate to my character at all. Sobrang bobo siya, as in! As in tanga-tanga, laging nakabukas iyong bibig niya.

“She’s very nice, very sweet, very caring naman, pero iyong utak niya nasa langit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, minsan I’m like that, my brain is flying around. But, yeah, hindi ako masyadong… I’m not similar to Margaux naman.”

Bagamat madalas makita sa mga social parties si Solenn, hindi umano niya itinuturing ang kanyang sarili bilang isang socialite.

“Kasi the real socialites are, like, the ones who attend all these charity events, di ba. Or they attend events just to be seen or be photographed in the social circle.

“Ako, if I could not go to an event, I would not go.

“I think, kasi in the job we’re in, like, everyday you put makeup on, everyday you dress up.

“So kami kapag may free time, you don’t wanna dress up. You don’t wanna put on makeup, you don’t wanna [put effort].”

Para kay Solenn, ito na ang maituturing niyang sosy problem bilang isang celebrity.

Sa totoong buhay kasi ay mas hilig nitong manatili na lamang sa bahay upang mag-paint, magsulat, o di kaya ay mag-gym na lang.

RHIAN RAMOS AS LIZZIE. Inilarawan naman ni Rhian Ramos ang kanyang karakter na si Lizzie bilang pinakamayaman at pinakamayabang sa grupo ng sosy girls.

“She’s very flashy, never ever subtle. She likes to flash her money around.

“She’s also the pinaka-bossy and problem is that it’s more of an internal problem that her friends and family just give up on her because she’s such a brat—eally, really annoying.

“And she just always has to have her way.

“So, she finds herself through a life of simplicity,” kuwento niya.

Para kay Rhian, ibang iba ang lifestyle ni Lizzie sa personal niyang buhay.

“I wish I had the same problems as my character, kaso lang I don’t,” wika niya patungkol sa pagiging “shallow” ng mga problema ng kanyang character.

May pagka-materyosa kasi ito at puro sarili lamang niya ang iniisip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa ni Rhian, may isang eksena raw sila sa pelikula kung saan tinangka niyang talbugan ang dami ng billboards nina Anne Curtis at Georgina Wilson sa EDSA.

“There’s not really much that’s similar about us, except that the things that my character says… Kasi she’s very tactless and I do it sometimes, like, I think that way but I never say it out loud.

“When she thinks like, parang, ‘You’re so ugly and gross and fat,’ parang gano’n. She’ll say it.

“Or parang when people are, ‘Ma’am ganito ba?’ And she’d say, like, ‘Ang tanga tanga mo,’ like that.

“Parang it’s the things you would never ever say, but when you’re so irritated, it’s like you’re thinking it that way. She’s like that she’s the evil voice inside your head.”

Dahil nga malayo sa tunay na buhay ang karakter ni Lizzie, hindi umano maituturing ni Rhian ang sarili niya bilang isang socialite, bagamat isa siyang celebrity.

Para kasi sa kanya, “degrading” ang matawag na isang socialite sa kadahilanang karamihan sa mga ito ay nagpapakitang-tao lamang sa tuwing dadalo ng mga “charity” events.

BIANCA KING AS DANIELLE. Samantala, naiiba naman ang karakter ni Bianca King na si Danielle dahil di kamukha ng iba ay naghihirap na ang kanilang pamilya.

“Iyong pamilya ko dito is naghihirap na, because my dad is a former politician na hinuli na ng pulis kasi dahil sa mga kasalanang ginawa niya.

“So, because naghihirap na iyong family ko, I try to keep up with my friends by buying fake things.

“Parang aside from the whole family issue, which is my sosy problem, my character is also the one who’s looking for love for the wrong reasons.

“I’m looking for somebody rich to fall in love with me to solve my family’s financial problem.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, mabait pa naman si Danielle kasi, siyempre ginagawa niya iyon para sa family niya,” natatawang paglalarawan ni Bianca sa “gold digger” niyang character.

“Hindi naman siya golddigger, pero … para naman sa family niya, e,” dagdag pa niya.

Tulad ni Danielle, nagkaroon na rin umano si Bianca ng halos parehong karanasan.

“Ako naman, I’ve experienced working for my family.

“There was a time when I’m in showbiz na, na I took it upon myself to support my parents, so parang doon nakaka-relate ako kahit konti.”

Hindi kailanman itinuring ni Bianca bilang sosy problem ang karanasan niyang iyong.

Para sa kanya, “Ang sosy problem ko was that my personal life was the scoop of the day for the day.”

Tulad nina Solenn at Rhian, hindi rin itinuturing ni Bianca ang sarili niya bilang isang socialite.

Hindi rin kasi siya mahilig magpunta sa mga social gatherings at parties.

“Me, I just don’t go. I go—sorry for this—but I go if I’m paid,” natatawang sabi ni Bianca.

“No, but it’s true. Sometimes, if it’s for an endorsement, I go, or if it’s something GMA-related, I go.”

EXAGGERATED BUDGET. Dahil nga mayayaman ang mga bidang karakter sa pelikula, siniguro ng GMA Films na mabigyang buhay ito sa pamamagitan ng makatotohanang props at costumes.

Ayon kay Bianca, ang mismong fashion editor ng Preview magazine na si Daryl Chang ang namuno sa pag-style ng mga damit nila.

Kuwento naman ni Rhian, “My helicopter is my favorite accessory. It makes me look good!”

“And they flew it up and down like a million, gazillion times! That’s how big the budget was para magulo lang iyong hair,” pagsesegunda naman ni Solenn.

Maituturing naman ni Solenn na pinakamahal na accessory ni Margaux ang helmet na sinusuot niya kapag sumasakay sa kanyang Ducati motorcycle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Most expensive iyong helmet na nakalimutan nila [production staff] sa Manila. Mahal ang gasolina no’n!” wika niya.

Kay Bianca naman, isang malaking refrigerator na punung-puno ng Evian bottled water ang maituturing niyang pinaka-sosy na gamit ni Danielle.

“That’s my treasure because my character’s obsessive compulsive, so I only gargle water that’s Evian.

“And mahal iyon because every scene bago. Pag cut, bago na naman, next scene bago na naman,” kuwento ni Bianca.

MATERIALISTIC. Masasabing materialistic ang mga karakter sa Sosy Problems, dahil na rin sa ipinapakitang pagkahilig nila sa mga mamahaling gamit.

Pero para kina Solenn, Rhian, at Bianca, hindi naman daw magkakaroon ng masamang impluwensiya ito sa mga kabataan ngayon na nahihilig sa bagong gadgets, damit at kung anu-ano pang pagkakagastusan.

Paliwanang ni Rhian, “I think it will contribute positively [to society] because our movie has that kind of moral lesson like with people, relationship, friendship…”

Sinegundahan naman din siya ni Bianca, “So, we do have all those things na kinagigiliwan ng mga kabataan, but the heart of the film is really about the people.

“What brings people together, regardless of what social class you’re in and how much money you have or where you live, iyon iyong importante.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN