MMFF SPECIAL COVERAGE: ER Ejercito says El Presidente script is based on books from the National Historical Commission

Wika ni ER Ejercito tungkol sa mga bigating artista na kabilang sa MMFF, “Kung mero'n ang Sisteraka na Vice Ganda, Kris Aquino, at Ai-Ai delas Alas, mero'n ang Agimat at Enteng Kabisote na Bong Revilla at Vic Sotto saka Judy Ann Santos, ang El Presidente naman meron Nora Aunor, Christopher de Leon at Cesar Montano.”


Rated PG o Parental Guidance ang Metro Manila Film Festival entry na El Presidente kaya naman tingin ng producer at lead star nito na si ER Ejercito ay may pag-asa itong bumenta sa takilya.

Aniya, “Natutuwa ako, kung ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga story ay for adults, R-13, halos for adults nga ang pelikulang ‘yon dahil sa violence at gangster movie.

“Ngayon po, tayo ay parental guidance, PG, kaya pambata po tayo. Kaya may laban po tayo sa box-office.”

Sa kasaysayan ng Metro Manile Film Festival, hindi na kaila na ang mga pelikulang pinagbibidahan na malalaking artista ang nagiging matagumpay sa box-office.

Ngunit ayon kay ER, hindi siya nababahala kahit pa bigatin ang mga artistang bida sa iba pang MMFF entries.

Wika niya, “Kung mero'n ang Sisterakas na Vice Ganda, Kris Aquino, at Ai-Ai delas Alas, mero'n ang Agimat at Enteng Kabisote na Bong Revilla at Vic Sotto saka Judy Ann Santos, ang El Presidente naman mero'n Nora Aunor, Christopher de Leon at Cesar Montano.”

Talaga namang ipinagmamalaki ni ER ang kalidad ng pelikula na pinaghandaan nila sa loob ng 14 years.

Paglalahad niya, “Fourteen years pinaghirapan yung script nito. Spanish scripts translated into English and Tagalog.

“We gathered, consolidated all the books, historical books on the National Historical Commission.

“The relatives of people who were part of the Philippine revolution from 1898 to 1901…From the Tejeros Convention to the Treaty of Paris, na-gather namin lahat 'yang mga data.

“Kaya’t halos 100 percent ang accuracy ng pelikulang ito.

“At magaling naman at mahusay ang ating direktor, Mark Meily. Napakaganda ng execution.”

Kahit historical film ang pelikula ay mag-eenjoy pa rin ang publiko na panoorin ang El Presidente.

“At sinisiguro po natin na talagang maganda at hindi boring ang pelikula. Di ba, usually, ang impression sa isang historical film ay boring.

“Pero itong pelikula, nakakatuwa po itong El Presidente, ilang beses na namin pinapanood ng mga producers kasama si Direk, hindi po boring.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpahayag din ng paghanga ang isa pang cast member na si Bayani Agbayani sa pagkakabuo ng pelikulang El Presidente.

Sabi pa ni Bayani, “Minsan isang taon lang po ang paggawa ng pelikula.

“Sana gumawa po tayo ng de kalidad na pelikula na pwede nating ipagmalaki sa mga darating pang artista na may ginawa kaming pelikula minsan isang taon na hindi namin inisip na kikita kami ng pera.

“Basta’t ang inisip natin, makagawa ng de-kalidad na pelikula at meron ipamana sa mga bagong artista.”


(CLICK HERE to read related interview with Bayani Agbayani)



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN