MMFF SPECIAL COVERAGE: Angel Locsin on missing the Best Actress plum: "Next time bawi naman.”

Inaasahan ba ni Angel Locsin na makakuha ng Best Actress award sa pagganap niya bilang isang single mother sa One More Try?

“Honestly, hindi ko naiisip kasi siyempre, si Ate Guy [Nora Aunor] ang kalaban so, respeto rin,” sagot ni Angel.


Lubos ang pasasalamat ni Angel Locsin sa lahat ng mga tumangkilik ng kanilang pelikulang One More Try sa kasalukuyang Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kasama na rito ang kanyang masugid na mga tagahanga na nag- sponsor pa ng block screening ng pelikula kagabi, December 26, sa Gateway Mall sa Quezon City.

Ayon sa datos na inilabas ng Metro Manila Development Authority, pangatlo sa takilya ang Star Cinema movie sa unang araw ng MMFF noong December 25. Ang One More Try ay kumita ng P13.6 million.


Ang Sisterakas ang nanguna dahil kumita ito ng P39.2 million at sinundan naman ng Si Agimat, Si Enteng at si AKO na kumita ng 29.5 million.

Hindi raw ito inaasahan ng 27-year-old na aktres.

“Hindi talaga ‘to ang plano sa pelikula,” dagdag pa ni Angel.

“Nagkataon lang na si Direk Ruel [Bayani] ay napakagaling, isang henyo ang writer namin, at ang buong team ng One More Try.

“Hindi rin namin ine-expect kasi ang tapang ng istorya natin.

“Hindi rin namin alam kung kakagatin ba ‘to ng mga Pilipino. So, laking pasasalamat ko.”

Kaya naman sobrang tuwa raw ni Angel nang mabasa na niya ang mga komento ng mga nakapanood na ng pelikula.

Aniya, “Sa totoo lang masayang-masaya kami, napakasuwerte namin and to think na R-13 ‘yong pelikula, hindi ganun karami ang supporters.

“But sobrang overwhelming talaga ‘yong response ng mga tao especially online.

“Kasi, I’m very active sa Twitter so nakikita ko ‘yong comments nila, ‘yong response nila.

“Sobra talaga na parang nanood ba ako ng pelikula habang binabasa ko.

“Nakaka-touch talaga, overwhelming talaga ‘yong response so, maraming-maraming salamat.

Inaasahan ba ni Angel na makakuha ng Best Actress award sa pagganap niya bilang isang single mother sa pelikula?

“Honestly, hindi ko naiisip kasi siyempre, si Ate Guy [Nora Aunor] ang kalaban so, respeto rin,” sagot ni Angel.

ANGEL VS. NORA? Kung sakali, ang bida sa pelikulang Thy Womb na si Superstar Nora Aunor ang magiging katunggali ni Angel para sa Best Actress category.


Kagabi, December 27, ay ginanap ang awards night ng MMFF. Kinilala si Nora Aunor bilang Best Actress para sa kanyang pagganap bilang isang midwife sa Thy Womb.

Isang araw bago ang awards night, naitanong kay Angel kung ano ang magiging reaksiyon niya kung sakaling hindi siya manalo sa Best Actress category.


Aminado si Angel: “Maraming ring mas magaling pa talaga.

“Pero kung ibibigay sa akin, siyempre, ang laking pasasalamat ko.

“Kasi ‘yong talagang mapasama ‘yong pangalan ko sa mga naging best actress, laking pasasalamat ko na.

“Kung hindi man, e, di next time bawi naman.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN